Chapter 24 ko

18 1 0
                                    

--

Umakyat ako sa aking kwarto at doon naabutan si Colt na prenteng nakaupo sa couch ng kwarto at matalim akong tinignan.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at dumiretso nalang sa banyo upang doon ay maligo.

Sermon ang abot ko sa kaniya.

Mabilis kong tinapos ang pagligo gamit ang aking kakayahan at lumabas na, Nandoon padin si Colt.

"Ano pa ang ginagawa mo rito?!" bakas ang inis sa tono ng boses ko.

Titig na titig lamang siya sakin at hindi man lang nagsasalita.

Hanggang sa tumayo siya at naglakad papunta sa pinto ng aking kwarto. "Date with that man, huh?" aniya puno ng sarkaskamo.


"That's not a date, brother" naiiwas ko ang aking paningin.

"Ano ang maiitawag mo doon, Elizia Kit?" naiangat kong muli ang paningin sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay hindi ako nakaimik.

Ano nga ba iyon? Ngunit ang sabi niya ay date iyon.

Ewan...

"Just take care, umuwi ka din ng maaga" huling sinabe niya bago tuluyang lumabas ng aking silid.


Hindi na ako bata para sabihan niya ng ganoon, Isa pa kaya ko naman ang aking sarili.

Naiiling nalang akong tumungo sa walk in closet ko at namili ng damit doon na maisusuot.


Nagsuot lang ako ng simpleng itim na bistida, Sandali ko lang ding sinuklay ang mukha ko at nagsuot na ng sapin sa paa, Isang takong.


Sinilip ko muna siya sa aking balkonahe at nakita siya doong may kausap sa telepono.

Hindi na ako nagabala pang makinig sa kanilang usapan dahil nadin sa pagmamadaling maabutan siya ng emperador at ng aking ama.


Bago tuluyang lumabas ng bahay ay pumunta muna ako sa dining area dahil nadin sa Sangue.


Mabilis ko lang inubos iyon saka lumabas. Natanawan ko roon si Dos sa labas ng gate na prenteng nakasandal sa kotse niya habang may kausap sa telepono, masyadong malakas ang dating.


Hanggang ngayon ay hindi padin siya tapos sa pakikipagusap, Baka siya'y maistorbo ko lamang.


Kaya sinenyasan ko siya ng ako ay makalapit sa kinaroroonan niya.

Kunot noong nabaling ang tingin niya sakin ngunit kalaunay naibaba nalang bigla ang kaniyang telepono at napaamang.

Talaga lang?

"Hey!" bagot kong wika.

Saka lang siya nainli ng singhalan ko siya.

"Don't wear that, again" imbes na papuri ang sabihin.

Naitaas ko ang kanang kilay. "Ano ba ang sinasabi mo riyan?!"


"Just do it" hindi niya man lang sinalubong ang mga tingin ko kundi umikot lang siya sa shotgun seat upang pagbuksan ako ng pinto.

Hindi naman ako lumpo.


Sumunod din naman ako at sumakay, Nailibot ko din ang aking paningin sa loob ng kotse niya.

Maganda iyon, totoo iyon bagamat mas maganda padin ang aking kotse.

Hindi iyon pagmamayabang dahil totoo naman iyon.

Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon