--
Dumiretso kami sa 3C's dahil yun naman ang napagusapan. Panay ang pagke-kwentuhan nila at ako naman ay tanging pakikinig lang ang ginagawa at paginom ng inorder nilang alak. Ewan ko ba hindi naman iyon ang aking kailangan, pero uminom padin ako. Panay din ang pagsulyap nila sakin na para bang nagaalala. hays.
"Pero, Si Shane talaga ang pinaka clingy satin," biro ni Sam.
Nangiwi si Shane. "Si Shame talaga iyon" aniya. Kahit silang dalawa naman talagang magkambal iyon.
"Kayo nalang para walang gulo" tawa din ni Kin.
"Hey! Umimik ka naman diyan," hampas sakin ni Zy sa balikat.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano bang sasabihin ko?" angil ko.
Tumingin sila sakin. "Wag mo kasing inisin!" asik din ni Shane kay Zy.
Nailing nalang ako sa dalawang iyon. Tumungga uli ako ng wine.
"Magpapakalasing ka ba?" tawa ni Kin sakin.
Inubos ko ang laman ng baso ko. "Nalalasing ba tayo?" sarkastikong tanong ko.
Mahina siyang tumawa. "Hehe i forgot, Hindi nga pala tayo nalalasing" Napairap ako.
Baliw...
"Pero, ang lakas mo ata uminom ngayon" pinagkakunutan ko siya ng noo.
Ngumiti ako. "Matagal na akong ganito, Kin" bagaman nakangiti ay nandoon ang sinsero sa tono ng pananalita ko.
"Oo, Simula noong nabroken ka" mahina siyang natawa at nailing.
Nawala naman ang ngiti sa labi ko at napalitan ng seryosong mukha. "I'm not broken that time, Kin"
"Don't me!" tawa niya. "Ask them!" tinuro pa niya sila Sam na nakangiting nakatingin samin. "You're broken that time," ngumiti siya ng abot tenga, seryoso. "but we're here for you through ups and down, you have us" nangiti din ako.
Napaka-swerte ko sa kanila. I'm contented without boyfriend in my life. Just them, my bestfriends.
Nilibot ko ang paningin sa kanila na may matamis na ngiti, ganoon din naman sila.
"Kin is right, Handa kaming maging panyo at sandalan mo kung kinakailangan o kahit hindi mo pa kailanganin," aniya Vin.
Do i deserve this kind of friendship? Do i deserve to have them in my life? Do i deserve this kind of treatment?
"You deserve us, We deserve you" hinawakan ni Sam ang kamay ko matapos sabihin iyon, pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya.
"Kaya umamin kana," kumunot ang noo kong bumaling ng tingin kay Shane.
"Anong aaminin ko?"
Humalakhak siya. "Na brokenhearted ka! HAHAHAHA!" masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. sumabay naman sila sa tawa ni Shane.
Ang gagaling! nage-emote kanina tapos ngayon? wow lang!
"As i said before, i'm not a brokenhearted" angil ko na lalong kinatawa nila. they're annoying.
Nagkibit balikat si Shane at tumango na para bang hindi naniniwala. Hays, bahala sila kung ayaw nila maniwala.
Broken ba ako? tsk.
Natapos ang buong magdamag at walang pasok bukas. Kasi nga saturday. Ganoon naman sa normal na unibersidad, hindi ba?
Ngayon ay baso ng sangue naman ang hawak ko at katulad ng mga nakaraang araw ay nakatanaw na naman ako sa labas ng aming balkonahe.
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampireMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...