Chapter 3

45 5 0
                                    

--

"Miss?" nauntag ako dahil sa boses niya.

"Kalma te" mahinang bulong ni Kin sa tabi ko. napaayos naman ako ng upo.

Tumikhim ako."I-I don't care" yun ang unang lumabas sa bibig ko. god!

Umawang ang labi niya."What?" hindi makapaniwalang aniya. tinaasan ko siya ng kilay.

"You're unbelievable," aniya saka napatingin sakin at sumeryoso. "Pakipot na espasol" dugtong pa niya.

Me? Espasol? The fuck! "Did you just call me espasol?" bahagya pa akong natawa at talagang peke yun.

Ngumisi siya,nangaasar."Yes, I called you Espasol" aniya.

"Get out on my sight" nagbabantang wika ko. natawa naman siya.

"Bakit sayo ba'to?" malokong tanong niya.

Ngumiti ako."Hmm no,but, i can do whatever i want to you...here".

Nawala ang ngisi niyang mapangasar. "Are you trying to scared me?" seryosong sagot niya.

Ngumiti ako ng malaki talagang yung maaasar siya."Am i scary?" malokong tanong ko.

"No" agarang sagot niya. "Or...Do You threaten me?" naningkit pa ang mata niyang nakatingin sakin.

"I don't like threats,mr." natatawang wika ko pa. umayos naman siya ng tayo. "Kasi sinisiguro kong hindi ko na kailangan pang balaan ka o takutin dahil sasaktan na agad kita ng wala ng babala at harap-harapan pa sayo,ganon ako". seryosong sagot ko. nakita ko ng sandaling natigilan siya. palihim akong napangisi.

"Tsk!You're being pa-cool,now" napaamang akong nakatingin sa kanya. e? Ano bang cool sa sinabi ko? tao nga naman oh!

"Kung wala kang magandang sasabihin ay umalis kana sa harap ko" asik ko. naiirita na.

Tumawa naman siya at biglang nagseryoso. Seriously? Is he crazy? or what? "I'm not on your harap,I'm on your side" nangaasar pang wika niya.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Whatever!". Can i bury his body? or Can i kill him? He's annoying!

"You're so pikon" tatawa-tawang aniya.

"You're so conyo!" asik ko.

"But i'm handsome," nakangising sagot pa niya at humawak sa baba na parang nagiisip tapos biglang ngumiti at binaling ang tingin sakin. "Erase the handsome,I'll change it into Perfect.I'm perfect, right?" ngiting ngiti pang aniya na para bang napaka-perpekto niya.

Nangiwi pa ako.Ano't ang kapal naman ng mukha nito? mala encyclopedia, siguro nakahithit ito ng alikabok galing sa makapal na libro at yumabang ng ganan at kumapal. Tigas din ng mukha. hays!

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka dahan-dahang tumayo at umalis. yeah,nilayasan ko lang naman ang matigas niyang pagmumukha. hindi nadin ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko dahil alam na nila yun at maiintindihan din nila yun. Hindi ko masisikmura ang kakapalan ng isang transferee na katulad ng isang iyon.

Bago pa makalabas ng cafeteria ay narinig ko pa ang muling pagtawag niya gayong malayo na kami sa isa't isa na para bang binulong niya iyon. Miss.

Hindi muna ako dumiretso sa room at napagpasyahang dumiretso sa library. though i don't like reading but,i want here because in the library i feel i'm in a peaceful place. no one can disturb me here.

Dumiretso ako sa dulong parte ng library na'to saka tahimik na naupo sa paboritong spot ko. Sandali akong pumikit at sinandal ang likod ko sa upuan saka ninamnam ang katahimikan sa palagid. Bago naisipang isubsob ang mukha sa lamesa.Ilang minuto ay nakaramdam akong may paparating at papunta sa gawi ko gayong halatang masyadong maingat ito sa galaw niya.tsk.

Nang makalapit siya ay ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa'akin pero hindi ako gumalaw o gumawa man lang ng ingay na ikakahiwatig na alam kong nandiyan siya. Pero kalahating oras na atang ganon lang ang posisyon namin at nakatingin padin siya o baka titig na.

Male-late na ako kung patuloy kong gagawin to. Napairap ako sa isip. Nakaka-peste ang isang ito.

Nanatili ako sa ganong posisyon ng tanongin siya."Anong kailangan mo?" bagot na tanong ko.

"Kanina pa ako nandito ngayon mo lang naramdaman?" aniya pa. Parang alam ko kung kanino ang boses na'to. Hanggang dito ba naman?! At ano? Ngayon ko lang daw naramdam? patawa.

Tumunghay ako at nagkibit balikat pero hindi siya tinapunan ng tingin. "So,Bat ka nga ba nandito?" seryosong tanong ko.

"Uhm...Nakita kasi kitang papunta dito edi sinundan kita" simpleng sagot niya.

Yun lang pala,e."Hay,I need to go" inayos ko ang uniform ko at akmang lalagpasan siya ng mahuli niya ang kamay ko.

Bumaling ang tingin ko sa kamay niyang nanatiling nakahawak sa kamay ko. Ano bang kailangan ng isang ito?! Ayaw ko namang tinignan siya sa mata para hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Torture talaga sakin ang mga tao.Kaasar!

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ng kaibigan ko" sinserong aniya pero hindi ko man lang siya matapunan ng tingin sa mata.

"Bakit?"

"Bakit?" paguulit niya pa sa tanong ko.

Bumuntong hininga ako at binawi ang kamay ko sa kamay niya. "Wala kang dapat na ikahingi ng tawad lalo na kung hindi naman ikaw ang may kasalanan hayaan mong sila ang makonsensya at hindi ikaw na wala namang ginawa,i'll go" yun lang at nilayasan ko na siya.

Humabol naman siya at sumabay sa'akin. "Still,sorry on their actions,specially Dos" aniya pa. Sa halip na sagutin ay diretso lang ang tingin ar nagtuloy lang ako sa paglabas sa library.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ng basagin niya yun. "By the way, I'm Timothy Derk Anderson you can call me Tim or Derk" pagpapakilala pa niya.

Kumunot ang noo ko. "Tinanong ko ba?"

"Ha?" naguluhan atang tanong niya.

"Kung tinanong ko ba? Ang hilig niyong magkaibigan na magpakilala gayong hindi naman ako nagtatanong lalong hindi ako interesado sa inyo" dire-diretsong sagot ko at nagpatiunang maglakad. Badtrip!

Kanina alam ko namang  pinagti-tripan lang ako nung Dos na yun at ng kaibigan niyang sumigaw kanina bahagya akong nalingon sa gawi niya at nagtama ng paningin namin kaya nabasa kong pinagti-tripan ako ng makapal na mukhang yun.Saka ano daw Dos? Bantot ng pangalan! Dos? tsk ano yan ang sunod ay tres? Kalokohan nga naman!

Malapit na ang magbell kaya binilisan ko na ang paglalakad ayokong gamitin ang kakayahan ko bilang bampira dahil baka may makakita pa sa'akin at malaman pa nila ang tunay na pagkatao ko ay baka magkagulo pa.Naabutan ko naman ang mga kaibigan ko na nagke-kwentuhan.

"Zia, San ka galing?" tanong agad ni Kin ng makaupo ako.

"Diyan lang"sagot ko nalang. tumango nalang siya at hindi na nangulit pa. pati sila Vin ay nanatiling tikom at hindi nagtatanong hanggang sa maguwian na.

"Class dismissed" anang guro.

"Jusko unang araw palang naloka na ang lola niyo!" singhal ni Sam ng makalabas. natawa naman kami.

Pagdating sa parking lot ay nagkanya-kanya na kaming sakay sa kotse namin at pinaharurot ko ba yun pauwi. Pagdating ay sinalubong ako ng mga bantay sa mansyong matatawag.

"Where's Lolo?" tanong ko sa kasambahay.

"Konseho" simpleng aniya at mabilis ko namang nakuha iyun at umakyat na sa taas para makapagpalit at pumunta sa tagpuan naming magkakaibigan sa kagubatan.

--

:)

Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon