Chapter 20

2 1 0
                                    

--

Buong magdamag akong nakatayo sa balkonahe ng ikadalawang palapag ng bahay namin, Sa pagiisip sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw...lalo na kagabi.

Dos...Oo! si Dos na naman. Simula ng malaman ko na hindi ko man lang mabasa ang nasa isip niya ay hindi na siya nawala sa isip ko at nakakaasar iyon.

"Zia! hindi ka ba papasok?" basta lang na pumasok ang magaling kong kapatid sa silid ko at inakbayan ako.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. "Ano ba!" reklamo ko at walang ano'y inikot ko ang braso niyang nakaakbay sakin.

Tumawa siya. "S-Stop that!," muli pa siyang tumawa at nagpupumiglas. "N-Nakikiliti ako, Z!" tawa pa niya.

Ngumiti ako at padarag na binitawan ang braso niya saka pumasok sa loob at kumuha ng tuwalya para maligo na.

"Don't do that again...Hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo but, nakikiliti ako" aniya bago ako makapasok sa pinto ng CR.

Hindi na ako umimik at mabilis na nagshower.

Ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo at lumabas na ng CR saktong wala na sa loob ng aking silid si Colt.

Mabilis kong natapos ang pagaayos para sa pagpasok. kinuha ko ang bag ko pati nadin ang susi ng kotse ko saka lumabas.

Dumiretso ako sa dining area at doon nakita si Colt na umiinom ng sangue. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang nasa harap niyang sangue at nagsalin sa baso saka ito ininom.


Kumunot ang noo ko ng masama ang tinging pinupukol niya sakin.

"Bakit ba?!" angil ko.

Lalong sumama ang mukha niya.  "You have a visitor,Z" pinagkadiinan niya talaga ang "Visitor at Z".


"Ah...It's Kin" tawa ko pa at muling tumungga ng sangue. si Kin lang naman kasi minsan ang napunta dito ng ganito kaaga.

"Kin your face! It's a boy,  named..." nagtataka ko siyang tinignan.

Lahat naman ng lalake kong kaibigan kilala niya e. lahat pa naman bampira.

"Pangalan?" tanong ko.


"Ezekiel?"

"Wala akong kilala ezekiel!" singhal ko.

"Exiel?"

"Wala sabi!"

"Ex nagsisimula yun,e"

"Fuck! what are you saying?" tumalikod na ako sa kaniya dahil sa pagkainis.

Kung sino-sino ang sinasabi niya, puro hindi ko naman kilala.

Binuksan ko ang pinto namin at aakmang lalabas na ng matanawan ko sa gate namin ang pamilyar na lalake...


"Gotcha! His name is Exodus!" wika pa ng kapatid ko.

"Anong ginagawa ng isang yan dito?" bulong ko pa at dali daling sinaraduhan ang pinto.


"Bakit ka nagdadala ng lalake mo dito?! Masyadong delikado ang daan papunta dito, Zia...at kapag nalaman ito ng ikaunang emperador ay pare-pareho tayong malalagot" sermon ni Colt.


Sinamaan ko siya ng tingin.  "Ikaw naman nagpapasok nan dito!"  asik ko.

Tinaasan niya ako ng kilay.  "Ah... kaya pala ang sabi e sinusundo daw si Elizia!" asik niya din.


Can't Help Fallin' In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon