--"Can we talk?" tumitig pa ako sa kaniya at agad na binawi ang kamay ko.
Umayos ako ng tayo. "Bakit?" naitanong ko nalang.
"Can we talk?" ulit niya na naman at hindi sinagot ang tanong ko. napairap nalang ako at sinenyasan ang mga kaibigan kong mauna na.
"Hmm, now talk" wika ko ng makaalis ang kaibigan ko. Ngayon ko lang din napansin na wala na ang mga kaibigan niya.
"Uhm, sorry for what i did," literal na nabigla ako dahil sa sinabi niya. nabibingi na ba ako? baliw ka Zia! you're not deaf! "Pero hindi yun katulad ng iniisip mo ha" dugtong pa niya.
Nangunot ang noo ko. "Tim and Drei,please me to say sorry to you" aniya pa.
Kailangan niya ba talagang sabihin yun? psh baliw na siya! Malapit na sana akong maniwalang may pagkamabait siya pero nawala lahat ng pagasa. gunggong padin siya.
"Alis na ako" nasabi ko nalang sa lahat ng sinabi niya. Nanlaki naman bigla ang mata niya. Ano nagulat siya?
Akmang tatalikod na ako ng hawakan niya na naman ang kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano nakakailan ka na ha, Chansing ka na ata e" walang bahid na pagbibiro ang sinabi ko.
Agad niyang inalis ang kamay niyang nakahawak sakin at lumayo ng ilang hakbang.psh.
"Assuming ka din pala,no?" asik niya. gigil na naman siya. hays.
"Alis na nga ako" paalam ko uli at hindi pinansin ang sinabi niya.
"Edi umalis ka!" talagang nang-gigil siya sa sinabi ko. Ang gulo ng isang yun.
Iniwan ko na siya doon. Napailing nalang ako sa mga sinabi niya kanina. Pagdating sa room ay wala pa ang prof kaya nagsasaya ang mga kaklase ko.
"Anong pinagusapan niyo?" chismosa talaga ang mga kaibigan ko. Bahagya pa akong umipod ng magsilapitan silang anim sakin.
"Nakinig naman kayo" simpleng sagot ko na kinalaki ng mata nila. Anong akala nila sakin? ulol! ramdam na ramdam ko ang presensya nila habang nagsasalita si Dos kanina.
"Hehe, akala namin hindi mo alam" kamot ulong aniya pa ni Vin.
"Mga Chismoso at Chismosa" wika ko pa.
"Oy, baka si Kin lang" aniya pa ni Sam habang nakaturo pa kay Kin.
"Kapal mo naman,Sam," angil pa ni Kin. "Sino kayang nagsabi na makinig sa usapan nila di'ba?" sabay harap kay Shame na umiwas ng tingin. natawa naman ako.
"Bat ka sakin nakatingin?!" asik pa ni Shame.
"Ay bawal ba tumingin sayo?" ngising aniya ni Kin.
"Hindi naman" tawa pa ni Shame.
"Nasan nga pala si Prof?" tanong ko pa kaya naagaw ko ang atensyon nila. Hindi matatapos ang asaran ng mga yan kung hindi pa ako iimik e.
"Sabi nung iba may meeting daw kung tunay man yun edi masaya" si Zy ang sumagot sa tanong ko.
"Ah, sige labas muna ako" paalam ko at tumayo na.
"Saan ka pupunta?" tanong pa ni Shane.
"Diyan lang, papahangin" nasabi ko nalang at hindi na inintay ang sagot nila at lumabas na.
Naglakad-lakad lang ako at hindi pinansin ang karamihan ng estudyanteng nasa labas. siguro ay wala din silang klase katulad namin. Naisipan ko nalang na pumunta sa garden ng school at umupo sa ilalim ng puno. Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang simoy ng hangin. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng paa ko gayong ang paborito kong puntahan ay ang library.
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampireMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...