--
Naaagaw nadin namin ang atensyon ng karamihan sa taong nandoon. Sinenyasan ko sila Sam na umalis na doon at bumalik sa kotse.
"Kuya...Dos, please... stop" may diing aniya Drei.
"We're not fighting, brother" tawa pa ng Kuya ni Drei. Halata naman sa boses neto na talagang nainis siya kay Dos.
"Just go back to your friends" bagaman hindi ko nakikita ang reaksyon nila ay talagang may namumuo ng tensyon sa magkapatid.
"Fine" sa huli ay si Drake na ang nagparaya at umalis. Saka lang ako lumayo kay Dos ng maramdaman kong wala na si Drake.
"Nasaan na sila Sam?" biglang tanong ni Drei.
"Parking" simpleng wika ko at pinagpagan ang dress na suot ko.
"But--
"We're sorry, but, we need to go" hindi ko na pinatapos ng pagsasalita si Drei.
Nabigla siya. "Pero hindi pa tapos ang party,Z" mahihimigan ang pagtutulol sa boses niya.
"Sorry" yun lang at tinalikuran ko na siya.
"Wait!" habol pa ni Dos. Nagtuloy lang ako sa pagla-lakad at hindi ininda ang mga tao sa paligid na nakatingin at nagbubulongan patungkol sakin.
Nang may bumangga sakin. Hindi ako natinag at tinignan lang siya mula ulo hanggang paa.
"Aray!" asik niya. Wow! Late reaction.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad.
"Hey! Natapon yung wine sa dress ko!" sigaw pa niya.
Attention seeker.
Kunot noong binalingan ko ng tingin ang dress niyang natapunan kuno.
Bahagya pang tumaas ang kanang kilay ko ng makitang kaunti lang naman ang natapon at hindi naman kinasira ng damit niya.
Mukha niya lang sumira sa damit niya. Hindi bagay sa kaniya.
"Pay for this!" asik niya pa.
Hindi ko siya tinignan sa mata dahil wala akong pake sa iniisip niya.
"Iyang dress mo ay wala pa sa kalingkingan ng dress ko, Kaya wag kang umasta na parang pagkamahal-mahal niyang damit mo" wika ko.
Nagtawanan ang mga taong nakakarinig samin. Ramdam ko din ang tingin ni Dos pero wala naman akong pake.
"How dare you!" galit siya.
Ngumisi lang ako sa kaniya at tinalukuran na siya. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo doon ay ramdam ko na ang pagsunod niya sakin.
Ano bang akala niya sakin? tsk, i feel sorry for her.
"Tsk! Kung ako sayo wag mo ng ituloy ang binabalak mo..." wika ko sapat na para marinig niya. "Bago mo pa mailapat yang kamay mo sa buhok ko ay babaliin ko na ang buto mo, Iyong tipong sisigaw at magmamakaawa kang itigil ko na ang ginagawa ko" dugtong ko saka nagtuloy sa paglalakad papunta sa parking lot.
Nang makarating sa parking lot ay dumiretso ako sa madilim na parte neto. Nangisi ako ng matanawan sila Sam.
"Ang tagal mo" tawa pa ni Sam habang hawak ang pugot na ulo ng isang kauri namin.
"Kakatapos lang ng paguusap nila ni Dos at Drake" sagot ko.
"Hindi mo tuloy naabutan" aniya Vin.
"Kaya niyo din naman" nagkibit-balikat ako.
"So, Tara na?" tumayo si Kin sa pagkakaupo. hawak niya din ang isa sa pugot na ulo at katawan ng isa sa kauri namin.
"Zia!" nangunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Dos na tinatawag ang pangalan ko.
"Dalhin na yan sa kotse" utos ko. nagsipagkilos naman sila.
Lumabas ako sa dilim. Natigil ako ng makitang may nakasunod sa kaniya. Bwisit!
Patakbo akong nagtungo sa kaniya at nagpanggap na hindi napansin ang nakasunod sa kaniya.
Hanggang dito ba naman?
Matalim ko siyang tinignan. "Nahulog mo" pormal na aniya.
Nangunot ang noo ko ng makita ang i.d. ko sa Konseho at mabilis na inagaw sa kaniya iyon.
"Paano napunta sayo ang gamit ko?" gigil na wika ko.
Natawa siya. "I said,Nahulog mo" may diing aniya. "Ako na nagmagandang loob, napagbintangan pa" pagpaparinig niya.
"Bumalik ka na sa loob, Aalis na kami" hindi ko sinagot ang pagpaparinig niya.
Kailangan niya ng umalis dito!
"You must say thank you" walang reaksyon at talagang naguutos siya.
Bumuntong hininga ako. "Thanks".
"Bye!" pormal na aniya saka tumalikod sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag.
Natanaw kong nakabalik na siya sa loob. Lumabas sa dilim ang isang lalake. amoy na amoy ang dugong bampira ne'to.
"Anong kailangan mo?" pormal na tanong ko. Nakalapit na agad sa pwesto ko sina Sam.
Ngumisi siya. "Elizia" hindi niya sinagot ang tanong ko.
Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "Umalis na kayo dito" naguutos na wika ko.
Nawala ang mapangasar niyag ngisi. "Matapos niyong patayin ang kasamahan ko!" gigil na aniya.
"Papatayin nila ang mga walang laban na tao!" asik din ni Kin. sinenyasan ko siya na wag makealam.
"They deserve that!"
"Those with you also deserve their death,then" nangising wika ko.
Namula ang mata niya at lumabas ang pangil.
"May mamatay at magbabayad!" maya-mayang tawa niya.
Baliw...
Mabilis siyang nawala sa harap namin at hindi na kagulat-gulat iyon.
"Yung mga pinatay natin kanina..." nalingon ko si Sam ng magsalita siya.
"Oh?" sagot ni Kin.
"Sila ang may kagagawan sa nangyari sakin" nakangiti ng aniya.
"Gaga! Kaya pala gigil na gigil kang patayin ang mga iyon" singhal pa ni Shame.
Nagkibit-balikat si Sam. Naglakad na muli kami pabalik sa kotse nila Vin.
Nang may marinig kaming nagsisigawan, galing iyon sa loob kung saan nagaganap ang party ng kapatid ni Drei. Nagkatinginan pa kaming pito sa isa't isa.
"Bullshit! Wag niyong hahayaang malaman nila kung ano kayo!" gigil na wika ko. Saka tumakbo pabalik sa loob.
"Wala sanang mapahamak" dinig ko pang aniya Shane.
Wag lang sana nilang galawin ang mga taong walang laban sa kanila... Dahil, sinisigurado kong hahanapin ko ang lahat ng bampirang sangkot dito.
--
:)
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
THANKS A LOT! MWA!
-avelrie❤
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampirosMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...