--
Paguwi ay dumiretso kaming limang babae sa bahay ni Sam. Para paghandaan ang gaganaping birthday party sa bahay nila Drei. Yung mga lalake naman ay naghahanap din ng kanilang masusuot.
"God! Ano kayang susuotin ko?" namo-mroblemang aniya Sam.
Kanina pa siya ganan. simula ng pumayag akong pupunta kami sa party.
"Lahat naman ay bagay sayo" sambit pa ni Shame. nanguso pa si Sam.
"Hays! Ang hirap kasi" nagmamaktol pading aniya. saka dumiretso sa walk in closet niya para maghalungkat.
"Meron na nga akong naisip na susuotin ko,e" nakangiti pang sabat ni Kin. nalingon kami sa kaniya.
"Tulungan mo nga ako, Kin" si Sam.
"Tsk! maghalungkat ka at ipakita mo samin" irap pa ni Kin.
"Hmm, sige" sagot ni Sam.
Isa-isa niyang nilabas ang iba't ibang kulay at design niyang dress. Isa-isa niya ding tinapat sa katawan niya lahat ng natitipuhan niyang dress.
Hanggang sa naagaw ng isang dress ang mata ko. I think that dress fits her.
"Yan nalang" nakangiting suhestisyon ni Kin. sumangayon naman kami.
"Sure na?" nangiti din si Sam.
Tumango ako. "Yeah, You look good".
"Yieee, thanks" kunwari pang kinilig siya.
"So, uuna na kami, Sam" paalam ni Kin. Kaya tumayo na din kami.
"Kailangan pa naming maghanap ng susuotin para sa party" tawa pa ni Shame.
Nakangiting tumango si Sam. "Sige, Kitakits bukas!" aniya.
Nakatalikod akong kumaway sa kaniya. Paglabas ay nagpaalam kami sa isa't isa. Nang makaalis sila ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot yun.
Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Kuya Colt na nakabusangot.
"Problema mo,Kuya?" umupo ako sa tabi niya.
"Ha?" e? kailan pa nabingi to?
"What's your problem?" asik ko.
"Wala naman" aniya saka tumayo at nilayasan ako. nailing naman ako at tumayo nadin para dumiresto sa silid ko at maghanap ng susuotin para bukas.
Nang makahanap ng masusuot ay tinabi ko na ang dress. Saka dumiretso sa baba. Wala doon si Kuya. Kaya kumuha na ako ng Sangue at sinalin iyun sa baso.
Nang makailang baso ako ng Sangue at makaramdam na hindi na ako nauuhaw ay bumalik na ako sa taas at pumunta sa balkonahe at tinanaw ang magandang tanawin sa kagubatan.
Magdamag akong nakatingin lang sa tanawin. Hindi nakakasawang tignan ang magagandang tanawin. nakakakalma.
Kaya ng dumating ang oras ng pagaayos para sa pagpasok ay siyang pagkilos ko.
Nang matapos akong makapagayos ay kinuha ko ang bag,cellphone, at ang susi ng kotse ko. Saka bumaba, Katulad kagabi ay wala akong naabutan sa baba. Kaya dumiretso nalang ako sa kusina at saglit na ininom ang sangue.
Pagtapos ay sumakay na ako sa kotse ko't pinaharurot yun papuntang V.U.
Nandon nadin ang kotse nilang apat maliban sa kotse ni Sam. Himala at ako ang nauna sa isang yun.
Naglakad ako papasok sa loob ng Unibersidad. Natigil lang ng maramdamang may sumusunod sakin sa likod.
"Bakit ka tumigil?" tanong ng nasa likod ko.
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampirosMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...