DARK EMERALD'S POV
“Sino nga ba sa kanila ang tunay na anak ko? Itong nakapula ba o itong nakalila? Hindi natin masasabi. Tanging ang mapapangasawa niya lamang ang makakasagot nito?” pag-uulit pa ng Emperor sa sinabi ng nakalila kanina.
Hindi ko alam. Kahit ako naguguluhan lalo pa't hindi pa nakukuha ang mga tabing nila sa mukha.
Pero ang sabi ng isa kanina ay Aikaterine? Si Aikaterine at si Glaiza ay iisa. Possible bang siya ang totoong Empress?
Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.
Bullshit! Bakit ako? Paano ko naman malalaman kung sino sa kanila ang totoong Empress.
Bumuntong-hininga ako at tiningnan sila ng mabuti.
‘Sino sa inyo ang impostor? At sino ang tunay?’
Bigla akong may naalala. Right. Nakita kong may tattoo siya noon sa bandang leeg na hugis crescent. 'Yon na lang ang pag-asa ko ngayon. Sana gumana.
Tumikhim ako at nagsalita, “Ang alam ko may tattoo ang totoong Empress sa bandang leeg na hugis Crescent.”
‘Darn it! Sana talaga gumana!’
___
HELL KILLLER'S POV
Alam kong alam ng Emperor kung sino sa dalawa ang totoo niyang anak.
Pero sinusubukan niya ngang talaga ang kakayahan ng magiging bagong Emperor sa pagkilatis at pagkilala ng tunay sa hindi.
Tumikhim si Dark Emerald at nagsalita. “Ang alam ko ay may tattoo ang totoong Empress sa bandang leeg na hugis crescent.”
Magaling. Nakita niya ang tattoo'ng tinatago ni Quietus kung ganon.
But, how did he knew kaya? Maski kasi kami hindi nakita ang tattoo'ng 'yon, kami na kagrupo at kaibigan ni Aika.
___
THIRD PERSON'S POV
“Maaari niyo bang ipakita sa akin ang mga l-leeg niyo?” mahinang tanong ni Dark Emerald sa dalawang empress.
Natigilan naman sandali ang isa sa kanila, ang nakapula. Ilang sandali pa ay walang pagdadalawang-isip na ipinakita nang nakapula ang leeg niya... at nandoon nga ang tattoo.
Natigilan naman si Dark Emerald. Alam niyang yun ang tattoong tinutukoy niya. Pero hindi pa rin siya nakakasiguro kung ito nga ba ang totoong Empress.
Hinihintay ni Dark Emerald na ipakita rin ng nakalila ang leeg nito.
Subalit imbes na ipakita ang leeg ay nagsalita lang ito.
“Bakit ko naman ipapakita sayo ang tattoo'ng matagal ko nang tinatago sa lahat? What do you think of me, stupid?” wika ng babaeng nakalila. Natigilan si Dark Emerald sa winika nito.
Nagkatinginan naman ang apat na miyembro ng moonlight gang at napangisi.
___
DARK EMERALD'S POV
“Pero kung hindi mo ipapakita ang leeg mo, maaaring isipin naming lahat nang ang isang 'to ang totoong Empress.”
Ngumisi lamang itong naka-lila, “At bakit ko nga ipapakita sa'yo ang tattoo'ng nasa leeg ko?”
“Dahil sinabi ko.”
Napasiring ito, “Are you dumb? Hello, ni hindi ko nga ipinapakita ang tattoo'ng to sa mga kagrupo ko. Sa'yo pa kaya. Neknek mo!” tinalikuran niya'ko at naglakad papunta sa trono ng susunod na Empress.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...