THIRD PERSON'S POV
“SIMULAN NA ANG LABAN!” sabi ng Emperor at agad na nagputukan sa paligid hudyat na magsisimula na ang labanan.
Ilang sandali pa ay nagsimula ng magbanggit ng mga gang na mauunang sumubok.
“Ang unang lalaban, Venereal Gang!” sabi ng Emcee.
“Goodluck!” dagdag pa nito.
Lumakas naman ang hiyawan ng mga tao.
Ilang sandali pa ay tumuntong na sa entablado ang nasabing grupo.
Ngunit, ng sandaling makatapak na sila sa entablado ay namatay ang lahat ng ilaw, tanging tunog lang ng mga armas nila ang maririnig ng lahat, at maski ang kanilang mha galaw ay hindi maaninag dahil sa dilim.
Ilang sandali pa ay nakarinig ang lahat ng daing. At bumukas ang ilaw pagkatapos.
Nagulat ang lahat ng makita kung anong nangyari sa Venereal Gang.
Pero isa lang ang nasa isip ng EMPEROR—X...
‘MALAKAS ANG KALABAN NILA.’
___
XOCHITL'S POV
Nagulat ako ng makita kung anong sinapit ng Venereal Gang.
‘Sigurado akong isang tao lang ang gumawa nito.’
Natahimik naman ang buong Underground sa nakita na para bang hindi makapaniwala.
Binasag ng Emcee ang katahimikan, “Ang susunod na sa lalaban... Elite Gang!”
She motioned ‘good luck’ sa grupo ng dumaan ito sa harapan niya patungong entablado.
At kagaya ng nauna ay namatay din ang lahat ng ilaw, nang makatungtong sila sa entablado.
Pawang mga daing at armas lang ang maririnig namin.
Ilang minuto pa bago nanumbalik ang ilaw. At masasabi kong, parehong pareho sila ng sinapit ng naunang Gang.
‘Sino kaya ang may gawa nito? Ganito din kaya ang mararanasan namin?’
Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko.
‘May tiwala ako sa kanila.’
___
LORAINE/EMPRESS HELL'S POV
Nagpatuloy sa pagsabak ang lahat ng gang na lalaki, at marami raming grupo na din ang nabigo.
“Huling grupong lalaban, EMPEROR—X! Goodluck!” ani ng Emcee.
Nagsimula ng namatay ang lahat ng ilaw ng tumapak sila sa entablado.
Pero mula dito sa kinauupuan namin dito ay kitang kita ang mga magaganap.
Napangisi ako.
‘Kayanin kaya nila ang Empress?’
___
THIRD PERSON'S POV
Kagaya ng inaasahan ng lima ay namatay ang mga ilaw pagtapak nila sa entablado.
Kaya inihanda na nila ang sarili sa mga mangyayari.
Ngunit ilang minuto na silang nasa entablado ay wala naman silang nararamdamang kakaibang awra, maliban sa kanilang lima.
Nang biglang may naramdaman si Dark Emerald na kung anong papalapit, kaya agad niya itong iniwasan.
Ngunit ng akmang sisipain niya na ito mula sa likod ay biglang nawala ang awrang naramdaman niya kanina.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ng daing ang mga nanonood.
‘1 down, 4 to go.’ sa isip ng Empress.
Bigla namang naalarma si Dark Emerald ng makarinig ng kalabog.
‘Sino kaya sa kanilang apat iyon?’
___
EMPRESS'S POV
Napatumba ko na si Demon Prince. Kaya apat nalang sila ngayon.
Nakita kong malapit ng matapos ang oras kaya kailangan ko ng madaliin na matapos ito.
Nakikita ko mula dito sa kinaroroonan ko si Black Phoenix, kaya siya muna ang uunahin ko.
Itinago ko ang awra ko at nagpalinga linga naman siya. Sinipa ko siya sa tagiliran at napadaing siya alam kong malakas yun kaya ilang sandali pa ay sigurado akong mahihilo siya.
At hindi ako nagkamali, kaya muli ko siyang sinipa, ngunit sa pagkakataong yun ay sa batok na mismo, para makasigurado akong makakatulog na siya at hindi na makakasagabal pa sa akin.
‘2 down.’
‘Sino kaya ang susunod kong papatumbahin?’
At saktong nahagip ng paningin ko si Dark Rose.
‘PRESTO!’
Pinuntahan ko siya at kagaya kanina ay itinago kong muli ang awra ko. Sinuntok ko siya sa mukha at batok kaya nakatulog siyang kaagad, kagaya ng mga nauna.
‘3 down.’
Sunod ko namang nakita ay si Dark Demon. Kanang kamay ni Emerald.
Mukhang malakas siya pero alam kong hindi gagana sa kaniya ang plano kong to.
Hindi ko muna itinago ang awra ko at napatingin siya sa gawi ko kaya lumayo ako at biglang itinago ang awra ko, saka pumunta sa kabilang bahagi.
‘Doon parin siya nakatingin sa kaninang pwesto ko at nagpapalinga linga, without knowing na nandito ako sa likuran niya.’
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad siyang sinuntok sa batok na alam kong magpapatulog sa kaniya... ng panandalian.
‘4 down, 1 to go.’
Si Dark Emerald na lang ang natitira.
‘Tingnan natin ngayon ang lakas mo. Ang sinasabi nilang karapat-dapat bilang susunod na Emperor.’
At kagaya ng ginawa ko kay Dark Demon, hindi ko muna itinago ang awra ko kaya napatingin siya sa gawi ko, na inaasahan ko naman yun.
Saktong may nakita akong poste na maari kong tapakan para makatalon ng mataas.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinapakan ito. Nagacrobat ako para hindi ako kaagad mahulog at itinago ko din ang awra ko habang nasa ere.
Kaya nakalapag ako ng maayos sa mismong harapan niya. Nasuntok ko na sana siya batok, kung hindi lang siya biglang humarap.
Kaya ang kamao ko ay napunta sa mukha niya, ngunit hindi ko inaasahang masisipa niya pa ako ng sandaling iyon.
Susuntok pa sana akong muli ng makarinig ng tunog sa aking tenga, hudyat na tapos na ang oras na binigay sakin.
Pinigilan niya ang kamao ko ngunit nagpahabol pa ako ng sampal sa pisngi niya.
Nagmamadali akong makalabas ng entablado, at saktong paglabas ko ay bumukas ang ilaw.
Napasulyap pa akong muli sa entablado, at saka lihim na napangisi.
‘Hanggang sa muli, My soon to be husband.’
___
XOCHITL'S POV
Bumukas ang lahat ng ilaw at nawala na siya sa paningin ko.
Hindi ako makapaniwala.
“AND OUR NEXT EMPEROR...
.
.
.
.
.
.
DARK EMERALD OF EMPEROR—X” rinig kong sabi ng Emcee, pero wala akong pakialam dum.Tiningnan kong muli ang nilabasan niya.
At naalala kong muli ang ginawa niya?
‘What the hell, She slapped me.’
___
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mistero / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...