Chapter 13

3 3 0
                                    

--

"Natagpuan na si Sam at Cecelia!"

Umayos ako ng tayo at kumilos para makalapit sa kaniya. "Dalhin mo ako sa kanila" wika ko. Tumango siya at nagpatiuna. ginamit namin ang bilis upang mabilis na makarating sa kinaroroonan ng dalawa. "Kamusta ang lagay nila?" kapagkuwa'y tanong ko.

Saglit niya akong nilingon. "Medyo maayos ang lagay ni Sam pero si Cecelia ang napuruhan dahil sa pagsalo sa lahat ng atake para kay Sam" aniya.

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Shame.

Ako ang may sabi sa kaniya non. Salamat,Cecelia.

Ilang minuto lang ang lumipas ng tumigil si Kin sa... Kuweba?

"Eto yung kuwebang pinagdalhan kay Sam, di'ba?" tanong ko at bahagyang sinuyod ang tingin ng kuweba.

"Eto nga," aniya saka naglakad papasok.

"Sam!" tawag ko pero wala man lang sumagot.

"Shame?! Nasan sila?" angil ko pero isang malakas na tawa lang ang nakuha ko sa kaniya.

Bwisit! Isang impostora. Sabi na nga ba't halatang-halata ang ibang kilos nito. palihim pa akong napangisi.

Dahan-dahan siyang humarap sa pwesto ko at unti-unti ko siyang nakikilala.

Anisha...

"Kamusta, Elizia?" nakangiting nangaasar na aniya.

Bahagya akong natigilan. Buhay siya? Nahihibang na ba ako?

"Did i scared you?" bahagya pa siyang ngumuso.

Tinaasan ko siya ng kilay. "No, you're not scary at all," nakangising wika ko.
nawala ang mapangasar niyang ngiti. "What do you want?" pinakita ko sa kaniyang naiinip na ako.

"You, You're dead body" matigas niyang ani.

Nangiti pa ako, nangaasar. "Do it, If you can".

Lumabas ang pangil at mapupulang mata niya.Agad siyang sumugod sa pwesto ko naagapan ko naman at naiwasan. Paulit-ulit lang ang ginagawa niyang pagatake sakin at katulad kanina paulit-ulit lang din ang pagiwas ko sa kaniya.

"Hinayaan mo ako!" sigaw niya na kinakunot ng noo ko.

"Hindi kita hinayaan,Anisha!" asik ko din. "Hindi ko alam kung anong sinabi nila sayo para isipin mong hinayaan kita" dugtong ko.

Bahagya siyang natigilan at mala-demonyong humalakhak. "Wala kang ginawa,Elizia! Iniwan mo ako sa kanila" puno ng hinanakit na aniya.

"Anisha, maniwala ka hindi ko hinayaang mapunta ka sa kanila," paliwanag ko. Tanging pagiling lang ang sinagot niya at muling sumugod sakin.

"Ayaw kitang saktan, Isha" sinserong wika ko.

"Liar!" asik niya.

"Stop,Anisha!" nauubusan ang pasensiyang wika ko. Kailangan kong habaan ang pasensiya ko sa kaniya.

Nang hindi niya ako matamaan ay mas lalo pa siyang naging agresibo at sa unang pagkakataon ay nahawakan niya ang kwelyo ko at buong pwersa akong hinagis. Bumwelo ako para makabalik sa pwesto niya ng hindi niya agad namamalayan. Nang makaharap ako sa kaniya ay bahagya pa siyang nagulat. "Pasensya na" nawika ko pa bago ko siya sinapak ng buong pwersa. Tumilapon siya at lumikha ng malakas na ingay at pagbitak ng kuweba. Sandali siyang nabaon sa bato pero kalaunay nakaalis din at sumugod muli sakin. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sakin ay narinig ko na ang boses ng mga kaibigan ko.

"Zia!" nangunguna-nguna ang matinis na boses ni Kin.

"Nasan na ba kasi yun?" sa boses na yun ni Shane ay mukhang nakanguso na naman siya.

"Kasalanan ko 'to,e" rinig na rinig ko naman ang paghihimutok ni Shame.

"Baby, It's not your fault" nangungumbinsi naman si Vin.

"Pwede ba, mamaya na yan hanapin muna natin si Zia" bakas ang pagkairita sa tono ng pananalita ni Kin.

"Kin is right, We need to find Zia" sangayon pa ni Zy.

"Masaya bang magkaroon ng madami at bagong kaibigan?" sarkastikong tanong niya. Nilingon kong muli si Isha. Mapait na ngumiti siya sakin.

"Isha, you're still my bestfriend" sinserong wika ko. Hindi naalis ang mapait niyang ngiti. bahagya pa siyang nailing.

"I'm a traitor, Elizia" aniya. Sandali akong natigilan at sunod sunod na umiling.

"No, You're not"

"Accept it, I'm a traitor,right?" tawa pa niya.

"I said, You're not! Don't you dare said that again, please"

"Zia?" rinig na rinig ko ang boses ni Kin papalapit sa pwesto namin.

"Sorry, But i need to go" aniya saka bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Anisha...


Napatitig lang ako sa pwesto niya kanina. Hanggang sa may maramdaman akong humawak sa braso ko ng lingunin ko iyon ay bumungad sakin ang nagaalalang mukha ni Kin at ng mga kaibigan ko.

"Sino yung kausap mo?" kunot noong tanong niya pa.

"Wala, Nahanap niyo na ba sila Sam?" iniwasan ko ang nagtatakang tingin nila.

Napabuntong hininga si Kin. "Nahanap na sila ni Zy"  aniya.

"Bumalik na tayo"  yaya ko. tumango lang sila. Nagpatiuna ako sa paglalakad.

Nang makalabas ng kuweba ay napagdesiyunan naming gamitin ang bilis namin para makarating agad sa Konseho.

"Nasan sila?" tanong ko sa babaeng bampirang nagbabantay.

Bahagya siyang yumuko "Abandonar, majestade" aniya sabay turo sa kaliwang pasilyo. tumango lang ako.

translation: "Nandon, kamahalan"

Natanawan ko ang dalawang lalaking bampirang nagbabantay sa labas ng pinto sa pangalawang silid.

"Majestades" aniya ng dalawang bampira ng makita kami at bahagyang yumuko gaya kanina tango lang din ako ginanti namin sa kanila.

Pinihit ko ang sedura ng pinto. Amoy ng sangue agad ang bumungad pagpasok ko.
Hinanap ng mata ko si Sam.

"Guys!" rinig kong tawag ni Sam. nilingon ko siya at nakangiting lumapit sa kaniya sumunod naman ang ibang kaibigan namin.

"Kamusta ka?" tanong ko ng makalapit.

"Feeling better,now" nangiwi pa siya. "Lintek kasing impostorang yun!" angil niya pa. natawang nailing naman kami.

"Hawig na hawig mo, Sam" tawa pa ni Kin.

"Impostora nga,e" irap pa ni Sam.

"Nasaan si Cecelia?" tanong ko pa.

"Ginagamot pa, Salamat sa kaniya" sinserong wika ni Sam na kinangiti ko.

"Salamat sa kaniya" sabay-sabay pang sabi namin.

"Pumasok na daw sila Dos" biglang singit ni Kin. Awtomatikong nilingon ko siya.

"Yieee, Si Sam" panunukso pa nila kay Sam na ngayon ay nakanguso na.

"Namiss mo ba si Drei,ha?" asar pa ni Shame.

"Slight" sagot pa ni Sam. natawa naman ako.

Napuno ng tuksohan ang silid at tawanan. Hindi nawala sa isip ko ang Dos na yun.

--

:)

Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon