Chapter 21

7 1 0
                                        

--

Nagyaya na si Vin na bumalik sa room dahil nadin sa paubos na ang tao sa cafeteria.

Lumipas ang ilang oras at tapos na ang buong maghapong klase namin. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagod.


"Zia? Dederetso na ba tayo sa Konseho?" nilingon ko si  Kin matapos kong ilagay lahat ng gamit ko sa bag ko.



Sinakbit ko ang bag ko sa likod. "Sige"



"Nasaan sina Vin?" kunot noong tanong ni Sam.


"Nauna na sa baba may kinuha pa sa head"  si Shame ang sumagot.


Tumango-tango si Sam.


"So, tara na?" tanong ko. ngumiti naman sila at tumango.


Kaya nagpatiuna na akong lumabas ng room.Bumaba na kami ng building at dumiretso sa parking lot.

Naabutan namin doon si Vin na kasama si Zy, Shane at sila...Dos?


"Okay? Bakit kasama nila Vin ang mga iyon?" rinig ko pang tanong ni Kin.


"I don't know" ako ang sumagot.


"Nandiyan na sila" rinig namin na sinambit ni Shane kanila Dos.


Nailing nalang ako. Ramdam ko ang titig nila Dos samin. Nakakailang!!


"Si Dos yung tipo ng tao na minsan seryoso ang mukha yung tipong wala ng mabasang emosyon sa mukha niya, minsan naman lumalabas yung pagkakulit niya pero lamang talaga iyong seryoso" nalingon ko si Kin matapos sabihin iyon.


Sinangayunan siya nila Sam at kahit ako napapansin ko din iyon.



"Ang tagal niyo!" asik ni Shane ng makalapit na kami sa pwesto nila.


"Ang reklamador mo kasi" asik din Shame.


Lumapit na ako sa kotse ko at akmang bubuksan iyon ng tawagin ako ni Zy.


"Zia!"


Nagtataka ko siyang nilingon.


"Hindi ka man lang magpapaalam?" mahihimigan ang pangaasar sa boses neto.



"Magkikita din naman tayo mamaya" sagot ko.


Nailing siya. "Hindi naman samin," aniya, Kumunot ang noo ko. "Sa kanila" dugtong niya habang nakaturo kanila Dos.


Sinamaan ko siya ng tingin. tinawanan niya lang ako.


"Hmm, Alis na ako...Ingat" tinapunan ko sila ng tingin maliban kay Dos.


Muli akong humarap sa kotse ko upang buksan iyon.


"Sakin? Hindi ka man lang magpapaalam?" natigilan ako. tinig iyon ni Dos.


Rinig ko ang mahihinang hagikhikan ng mga kaibigan ko.


Bakit ba sila ganiyan?


Nang lumingon akong muli sa gawi nila ay walang emosyong mukha ni Dos ang sumalubong sakin.



"I'll go" simpleng paalam ko saka muling tumalikod.


"Can we talk?" tanong niya. Alam ko namang ako ang kausap niya.



"Zia? Uuna na kami" nakangising paalam ni Vin habang nakaakbay kay Shame.


Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon