AIKA'S POV
“Kung 'ganon magsimula na kayong magsanay at ihanda niyo na ang inyong mga sarili para sa darating na Gang War, dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari.” Natahimik silang lahat sa sinabi ko, nag-iisip.
Ilang sandali pa ay may kumatok kaya napatingin kaming lahat sa pintuan.
“Patawad po kung nagambala ko ang inyong pagpupulong, ngunit inaatake ang kaliwang bahagi ng council.”
Nagkatinginan kaming lahat. Napaisip naman ako, kaliwang bahagi? Sa Elites? Pero, anong kailangan nila sa Elites?
___
EMPRESS PLASH'S POV
Naghihintay kaming lahat sa disesyon ni Empress Aika lalo't alam niyang naroon ang tirahan namin, ng Moonlight Empress. Kaya sigurado akong hindi rin siya makakapayag.
“Maghanda kayo, bibigyan natin ng mainit na pagsalubong ang ating mga bisita.” malamig niyang tugon habang may ngisi sa mga labi.
I also smirked on what she said, You are so dumb, guys. Pagsisisihan niyo ang pagpasok niyong 'to sa Council.’
___
EMPRESS HELL'S POV
Nagsipaghanda na kami pagkatapos iutos ng Empress. Kasalukuyan kaming narito sa weapon room, sinamahan namin ang Emperor—X para sa karagdagang armas nila.
May kaniya kaniya kaming armas na sadyang ipinagawa para lamang sa amin. At dumagdag pa ang mga invention ni Plash.
“Empress Plash, Demon Prince. Maiwan kayo dito. Kayo ang gagabay sa amin. Ikaw Empress Plash sa amin. At ikaw naman sa mga kagrupo mo Demon Prince. Maliwanag ba?” seryusong saad ng Empress at sabay na yumuko naman ang dalawa.
“Good. Now, let's move.” saka siya naunang maglakad, sinundan naman siya kaagad ni Emerald.
Pero, ilang saglit pa ay bumalik siyang muli “One more thing. Bawal ang landian sa oras na 'to. Ayokong makarinig ng landian niyo sa earpiece kaya habang narito pa ay magsipaalaman na kayo.”
Natawa ako sa kaniya, pati na rin si Phenom at Crystal. Sabay kaming nagkatinginang tatlo at napailing nalang.
Bigla akong napatingin kay Dark Rose, nang hinawakan niya ang kamay ko.
“Mag-iingat ka, Hell.” at hinalikan ang kamay ko. Watdahikk! Mabuti nalang at wala na dito sina Aika kung hindi ay tutuksuin na naman ako 'non. But, I doubt that. Masiyadong seryuso ngayon ang leader namin.
Nginitian ko siya, “Ikaw din Dark Rose. Mag-iingat ka lalo pa't wala ako sa tabi mo.” napangisi ako nang bumaling siya kaliwa't kanan. Kinikilig, amp!
Sigurado akong abala ang lahat kaya walang pagdadalawang-isip na ninakawan ko siya ng halik... sa pisngi lang naman.
Namula naman ang tonta dahil sa ginawa ko. Kaya siniringan ko lang siya, “See you around, loverboy.” kinindatan ko siya kaya mas lalo pa itong nagulat sa ginawa ko.
Nakangiti ko siyang tinalikuran, Hays, hihintayin ko nalang sila sa labas.
___
EMPRESS CRYSTAL'S POV
Napangiti ako sa sinabi ni Empress Aika bago umalis. Ngunit nabura kaagad iyon nang makita ang nag-aalalang mukha ni Black Phoenix.
Hinawakan ko siya sa pisngi. “'Wag kang mag-alala hindi pa ako mamamatay.” nginisihan ko siya at sinamaan niya naman ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...