--
"Lil sis?" nilingon ko siya matapos akong tawagin.
"Anong ginagawa mo dito? Di'ba may klase ka pa?" dugtong pa niya at lumapit sa pwesto ko saka nagsalin ng dugo sa baso niya.
"Bawal ba ako dito?" tanong ko saka uminom ng dugo.
"May klase ka kasi" aniya pa.
"Babalik din ako dun, uubusin ko lang to" sagot ko pa at mabilis na ininom yung nasa baso ko saka tumayo.
"Aalis ka na agad?" kumunot ang noo ko. ang gulo nito kanina tinatanong kung bakit ako nandito na parang bawal akong nandoon tapos ngayon?
"Obvious ba?" napangiwi pa siya saka winagayway ang kamay niya.
Kaya umalis na ako. Pagdating sa school ay pumasok agad ako sa classroom at hanggang ngayon ay wala padin ang prof.
"Saan ka galing?" naningkit pa ang matang tanong ni Sam. nangaabang lang din ng sagot ang iba ko pang kaibigan.
"Diyan lang" sinagot ko nalang at agad na naupo sa tabi ni Kin.
"Kasama mo si Timothy?" tanong ni Kin ng makaupo ako. tumango naman ako.
"Gusto ka ata nun,e" kunwaring tawa pa niya. nagkibit balikat nalang ako.
"Nabalitaan niyo na ba yung nangyari kay Dos?" tanong pa ni Shame.
"Alam niyo na kung sino talaga ang chismosa dito,ha" tawa pa ni Sam sabay tingin kay Shame. napairap naman si Shame.
"No, pero naririnig ko ang pangalan ni Dos na sinasabi nila" aniya pa ni Vin.
"Ano nga bang meron?" tanong pa ni Kin.
"Nasa clinic daw ngayon, duguan ang mukha wala naman daw nakakaalam kung sino nagdala sa clinic buti nga hindi kauri natin ang nakakita baka hindi nila mapigilan ang uhaw at patayin na nila si Dos" mahabang lintaya ni Shame. nakikinig lang ako sa kanila. hays,
Kung alam niyo lang ang hirap pigilan ng uhaw.
"Ang bilis talaga ng karma,Di'ba Zia?" aniya ni Zy sabay lingon sakin. tumango nalang ako.
"Yiii, happy yan nakarma agad mortal enemy niya" panunukso pa ni Shane. nangiwi naman ako.
Kung alam niyo lang na ako ang nagdala dun.
"Bibisita tayo?" tanong ni Sam.
"Bakit naman tayo bibisita, aber?" si Kin.
"Crush niya kasi si Drei" panlalaglag pa ni Shame sabat takip ng bibig. nagtawanan naman sila maliban sakin at kay Sam.
"Shame,san mo nakuha yan?!" angil pa ni Sam.
"Sayo" parang bata pang aniya ni Shame.
"Hala! hindi naman" tanggi pa neto.
"Gaga! halata ka" asik pa ni Shane na lalong kinatawa nila.
"Zia, huhu pagtanggol mo ako" pagsusumbong pa ni Sam sabay hawak sa kamay ko.
"Kaya mo na yan" nakangising wika ko. napanguso naman si Sam.
"Kagatin kita,e" asik pa ni Sam kay Shame.
"Hoy! Sam" asik din ni Vin. natawa naman si Shame.
"Edi ikaw na may Vin" tawa na ni Sam.
"Pero crush mo talaga si Drei" asar ulit ni Kin.
"Hindi nga!" aniya Sam.
"Kaibigan mo kami,Sam" tawa pa ni Zy.
Nangiwi si Sam. "Alam ko".
"Kaya sabihin mo na samin, Hindi namin pagkakalat" ngisi pa ni Kin.
"Sige na nga,crush ko siya" kinikilig pang aniya ni Sam.
Nagtawanan naman kami. "OMG! crush mo talag si Drei" napalakas ang pagkakasabi non ni Kin.
"Sinong may crush sakin?" nalingon kami sa pinto. Patay ka Kin.
"Patay" bulong pa ni Kin.
"Ha? wala namang may crush sayo" aniya pa ni Sam saka iniwas ang tingin niya.
"Potek! bakit hindi ko sila naramdaman?!" angil pa ni Kin habang palihim na nagpeace sign kay Sam na masama ang tingin sa kaniya.
Lumapit samin si Drei. "Rinig ko kaya" aniya.
"Pwes, mali ka ng narinig" aniya pa ni Shame.
"Hindi,e pero sige na nga" tawa pa niya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko pa.
"Kakausapin sana-- "Sino si Sam?!" hindi na natapos ang sasabihin ni Drei ng sumingit si Kin.
"Hindi, si Zia" sagot ni Drei. nilingon nila ako.
"Bakit?" tanong ko pa.
"Si Dos,gising na" balita niya pa. nilingon ko kaagad ang mga kaibigan ko na mga nakakunot ang noo.
"Hinahanap ka" dugtong pa ni Drei. nalingon ko naman siya.
"Tara" aniya ko saka nagpaalam sa mga kaibigan kong naguguluhan padin sa nangyayari.
Nauna akong nakapunta kay Dos. Ewan ko kung saan pa nagsusu-suot si Drei.
Pagdating doon ay agad hinanap ng mata ko si Dos. Dumapo ang tingin ko sa kanya. Nakapikit siya pero alam kong gising ito.
"Dos..." tawag ko.
"Hmm?"
"Bakit mo ako hinahanap?" umupo ako sa tabi niya.
Nagmulat siya ng mata at sinalubong ang tingin ko. Nailang ako ngunit nilabanan padin ang tingin niya.
"Hindi naman kita hinahanap" aniya pa. seryosong-seryoso.
Padabog akong tumayo at akmang aalis na ng mahuli niya ang kamay ko. natigilan ako at dahan dahang tumingin sa kaniya.
"Joke lang,I just want to say sorry and thank you" nakangiti ngunit mahihimigan ang pagkakaseryoso.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sakin at umupo ulit sa tabi niya.
"No need to say sorry," wika ko. "If you're in my position you'll do that too" dugtong ko pa.
Nangiti naman siya at tumango-tango. "Yeah, but,i'm your enemy here" napangiwi pa siya ng mabanggit ang enemy.
"But, you need help" sagot ko.
"Thanks a lot,Elizia" sa paraang yun ay parang nawala lahat ng namuong galit ko sa kaniya.
Ngumiti ako. "No need,but,You're Welcome"
Ginantihan niya ako ng ngiti. "Libre kita paglabas ko dito" aniya.
Ngumiti ako pero agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko ng mapagtantong hindi ako kumakain ng pagkain nila.
"Ah-eh haha sige," magisip ka ng palusot Zia! "Sige, Pag hindi ako busy" palusot ko.
"Sige!" masiglang aniya. sabay hawak sa ulo niya.
"A-Aray""Wag ka kasing masyadong magalaw!" asik ko pa.
"Y-Yeah" nasagot niya nalang.
"You need to rest, hihintayin kong makatulog ka saka ako aalis" wika ko pa. nagthumbs-up lang siya bago ipikit ang mata niya.
Pinagkakatitigan ko lang siya hanggang sa makatulog siya. Maamo ang mukha niya at hindi ko mapagkakailang gwapo talaga siya.
"You need to take care, bilisan mong magpagaling" bulong ko saka iniwan siya doon.
--
:)
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampireMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...