Chapter 22

13 1 0
                                    

--

Sumikat na muli ang araw at eto ako ngayong umiinom lang ng sangue habang nakaupo at nakatanaw sa balkonahe ng aming bahay, iniisip parin ang maaaring maganap ngayon at sa mga susunod pang mga araw.

Tinapos ko ang paginom ng sangue at saka kumilos para sa pagpasok mga ilang minuto mula ngayon.

Mabilis kong dinampot ang tuwalya sa ibabaw ng kama ko na naihanda na ni Mila, kanina.

Ilang minuto akong nanatili sa loob ng banyo at hinayaang umagos sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa shower.
Hindi ko pa sana tatapusin ang pagligo ng marinig ko ang pag ring ng cellphone ko mula sa labas.

Sa isang iglap ay nakalabas na agad ako ng banyo at hawak hawak na ang cellphone.

Sandaling nangunot ang noo ko ng makitang unknown number ang naka flash sa screen.

Sinagot ko ito. "Sino 'to?" walang buhay kong tanong.

"I'm here, in front of your gate" aniya sa kabilang linya.

Sandali akong natigilan ng marinig ang tinig ng nasa kabilang linya.

Papaano niyang nalaman ang number ko?

Hindi ko siya sinagot at basta nalang siyang binabaan ng tawag.

Isa talaga siyang baliw! Delikado sabi dito...Ngunit, Hindi ko naman sinabi sa kaniyang delikado dito. Aish! Ewan!

Kinuha ko ang damit kong nasa ibabaw din ng kama ko at mabilisang sinuot iyon. Tatlong beses ko lang din sinuklay ang itim na itim kong buhok saka kinuha ang sapatos at sinuot iyon.

Nang matapos ay kinuha ko na ang bag at susi ng kotse ko.

Papalabas palang ako ng kunot noong pumasok ng kwarto ko si Colt.

"Ano na namang ginagawa niya dito?!" gilalas niya.

Matunog akong bumuntong hininga. "Hindi ko alam,"

Nangiwi siya. "Seriously?" sumeryosong muli siya. "Grandpa is here..." yun palang ang sinasabi niya ay may parte na agad sakin ang dapat na kabahan.

"May alam na ba siya?" sinikap kong maging natural sa harap niya at nagawa ko naman.

Sa pagkakaseryoso ng mukha niya ay talagang may alam na nga. "Yes," aniya. "He's confused----"

"I need to go!" hindi ko na pinatapos na magsalita siya at umalis na ako.

I need to get him out of here, now.

Madali kong tinahak ang hagdan pababa at ng makarating sa labas ay tinanaw ko siya sa gate at doon nakitang kausap niya si Mila. Ang aming kasambahay. Siya ay may dugong bampira at at dugong tao.

Ano ang sinasabi niya dito?

Kunot noong lumapit ako sa kanila. Mukhang hindi ako napansin ni Dos pero si Mila ay alam kong alam niyang naroon ako.

"Ehem!" kunwari pang ubo ko.

"Nako! Ma'am Elizia" rinig na rinig ang sarkastiko sa boses nito na kinanuot ng noo ko.

"What are you doing here?" tanong ko. wala sa kanilang dalawa ang paningin.

"Ano po..."

"I'm not asking you" walang bahid na kahit na anong reaksyong wika ko.

Yumuko siya. "Opo" walang paggalang sa tono ng pananalita niya. tsk!

"You're mean" walang emosyong aniya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Ano ba ang ginagawa mo rito?"

"As you can see, I'm here to pick you up" wika pa niya at sinulyapan pa ang kotse niya.

Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon