GLAIZA'S POV
“Ang galing ni Aika kanina” rinig kong sabi ni Farah.
“Yeah, para siyang si Glaiza kung—” sabi naman ni Athena.
Hindi niya natapos ang sinasabi nang mapagtanto kung anong sinabi niya.
Pero huli na, dahil narinig ko na at ngayon ay nakatingin kaming lahat sa kaniya.
‘Really kinukumpara pala nila ako sa nerd na yun?’
Nginisihan ko sila, pero bago pa ako nakapagsalita ay naunahan na ako ni Loraine.
“Actually ang dami niyong similarities. Pero don't worry Sisterbes. ‘Hinding hindi ka niya mahihigitan.’” pampalubag loob na sabi niya.
Pero ewan ko ba kung paranoid lang ako o ano, dahil sa tingin ko may ibig sabihin ang huli niyang lalo pa't parang diniinan niya iyon.
Sa huli ay nginitian ko nalang siya, at hindi na lang sumagot sa sinabi kanina ni Athena.
“Sayang sa kabilang team siya inilagay ni Coach.” pang-iiba ni Giselle sa usapan.
“Really? So may pag-asa palang makalaban natin siya?” noon lang ako nagsalita. At napatango naman sila.
Lihim naman akong napangisi.
‘Tingnan natin.’
___
SOMEONE'S POV
[Hello Miss G., napatawag po kayo?]
“Gusto kong makalaban si Aika sa Championship ng Archery.”
Ramdam kong natigilan siya, pero sumagot din kaagad.
[Kung yan po ang gusto niyo, yan po ang masusunod. Iyan lang po ba ang itiniwag niyo, Ms. G?]
“Yes.” ani ko at binabaan na siya ng tawag.
‘THE REAL BATTLE WILL START NOW.’
___
XOCHITL'S POV
Malalim akong bumuntong-hininga.
“Ang lalim nun Boss ah. May problema ka ba?” tanong ni Xian.
Nanatili parin akong tahimik at di na lang siya pinansin.
Hindi parin ako makapaniwala na tinanggihan ulit ako ni Kath.
*FLASHBACK*
Kanina pa ako nakahiga sa kama pero di parin ako makatulog. Kaya naisipan kong eh text si Kath.
‘Gising pa kaya siya?’
:Hi Kath. Still awake?
{Hello. Yes I am.}
Thanks God. Gising pa siya.
:Malapit na ang Intramurals natin. Anong sports mo?
{Archery. You?}
Archery? Pero dalawa lang naman ang bagong member ng archery ah. Sina Glaiza at Aika lang? Sino siya dun?
Baka si Glaiza talaga to?
:Uh! Basketball ako.
{Ganun ba. Manonood ako ng laro niyo kapag may time.}
Manonood siya? Pero pano ko siya makikilala gayong di naman kami nagkita?
‘Try ko kaya ulit.’
:Manonood ka? Pero paano kita makikilala? Makikipagkita kana sakin?
{HAHAHA! Hindi! Papanoorin nalang kita mula sa malayo.}
HaAaaay bakit ba siya ganito. Gusto ko lang naman siyang makita.
:Pero bakit?
{It's not yet the time. Wag kang mag-alala ako mismo ang mag-aaya sayo kapag dumating na ang tamang oras. But there's one thing I can say to you, kilala moko Yuan. Kilalang-kilala.}
Yuan? Tinawag niya akong Yuan? Pano niya nalaman yung second name ko?
{Gabi na masiyado. Matulog kana, ganun din ako. Good Night! Sweet Dreams!}
Hindi na ako nagreply pa at binaba ko na rin ang phone ko sa bedside table.
Sino ba talaga siya? At bakit parang kilalang kilala niya ako?
*END OF FLASHBACK*
___
AIKA'S POV
Ilang araw na pala ang lumipas simula ng makapasok ako dito sa grupong ito.
Huling araw na ng practice namin ngayon. At ngayon din ibibigay ang schedule ng laro namin for the next week.
Kalaro ko ngayon ang isa sa kambal na nagpafill-up sa akin ng form. Venice ang ngalan niya at ang kambal naman niya ay si Vienna. Magaling din sila kagaya ni Aziria.
At napag-alaman ko ding isang tao lang pala ang nakatalo kay Aziria.
“Alam mo nagulat talaga ako ng natalo mo si Captain.” sabi ni Venice na pinakawalan ang arrow sa kamay niya.
‘9’
Yeah, Captain namin si Aziria dito habang sa kabilang team naman ay si Glaiza.
“Tsamba lang yun.” sabi ko na inaasinta yung target.
“Pero kahit na. Lakas mong makatsamba. Sana makatsamba ka din kay Ms. Glaiza.” baling niya sa direksiyon ko.
Bumaling naman ako sa kaniya at pinakawalan ang arrow na nasa kamay ko.
‘10’
“Kita muna. Hindi talaga tsamba yun Aika.”
Napailing nalang ako.
“Guys, tama na yan. Lumapit muna kayo dito.” sigaw ni coach na bagong dating.
Lumapit naman kami kagaya ng sabi niya.
“Ibibigay ko na ngayon ang schedule niyo for the next week. Hintayin niyo lang na tawagin ko ang mga pangalan niyo. Maliwanag ba?” tumango naman kaming lahat.
Nagsimula na siyang magtawag ng mga pangalan.
‘Aziria’
‘Aliyah’
‘Venice’
‘Vienna’
‘Aikaterine’
Ako ang huling tinawag at inabot ko naman ang schedule ko.
What? Paanong nangyari ito?
Silang apat ang makakalaban ko?
___
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...