SOMEONE'S POV
[Lady. All set na ang lahat. Nakakalat narin ang mga tauhan natin.]
“Okay, just get ready. Ilang sandali na lang at magsisimula na ang pagdiriwang na 'to.” I hanged up the phone.
‘Get ready to see my little surprise for all of you. Enjoy!’
___
DARK EMERALD'S POV
Malapit ng magsimula ang pagdiriwang at marami-rami na rin ang miyembro ng council ang nakita ko. Pero hindi ko pa nakikita ang Empress.
“Nakita niyo na ba ang Empress?” tanong ko sa mga kagrupo ko.
Xian is the one whom answered me, “Mukhang ayan na ang hinahanap mo Emerald.”
Umingay naman ang crowd pagkasabi 'non ni Xian. At tama siya papalapit na nga ang Empress.
Sandali kaming nagkatitigan, nang huminto siya sa mismong harap ko at nginitian ako.
Pero bakit 'ganon? Bakit parang may ibang kahulugan ang ngiti niyang 'yon sa'kin.
Napatingin ko sa mga kasama ko dahil alam kong nakita rin nila 'yon.
“Mukhang may kakaiba sa Empress, Emerald. Hindi maganda ang kutob ko sa kaniya.” bulong ni Xian na nasa tabi ko.
‘Dammit! Wag niyong sabihin na peke na naman ang isang to?’
___
PRINCESS'S POV
Pinaghanda niya na kami para sa sorpresa niya mamaya. At nakita kong dumating na din siya.
“Let's go, Hija. Kailangan na nating maupo sa upuan natin.” bulong ng Queen sa akin. Tumango naman ako at sinulyapan siya ulit.
“See you later.” I whispered to her kahit na alam kong hindi naman siya nakatingin sa'kin.
___
EMPRESS CRYSTAL'S (FARAH) POV
“Are you ready Guys?” Plash asked. Tumango naman kami.
Sinulyapan ko empress na prenteng nakaupo ako sa kaniyang trono sa gitna kasama ang mga pinuno ng council. The reigning king and queen. Her parents.
Handa na kaya siya? Alam kong palagi naman siyang handa, naitanong ko lang bigla. Pero sana magtagumpay siya sa binababalak niya. I don't want her to get hurt.
Nagpalinga linga ang Empress at nahinto ang paningin niya sa amin.
Nginitian niya kami. At ganun din ang ginawa namin.
‘Teef!’
___
PLASH'S POV
[ACCESS COMPLETED.] Finally, tapos na. Tinext ko siya kaagad na nahack ko na ang systems nila at napigilan ko na ang dapat na pasabog niya.
‘Ikaw na lang ang hinihintay, my empress.’
___
THIRD PERSON'S POV
Habang nagsasaya ang lahat ay tumunog ang mga trumpeta, hudyat na parating na ang umuupong Emperor at Empress.
Natigil naman ang lahat at hinintay ang paglabas ng mga ito. Tumayo ang lahat at yumuko pati na rin ang susunod na Empress.
Pumagitna ang Emperor at naupo naman ang kasalukuyang Empress sa kaniyang trono.
“Magandang gabi sa inyong lahat. Ito na ang araw para masaksihan niyong lahat kung sino-sino ang inyong mga pinuno. At, ang mga kasapi nito.” pambungad ng Emperor.
“Ngayong gabi ay makikita niyo ang aming mga mukha sa likod ng maskarang 'to sa una at huling pagkakataon.”
“Umpisahan natin sa mga kasapi ng Elites.”
___
DARK EMERALD'S POV
“Umpisahan natin sa mga kasapi ng Elites.” the Emperor said.
Tumayo naman ang aming mga magulang at pati kami ng mga kagrupo ko.
Nakita ko rin na tumayo ang Moonlight Empress.
Unang nagtanggal ng maskara ang mga nakakatanda at mga kanang kamay ng Empire.
Bukod sa codename namin ay may mga pangalan din kami sa Council.
Narinig kong binaggit na ng mga magulang ko ang pangalan nila dito sa council gayundin ang mga magulang ng mga kagrupo ko.
Kaya hudyat na iyon para kami naman ang magpakilala at magpakita ng aming mga mukha.
Si Black Phoenix ang nauna. Tinanggal nito ang maskarang kulay black na may pearls sa gitna na hugis Constellation na Phoenix.
“Phoenix Jaxon Cortez.” pakilala niya pagkatapos tanggalin ang maskara.
Sumunod si Dark Rose. Tinanggal niya ang maskarang itim na may Rosas sa gitna.
“Ivan Dark Rivera.”
Si Demon Prince. “Damon Jax Lewis.”
Si Dark Demon ang pang-apat. “Dark Ian Montenegro”
I am the last. Tiningnan ko muna silang lahat bago ko tanggalin ang maskara kong itim at green at may mga Emerald na batong nakalakat dito.
“Xander Yuan Anderson.”
___
EMPRESS HELL'S POV
Hindi na kami nagulat nang makita ang mga mukha sa likod ng grupong Emperor—X. Of course, matagal na naming alam. Like duh!
Pero nakakapagtakang nagulat pa ang Empress nang makita kung sino ang mapapangasawa nito.
‘Uh-oh, hindi siya pasado sa audition.’
___
BLACK CRYSTAL'S POV
Natapos ng magpakilala ang Elites group ng lalaki, kaya kami na ang susunod. Kami kasi ang namumuno bilang lider ng Elites group ng mga babae kahit na sabihing anak kami ng mga taga-Palace.
Ako ang mauuna kaya humakbang ako paharap. Tinanggal ko naman ang maskarang nakatabing sa mukha ko.
“Tiarra Crystal Lim, everyone.” I coldly said.
Humakbang na ako paatras at sumunod naman si Hell Killer. “Antoinette Hell Limosco.”
Sumunod naman si Killer Plash.
“Kiara Plash Dela Vega.”
At sa aming apat si Phenom Queen ang huling nagpakilala.
“Queen Vernadeth De Sierra.”
Nakahanay na kaming lahat sa gitna ngunit hindi pa din kami umaalis.
Nagulat naman ang lahat nang biglang tumayo ang Empress.
Nagsitanguan kaming apat at may pasimple namang pinindot si Plash sa gilid niya. Napatingin naman kami sa Empress dahil pumunta na ito sa gitna namin.
Akmang magsasalita ito nang mamatay ang lahat ng ilaw.
Nagkagulo ang lahat at natahimik lang sila nang may magsalita.
“Aikaterine Aneesha ‘Quietus’ Lane.” then the spotlight turn to her.
___
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...