--
Dumaan ang araw at nabalitaan ko nalang na nalaman ng magulang ni Dos ang nangyari at nilipat siya sa Hospital. Hanggang ngayon ay yun palang ang nababalitaan ko. Hindi ko din naman naririnig na magkwentuhan tungkol dun sina Drei pero laging maaga silang umuwi para ata bumisita.
"Z, anong gagawin mo mamaya?" nilingon ko si Shane ng magtanong siya. Uwian nadin namin ngayon.
"Hmm,Wala pero mamayang gabi ay schedule natin papunta sa kagubatan" sagot ko.
Tumango siya. "Wala ka bang nababalitaan kay Dos?"
Natigilan ako sa tanong niya at dahan-dahang umiling.
"Dalawin kaya natin?" suhestisyon pa ni Sam. nilingon ko siya.
"Oo nga, bat ngayon ka lang nagsuggest" aniya pa ni Kin.
"Pano ngayon lang ata namiss si Drei" tawa pa ni Vin.
"Tse!" asik ni Sam. "Wag na kung aasarin niyo lang ako!" dugtong pa niya.
"Haha, joke lang Sandrea" tawa pa ni Vin.
"Joke mo,mukha mo!" sabay iwas ng tingin. nailing nalang kami. Mahirap talagang suyuin yang si Sam.
"Pasuyo ka kay Drei" asar pa ni Zy na lalong kinatawa namin. namula naman si Sam.
"Ayaw nga ata kay Sam,e" gatong pa ni Shame.
"Pano ba naman may ibang pinopormahan," aniya ni Kin. "Sino nga yun,Sam?" dugtong pa ni Kin at nangaasar na binalingan ng tingin si Sam.
"Shut up!" gigil na aniya Sam bahagya pang lumabas ang pangil at mapulang mata nito.nabahala naman kami.
"God! Kin,you're such a bully" aniya Shame at mabilis na nilapitan si Sam para pakalmahin.
"Yeah, whatever" wika pa ni Kin.
Nang kumalma si Sam ay nilapitan na namin siya at inalis sa lugar na yun.
"Hey, You okay?" tanong ko pa. Nayuko naman siya. "I'm sorry Z, Hindi ko napigilan" mahihimigan ang lungkot sa boses niya.
"No, hindi mo kasalanan" wika ko at sinenyasan si Kin na lumapit at mag-sorry na sinunod niya naman.
"Sam?" tawag ni Kin. nag angat naman si Sam ng tingin at nakangusong tiningala si Kin.
"Maiwan ko muna kayo" paalam ko pa. tumango naman sila kaya umalis na ako.
Dumiretso ako sa pwesto nila Shame dun sa rooftop. tumabi ako kay Shane.
"Kamusta sila?" tanong ni Zy ng makaupo ako.
Nagkibit-balikat ako. "Naguusap sila ngayon" wika ko pa.
"We're bestfriends, They're bestfriends, so Sam will accepted Kin's apology" aniya pa ni Vin na kinangiti ko.
"Yeah, hindi naman bago sa dalawang yun ang pagtatalo" sangayon pa ni Shame. tumango naman kami.
"Bibisita ba tayo kanila, Dos?" nilingon ko si Shane.
"Sa hospital daw yun, Baby" aniya pa ni Zy.
"Hala! oo nga" talagang nagulat si Shane. tsk!
"Bawal tayo dun and makakaamoy tayo dun ng dugo baka hindi na natin mapigilan ang sarili natin doon" paliwanag pa ni Vin na sinangayunan namin.
Gustuhin ko man na dumalaw ay hindi talaga pwede. Bakit ko nga ba gusto? To check on him? nagaalala ba ako? wala akong awa! yun ako lalo na kung ako ang kinakalaban but when it comes to him? ugh i hate this!
"Guys?" untag ni Kin.
"We're okay" nakangiting aniya Sam.
Nailing naman ako. Inaasahan naman namin na ayos na sila agad at halata naman.
"It's obvious, Sam" nangiwi ako.
Napairap naman si Sam. "So,let's go na,mag-gagabi na kaya" anyaya pa ni Sam sabay akbay kay Kin.
Kaya nagsitayuan na kami at nagpatiuna na sila Sam at Kin sumunod naman kami.
Pagdating sa parking lot ay nagkanya-kanya na kaming sakay sa kotse namin. Dumiretso ako sa bahay namin para makapagpalit saglit.
Naabutan ko ng makauwi ako si Kuya. "Wala ka bang ibang pupuntahan ngayon?" tanong ko pa ng makasalubong ko siya papaakyat.
"Wala, lil sis bakit yayayain mo akong lumabas?" nakangiti pang aniya.
"Sa konseho ang punta ko, sama ka?" nakangising alok ko. umiling naman siya.
"Dito nalang ako" tanggi niya at nilagpasan ako. nailing naman ako.
"Kamusta mo nalang ako sa kalahi natin" tawa pa ni Colt. Hindi ko nalang siya sinagot at nagtuloy nalang sa pagakyat.
Nagpalit lang ako ng saglit at umalis na uli. Hindi ko din nakasalubong si Kuya sa baba kaya tumuloy na ako sa kagubatan. napagpasyahan ko ng hindi dumiretso sa konseho at dumiretso nalang sa kagubatan dahil magga-gabi nadin.Pagdating doon ay naabutan ko sina Shame at Vin pati nadin si Sam at Kin.
"Nasan sina Zy at Shane?" tanong ko ng makalapit sa kanila.
"Nasa Konseho" sagot ni Sam. tumango nalang ako.
Maya-maya pa ay nakarating nadin sina Zy at Shane.
"Hinanap nila kayo" salubong ni Zy samin.
"Hayaan niyo na sila, Ginagawa naman natin ang inaatas satin,e" wika ko. sumangayon naman sila.
Kumilos na kami at naghiwa-hiwalay para magmasid. Nakarinig ako ng kaluskos sa bandang likuran ko at kitang-kita ko ang mga batang usa.
Hìndi ako ganoong kasama para gawin silang hapunan dahil marami naman kami sa bahay. Kaya hinayaan ko nalang sila.
Tumakbo ang oras at wala namang kahina-hinala sa gubat kaya bumalik na ako sa pwesto namin bago kami magkahiwa-hiwalay.
Pagkabalik doon ay nandoon nadin sina Shame,Vin at Kin.
"Nasaan na ang mga yun?" kunot noong tanong ko.
"Kanina pa kami dito" bagot na aniya Vin.
"Kasunod ko lang si Sam kanina bigla nalang nawala" nakanguso pang wika ni Kin.
"Hindi mo man lang naramdaman?!" hindi makapaniwalang asik ni Shame.
Umiling si Kin. "Hindi"
"Mygod, Kin!" hindi ko na din napigilan ang sarili kong magalala.
"Hey!" bati ng kakadating lang na si Zy kasunod si Shane.
"Hindi niyo kasama si Sam?" sagot ko sa pagbati nila. nangunot naman ang noo nila.
"Hindi, Nasan ba yun?" si Shane.
"Tatanungin ba namin sainyo kung alam namin?" aniya Shame.
Bago pa magkasisihan ay nagsalita na ako. "Maghiwa-hiwalay uli tayo at hanapin si Sam" wika ko.
"Dito uli ang kitaan" si Kin.sumangayon naman kami.
"Bumalik kayo dito ng walang galos at pag nagkaproblema tawagin ang pangalan ng isa't isa" paalala ko pa.
"Kayong apat," turo ko kanila Vin,Shame, Zy at Shane. "Maghiwalay muna kayo para mapadali tayo" tumango naman sila. Kaya nagkanya-kanya na kaming alis.
Umakyat ako sa pinakamataas na puno para makita ang kabuuan ng gubat pero hindi ko padin matamaan si Sam masyadong gabi at ilang oras nalang ay may pasok na naman.
Saan ka ba kasi nagpupunta Sam? Pinagaalala mo kami.
--
:)
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampireMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...