Chapter 7

14 4 0
                                    


--

Elizia POV

"Dad,i need to go" paalam ko ng makababa galing sa kwarto ko at siya ang naabutan ko. tanging tango lang ang naiganti niya dahil sa pagkabusy sa mga documento na nasa harap niya. napabuntong hininga nalang ako.

Nang makalabas ay agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot yun papunta sa V.U.

Maya-maya pa ay natanawan ko na ang gate ng school. nagpark ako sa space ko at bumaba na. Naglakad lang ako sa hallway. Madami-dami nadin ang estudyanteng nagkalat. Sana naman ay hindi ko na makita don ang gunggong na Dos na yun.

Diretso lang ako sa paglalakad ng biglang nabaling ang tingin ko sa katapatan ding hallway. Natanawan ko dun si Dos at ang mga kaibigan niya. Silang tatlo ay nakatingin sakin.

Rinig na rinig ko pa ang usapan nila. "Dos mag-sorry ka na dun,oh" aniya pa nung kasama niya. Kitang kita ko din ang pagturo sakin non.

"No" matigas na sagot pa ni Dos. Siya na talaga ang makapal. Hindi ko na din inaasahan pang magsorry siya. Isang milagro ata iyun pag nagkataon.

Iniwas ko ang paningin sa kanila at iniwasan na din ang makinig sa kung ano man ang pinaguusapan nila dahil hindi din ako interesado.

Pagdating ko sa room ay bigla nalang tumahimik ang buong paligid. Kahit sino ay hindi nagtangkang magsalita. Umupo ako sa tabi ni Kin na abala sa pagkutkot ng kuko niya.

"What's wrong?" kunot noong tanong ko ang paningin ay nasa unahan.

"Ha?" naisagot niya lang. Doon palang ako tumingin sa kanya.

Tumalim ang tingin ko sa kanya na para bang ano mang oras ay mapapaso siya.

"U-uhh baka kasi galit ka dahil sa nangyari kahapon" sagot niya. nangunot naman ang noo ko dahil don.

"Galit nga ako," wika ko. bahagya siyang natigilan at umiwas ng tingin. "Pero hindi sa inyo" dugtong ko at umayos ng upo dahil dumating na ang prof.

"Miss Ferry" bumaling ang tingin ko kay Kin ng tawagin siya ng prof. Nangiwi pa ako ng makitang nagse-cellphone siya habang nagka-klase.

"Miss Ferry!" halos sumigaw na ang prof namin dahil hindi man lang lumingon si Kin. "Again, Miss Ferry!" halos maubusan na siya pasensya.

Napabalikwas naman si Kin ng umalingawngaw ang tinig ng prof sa buong silid. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman si Kin nabingi at dahil bampira siya matalas talaga ang pandinig niya.

"Who said that you allowed to use gadgets on my time, Miss Ferry?" gigil na tanong pa ng prof.

Kumunot naman ng bahagya ang noo ni Kin. "Wala po prof" sagot pa niya. napangiwi naman ako at ang karamihan ay nagsitawa.

"What is Earth Science?" galit na talaga ang prof.

Nangisi naman si Kin. "Sus, Basic" bulong niya pa dahil nga sa bampira ako at ang karamihan dito ay narinig ko pa din at ang iba pang nakarinig ay napahagikhik.

"Funny Kin" tatawa-tawa ding bulong ni Sam. nailing nalang ako.

"Earth Science is the study of the Earth and its neighbors in space. It is an exciting science with many interesting and practical applications. Some Earth scientists use their knowledge of the Earth to locate and develop energy and mineral resources. Others study the impact of human activity on Earth's environment, and design methods to protect the planet. Some use their knowledge about Earth processes such as volcanoes, earthquakes, and hurricanes to plan communities that will not expose people to these dangerous events." mahabang paliwanag pa ni Kin. at tumingin sa prof namin ng nagmamalaki. gaga talaga!

"Sit down!" galit pading aniya. ngiting tagumpay naman si Kin ng maupo.

"Baliw ka talaga!" natatawang asik pa ni Shame kay Kin. ngingisi-ngising nagkibit balikat lang si Kin.

Lumipas ang ilang oras ay nagbreak time na kami. "Zia, tayo daw ang bantay sa cafeteria ngayong week" nangunot ang noo ko sa balitang galing kay Vin.

"Why?"

"May inatas ang konseho sa mga magbabantay ngayong week" paliwanag naman ni Zy. napilitan naman akong tumango sa kanila.

"Pero pwede naman natin ipabantay sa iba, Z" suhestisyon pa ni Shane. umiling naman ako.

"Don't,It's okay" tanging sagot ko nalang bago nagpatiunang lumabas ng room.
ramdam ko naman ang pagsunod nila.

"I'm sure na napilitan lang siya" rinig na rinig ko naman kahit ibulong pa yun ni Sam. tss.

"Yeah, but she can handle that" sagot ni Shane.

Bago makapasok sa cafeteria ay tumabi na sila sakin. Nang makapasok ay dumiretso kami sa table namin nung nakaraan.

Hindi ko dala ang libro ko at napakamalas non. Kaya ang nagawa ko nalang ay tahimik na nagmasid sa paligid. Lalo pang dumadami ang tao sa cafeteria at paglingon ko sa pinto ng cafeteria ay natanawan ko na ang pinakaayaw kong makita sa school na'to. malas!

Iniwas ko na agad ang tingin ko sa kaniya bago niya pa malaman na nakatingin ako sa kaniya.

"Zia? nandiyan na sila" untag ni Kin sakin.

Bumuntong hininga ako. "I know, but,i don't care". nailing naman siya.

At dahil nga malas ako ngayon. Doon pa talaga sa kabilang table sila pumwesto. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? nakakainis na talaga!

"Ay talagang kailangan malapit pa sayo?" natatawang bulong sakin ni Sam. Binalingan ko siya ng masamang tingin bahagya naman siyang umatras.

"Joke lang!" aniya pa.

"Tsk! nangaasar ata talaga yan,e" aniya pa ni Shame habang nakatingin sa table nung mga yun.

Hindi ko nalang pinansin at tinuon nalang ang tingin sa harapan. dumaan ang ilang minuto at umuunti na ang mga estudyanteng naroon pero nandoon padin sila Dos sa kabilang table.

"Let's go na?" tanong pa ni Shame at sinuyod ng tingin ang cafeteria.

"Tara" yaya din ni Vin. Tumayo na kami at talagang iniwas kong mabaling ang tingin ko sa kabilang table pero ramdam ko ang tingin ng mga ito ng tuluyan na kaming maglakad papalabas.

Pero bago pa ako makalabas ay ramdam na ramdam ko ang yabag na papalapit sakin. at bago ko pa maihakbang ang paa ko ay may kamay ng nakahawak sa braso ko.

Literal na natigilan ako ng mapagtanto kung sino ang humawak sa braso ko. Nang maiangat ko ang tingin ko ay tuluyan ng nakumpirma ang hinala ko. Dos...

"Can we talk?" tuluyan akong natutop sa tanong niya.

Pangalawang beses na'to. Ano ba ang nangyayari sakin?

--

:)

Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon