--
Ang araw ay lumalabas na pero wala padin si Sam. Nakabalik nadin kami sa napagusapan namin at lahat sila ay hindi man lang nahanap si Sam.
"Nasaan na ba kasi si Sam?" asik ni Kin. naiirita.
"We need to find her as soon as possible" wika ko.
"How?" si Shame.
"Gamitin niyo lahat ng connections niyo lalo na ang pagiging bampira niyo," nauubusan ang pasensyang wika ko.Tahimik naman silang tumango. "Babalik tayo sa konseho ngayon para makagawa tayo ng mas madaling paraan and hindi tayo papasok hangga't hindi nahahanap si Sam" dugtong ko pa. tumango ulit sila.
Kaya ginamit na namin ang bilis namin para makarating agad sa Konseho. Pagdating doon ay puro bampira agad ang sumalubong samin bahagya pa silang yumuko ng makasalubong kami.
Sinalubong kami ng ibang bampira at sabay sabay silang nagsiyuko. tumango kami at bago makalagpas sa huling kauri namin ay hinarap ko ito.
"Onde que imperadores?" tanong ko.
translation: "Nasaan ang mga Emperador?"
"Abandonar de sala de reuniões, majestade" nakayukong sagot niya. tumango ako at nagpatiunang maglakad.
translation: "Nandon sa silid ng pagpupulong, kamahalan"
Hindi na ako kumatok at basta nalang pumasok sa napakalaking silid. Nabaling ang tingin nila samin, nagtataka.
"What are you all doing here?" kunot noong tanong ng ika-tatlong Emperador. Imperador Leonel Ferry. Grandpa ni Kin pero hindi mo masasabing lolo niya ito dahil sa angking kagwapuhan neto at malabatang mukha.
Ang aming Konseho ay pinamumunuan ng mga Emperador. Anim na Emperador.
"Grandpa, Sam is missing" si Kin ang sumagot. lalong nangunot ang mga noo nila.
"My grand daughter is missing? but, why?" naguguluhan at nagaalalang tanong ng ika dalawang emperador. Lolo ni Sam.
"We don't know emperor, That's why we're here to ask all of you some help" aniya ni Shame at bahagyang yumuko.
Nabigla kami ng hampasin ng ika unang emperador ang lamesa neto, Siya ang lolo ko. "Hangal! Kay dami niyong yan hindi niyo man lang iningatan ang kaibigan niyo?!," gilalas niya. napayuko nalang kami dahil tunay naman eto.
"Paumahin ika-unang emperador" nakatungong wika ko.
"Naituring na malakas sa ating lahi ngunit hindi naprotektahan ang kaibigan, Kayo ay kahihiyan!" dagdag pa ng emperador.
Isang malaking sampal samin ang binitawang salita ng aking lolo. Isa akong kahihiyan. Masakit pero wala akong dapat na ireklamo. Hindi namin sila pwedeng biguin dahil isa kami sa namumuno ng aming nasasakupan.
"Umalis na kayo at magtulong-tulong kayong hanapin ang apo ng ika-tatlong emperador" mahinahon ngunit may awtoridad sa tinig ng ika-limang emperador.
Tumango kami at mabilis na nilisan ang silid. Walang nagkibuan samin hanggang makalabas.Bumalik kami sa kagubatan at hinanap si Sam.
Sikat na ang araw at nagpatuloy padin kami sa paghahanap. Hindi kami yung tipong sisikatan ng araw ay mamatay dahil hindi totoo yun. Kumikinang lang kami pag nasisikatan ng araw. Ang unibersidad na pinapasukan namin ay nilagyan ng proteksyon sa araw kaya hindi kami tinatalban neto. Pero kapag nakalabas na kami sa unibersidad at nasikatan kami ng araw ay malaki ang posibilidad na malaman ng makakakita kung ano kami dahil sa pagkinang ng aming balat.
"Zia?" untag ni Kin. kunot noong binalingan ko siya ng tingin. "Sa kuweba nalang ang hindi natin natitingnan" aniya.
"Ano namang gagawin niya doon?" tanong ng nasa likod naming si Shame.
"I don't know but, let's just try to go there" sagot ni Kin na sinangayunan namin.
Mabilis na tinahak namin ang daan papuntang kuweba na sinasabi ni Kin. Madilim ang parte ng kuweba na yun pero makikita padin namin at malinaw parin kahit na madilim ang kuweba. Mabaho din ang amoy sa loob, Iba't ibang amoy ng kung anong patay na hayop o tao.
"Sam?" sigaw ni Kin habang naglalakad papasok.
"Yuhoo, Sandrea?" si Shame.
"Sandrea Kim?! Nasan ka ba?" sigaw ko din.
Naalerto kami ng may marinig kaming kaluskos papalapit. Isang pigura ng tao pero amoy na amoy ko ang pagiging bampira neto at kilalang-kilala ko kung sino eto.
"Sam!" nagaalala ang tinig ni Kin ng mapansin ang pigura sa dilim.
"K-Kin? H-Help me" mahina ngunit nagecho padin iyun sa buong kweba agad namin siyang dinaluhan.
"Anong nangyari sayo?!" asik ko.
"T-They a-attacked me" nahihirapang sagot niya.
Sinampa ko siya sa likod ko.
"Kin and Shame hanapin niyo na sila Shane at babalik na ako sa Konseho para maagapan ang sugat ni Sam" wika ko. agad naman silang tumango kaya agad ko ng nilisan ang kuweba at mabilis na dinala si Sam sa Konseho.Naalarma ang mga bampirang nagbabantay sa Konseho ng makita ang kalagayan ni Sam. Nagdudugo ang parte ng mukha at ng ibang katawan ni Sam. Hindi ko pwedeng ipaubaya sa mga ito ang kaibigan ko sapagkat baka hindi nila makontrol ang kanilang uhaw at si Sam ang kanilang gawing agahan.
"Magsi-alis kayo sa daan ko!" utos ko na agad naman nilang sinunod.
"Cecelia?!" tawag ko ng makarating sa loob ng silid ng manggagamot.
"Kamahalan?" aligagang humarap siya sakin.
"Paggalingin mo ang sugat niya, Kailangan mong protektahan siya alisin mo ang dugo" wika ko. sunod sunod naman siyang tumango.
"Makakaasa kayo, Reyna Elizia," nakangiting aniya. "Aalagaan ko si Reyna Sandrea" dugtong pa niya. nginitian ko siya at bahagyang yumuko na kinabigla niya.
"Salamat, Cecelia, Aalis na ako babalikan ko nalang siya" wika ko at ngumiti. Nangiti din siya sakin.
Tumalikod na ako sa kaniya at bago pa ako makalabas ay muli ko siyang hinarap. "Ang maaari mo lang papasukin ay ang emperador at iba pang kamahalan" nakangiti naman siyang tumango. tumango din ako pabalik at nilisan na ang silid.
Nakasalubong ko ang nagaalalang mukha nila Vin. "Nasaan na si Sam?" tanong pa ni Zy.
"Kasalukuyan na siyang ginagamot, Magiging ayos din ang lagay niya, Magtiwala kayo kay Sam" wika ko. Bagaman sumangayon sila ay hindi padin nawala ang pagaalala sa mga mukha nila.
"Makakayanan niya yun" aniya Kin.
"Kumuha muna tayo ng panibagong damit niya" wika ko.
"Sige, maiwan muna kayong tatlo dito" aniya Vin kanila Kin,Shane at Zy sumangayon naman sila.
Kaya umalis na kami at nagtungo sa bahay ni Sam.
"Sino kaya ang may kagagawan nito kay Sam?" gigil na tanong ni Shame.
"Hindi natin alam pero malalaman din natin yan, Sa ngayon kailangan nating maghanda at pagbabayarin ko ang may gawa nito kay Sam..." seryosong wika ko.
--
:)
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampireMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...