--
Matapos makuhaan ng damit si Sam ay bumalik na kami sa Konseho. Naabutan namin sa labas ng silid sina Shane at mukhang aligaga.
Lumapit kami sa kanila. "Bakit hindi kayo pumasok?" tanong ko at akmang bubuksan ang pinto ng hawakan yun ni Zy. Kumunot ang noo ko.
"Don't, ang mga emperador ay nasa loob" seryosong aniya. napabitaw naman ang kamay ko sa sedura ng pinto at nagtatakang tinignan sila.
"Galit ang mga emperador lalo na ang ika-una" yukong aniya Shane.
"Si lol-- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Niluwa dun ang mukha ng ika-anim na emperador.
"Anong ginagawa niyo diyan?" sinserong tanong ng emperador.
"Nasa loob po kasi kayo" sagot ni Vin.
"Kamusta ang lagay ni Sam, Emperador?" tanong ko kaya nabaling sakin ang kaniyang paningin.
"Maayos na ang lagay niya. Hindi pa natutukoy kung anong ginamit na armas para magkasugat siya ng ganon" paliwanag neto na kinatango ko.
Minuwestra nito na pumasok kami agad naman namin etong sinunod.
Naabutan naming nainom ng sangue si Sam.
(Sangue: Dugo)
"Maayos na ang pakiramdam ko" ngiting salubong ni Sam.
Nakangiti akong lumapit sa kaniya ngunit iniwas ang paningin sa kaniya dahil sa presensiya ng mga emperador.
"Alagaan niyo ang apo ko, aalis na kami" paalam ng ika-dalawang emperador.
"Makakaasa kayo" nayuko ako sa paggalang.
Binalingan ko ng tingin ang ika-unang emperador ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin maski isa, napabuntong hininga ako.
Nang makaalis sila ay hinarap ko na si Sam. Masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan namin.
"Sam?" tawag ko.
Nakangiti padin siyang tumingin sakin. "Sinong may gawa sayo neto?" tanong ko na kinabago ng ekspresyon niya.
"Magaling na ako Zia, Hayaan nalang natin yun" aniya pa at nagiwas ng tingin.
Pinaningkitan ko siya ng mata at saka sumulyap sa mga kaibigan ko na nagtataka din ang mga mukha.
"Sam? Are you sure about that?" kunot noong tanong pa ni Shame.
"Yeah" aniya pa saka uminom uli ng sangue.
"Pero bakit? Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sayo Sam, alam mo yan" asik ni Kin. Nauubusan ng pasensya.
"Hindi na nga kailangan" singhal pa ni Sam. Bahagya pa akong nabigla sa ginawa niyang iyun. Hindi lang ako kundi kami.
"Ano ba ang nangyayari sayo?" tanong ni Vin.
Nagkibit balikat si Sam. "Wala naman" aniya pa.
"Hindi ka namin maintindihan" bulong ni Shane at nailing pa. Kahit ako ay hindi ko din maintindihan ngayon si Sam.
Bahagyang nangunot ang noo ni Sam. "Hindi niyo kasi ako iniintindi" galit na talaga siya.
Pinagkatitigan ko siya ng ayos maging ang kaniyang mga galaw at pagbuka ng bibig ay nagiba.Maari kayang hindi si Sam ito? Kung tama ang aking konklusyon sino ang isang ito? Espiya ba? Hangal!
Isa lang ang pinakamalaking sikreto ang alam ng bawat miyembro ng kaibigan ko. At sinulat ko pa sa papel iyun bago at pinabasa kanila bago sunugin. Ang pagkamatay ng aking ina.
Nagtagal na ganon ang usapan at ayaw ng kesyong Sam na ito na ipahanap ang may gawa nito sa kaniya. Hindi ganoon si Sam siya pa ang unang hahanap sa mga ito pag siya ay umayos ang lagay. Ngunit ang isang to?
"Zia? Gusto ko sana ng laman loob ng hayop" nakangiting aniya ni Sam.
Lahat kami natigilan. Tama ba ang narinig ko? Laman loob? Isa ang laman loob sa mga ayaw ni Sam. Kesyo nakakadiri daw. Si Sam lang ang maarteng bampirang nakilala ko. Maliban sa dugo puro karne lang ang kinakain ng isang yun. Nakakatawa man ay yun ang totoo.
"Yun ba talaga ang gusto mo?" halata sa boses ni Kin ang gigil. Nakatunog siguro siya.
"Bago yun,Paano muna namatay ang aking ina?" dun palang ako umimik at sa ekspresyon palang niya ay halata ng hindi niya alam. Huli ka!
"Haha, andali naman, pinatay siya ng kalahi natin" tawa pa niya. Impostora!
Agad akong nakalapit sa kanya at sinakal siya. "Nasan si Sam?"
"A-Ako to, si Sam" aniya.
Binaon ko sa leeg niya ang kuko ko "Hangal! Nasaan siya?!" gilalas ko. Sa oras na yun ay ramdam ko ang pagbabago ng kulay ng mata ko at paglabas ng pangil ko.
"Boba! Masyado kang pahalata" angil din ni Kin at akmang susunggaban ang impostorang to ng pigilan siya ni Vin.
"Shame, tawagin ang ibang bampira at Shane pumunta ka sa mga emperador at pabalikin sila dito!" maawtoridad na wika ko.
Nilisan na ng dalawa ang silid. "Nasan si Cecelia at Sam?!" tanong ko ulit pero isang malakas na tawa lang ang sinukli niya.
Bahagya siyang tumigil kakahalakhak. "Anong akala mo sakin tanga?" tawa pa niya.
"Saan mo siya dinala?" biglang imik no Vin. Sobrang seryoso.
"Hanapin niyo" aniya impostora, nangaasar.
"She's a bitch!" muntik ng masunggaban ni Kin ang impostora ng higitin ulit siya pabalik ni Zy.
"Zy, Hanapin mo sa buong Konseho sina Sam at Cecelia" agaw pansin ko kay Zy.
Binitiwan niya si Kin at saka tumango sakin at biglang nawala sa paningin ko. Nandito lang sila. Ramdam na ramdam ko ang presensiya nilang dalawa.
Maya-maya pa ay nakabalik na si Shame kasama ang anim na bampirang nagbabantay sa buong Konseho.
"Zia? Nasan si Zy?" tanong ni Shame sa tabi ko.
"Hinahanap sina Sam, Hanapin mo si Zy at samahan sa paghahanap" wika ko. Sumunod naman siya at umalis na uli.
"Zia, paparating na ang mga emperador" biglang anunsyo ni Shane. Pumwesto ang anim na bampira.
"Anong nangyayari dito?" rinig na rinig ang maawatoridad na boses ng ika-unang emperador. Emperor Adalard Parker.
"Magbigay galang!" sigaw ng namumuno sa mga tagabantay. Kaya sunod-sunod silang tumungo hanggang makapasok ang anim na Emperador ng Konseho.
"Anong kaguluhan to? Elizia?! Anong ginagawa niyo sa apo ng ika-tatlong emperador?" singhal ng ika-anim na emperador.
Hindi ko padin inalis ang kamay ko sa leeg ng isang yun. "Isa siyang impostora" gigil na wika ni Kin.
"Sabi na nga ba't iba ang kinikilos ng isang yan" nangiwi ako sa sinabi ng ika-dalawang emperador.Alam niya.
"Hindi naman kumakain ng laman loob ang aking apo" dugtong pa neto.
"Alam niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Kin.
"Oo ngunit ako lang, ako lang naman ang kumausap sa impostorang yan,e" nangiwi pa ito.
"Sunugin niyo na iyan" aniya ng ika-tatlong emperador. Lumapit samin ang taga-bantay. Nang lingunin ko na ang impostora ay nagbago na ang itsura neto. Ang tunay niyang anyo. Nagawa niya pang magpumiglas pero agad ko ng binali ang ulo niya kaya nagsindi na ng apoy ang mga tagabantay saka sinilaban ang pugot na ulo pati ang katawan niyon.
Humahangos na bumalik si Shame. "Natagpuan na si Sam at Cecelia!" pagbabalita nito.
--
:)
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampiroMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...
