--
Panibagong taon na naman at heto ako ngayon kasalukuyang naglalakad sa hallway ng paaralang pinapasukan ko at kahit ilang siglo pa yata ako sa eskwelahan na'to kasama ang mga kauri ko na dito din nagaaral ay wala namang may pakealam.Kulang ang isang daang taon para masabi ang edad ko.Hindi ko na din alam kung ilang taon na ako dahil ang tanda ko lang ay ang aking kaarawan at ang aking batang mukha ay talagang walang pinagbabago kahit na lumipas pa ang ilang siglo at lahat ng ito'y nakasanayan ko na at buong pusong tinanggap.
Marami-rami nadin akong nadadaanang estudyante.May mga normal na taong nakikipagusap sa kapwa nilang normal na tao meron din namang normal na tao ay ang kausap ay isang bampira at magkaibigan ang turingan pero paniguradong hindi ito alam ng normal na tao.Hindi ko din alam kung anong pumasok sa kokote ng nagtayo nito at nagdiklarang pagsamahin ang katulad namin at mga normal na tao sa loob ng isang paaralan gayong alam naman nilang napakadelikado nito pero talagang merong nasiyahan sa anunsyong yun dahil nagkaroon sila ng mga taong na kaibigan.Kapag nalaman kaya nilang hindi normal na tao ang mga nakakasama nila maituturing pa kaya nila silang kaibigan o magiging halimaw na sa paningin nila? Pero katulad ko din na talagang hindi pabor sa desisyon nilang pagsamahin kami. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila pero ayaw kong dumating ang araw na malaman nila kung ano kami at sila pa mismo ang manakit samin gayong kayang kaya naman namin silang ubusin at ayaw ko ding dumating ang punto na ang masasamang bampira ay malaman na marami kaming kasamang tao sa eskwelahan ng mga bampira at sila mismo ang sumugod dito at patayin isa isa ang nariritong tao. Parang kami nadin ang naglagay sa kanila sa peligro kahit na alam kong sila ang may gustong pumasok dito.
Karamihan din sa mga bampirang narito ay matinding matinding pagpipigil ng uhaw ang ginagawa at kamangha-mangha ay nakayanan nila iyun at syempre ganon din ako at ang mga kaibigan ko hindi din kami basta basta pumapatay kung hindi kinakailangan.
Sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay narinig ko nalang ang aking pangalang sinisigaw ng aking kaibigan.
"Ziaaa!" sigaw pa nito. rinig na rinig ko ang sigaw ng aking kaibigang si Sam kahit nasa malayo pa siya.
Isa iyun sa abilidad namin ang makarinig kahit may pagkailang metro pa ang layo nito samin. Mala-chismosa.Kaya ko ding magbasa ng isip ng tao. Bibihira daw sa lahi namin ang ganon at maswerteng ako daw ang nabiyayaan. Anong swerte sa pagbabasa ng isip ng tao? hindi ako natutuwa sa abilidad kong ito siguro nawawalan ang ibang tao na magkaroon ng privacy pero natutunan ko itong kontrolin dahil hindi ako tumititig sa kanilang mga mata para hindi mabasa ang nasa isip nila. Mahirap man ay akin pading natutunan.
"Hey!" asik ni Sam ng makalapit sa'akin. napakalayo niya kanina pero dahil isa siyang katulad ko ay hindi na kataka-taka.
Sandali akong tumigil sa paglalakad at tumingin sa kaniya. Maya maya ay sumenyas siya na maglakad na uli ako sumabay naman siya.
"Magingat ka nga baka may makakita sa ginawa mo" pangangaral ko pa. irap lang ang naisagot niya.
"Bakit ba?" naiiritang tanong ko pa.
"May bagong dating na tao" kapagkuway aniya.
Tumaas ang kaliwang kilay ko. "So?" wika ko.
"Anak ng-- Anong so?!" nauubusan ang pasensyang aniya.
"Ano ba?" maangmaangan ko pa.
"Baka naman humina na ang pakiramdam mo at hindi mo naramdaman?" naningkit pa ang matang tanong niya.
Napangiwi naman ako. "Ano bang sinasabi mo diyan?"
"Tsk! Kasi naman bakit kasi hindi mo sila ramdam?!" singhal niya.
"Kanina ka pa singhal ng singhal ang sakit na sa tenga!" asik ko din. Napanguso naman siya.
"Napaka bango nila Zia" pagiiba niya.
Napaseryoso naman ako dahil sa sinabi niya."Sandrea Kim" pagbabanta ko pa.
"hay,i know" sagot niya.
Hindi maaari ang iniisip niya hindi kami pwedeng pumatay ng tao dahil lang sa mabango o sariwa ang dugo ng mga ito dahil pare-pareho naming ikakapahamak iyun lalo na ng pamilya niya.
"Saka... Hindi lang naman ako ang may gusto sa dugo nila e" nakangusong aniya.
"Malamang! Hindi lang naman ikaw ang nagiisang bampira dito e" walang ganang sagot ko.
"Ang sama mo!" natatawang asik niya.Tagal na!
"Nasan sila?" pagiiba ko nalang sa usapan.
"Sinong sila?" balik tanong niya.
Kunot noong bumaling ang tingin ko sa kaniya. "Anong sinong sila? Sino ba iyang nasa isip mo ha? Ang tinutukoy kong sila ay sila Kin" asik ko pa.
Napakamot naman siya sa ulo. "Hehe, Akala ko kasi yung mga bago e" tawa niya pa.
"Zia! Sam!" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses. Bumaling ang tingin ko sa sumigaw.Ang hihilig magsisisigaw e.
"Speaking of the devil" bulong pa ni Sam patungkol kay Kin isa sa mga kaibigan ko.
Pinanood namin siyang makalapit samin.
"Hoy! Maka-devil to mas mukha ka pa ngang demonyita sating dalawa e" singhal ni Kin kay Sam ng makalapit.
"Ke layo-layo rinig pa" bulong uli ni Sam.
"Kanina ka pa bulong ng bulong riyan, Baka nakakalimutan mong rinig ko pa din iyan" namewang pang aniya Kin.
"Papaano ko nga ba makakalimutang bampira ka din?" kunwari pang nagiisip na tanong ni Sam at humawak pa sa baba.
"Low your voice,Sam" angil pa ni Kin ngumisi lang si Sam sa kaniya.
Nagtuloy na kami sa paglalakad sa hallway ng building namin.Maya-maya pa ay narating na namin ang aming silid aralan. Marami-rami nadin ang nandoon and yes, magkaklase kaming tatlo kasama pa ang apat naming kaibigan.
Ang nauna kong nakasama ay si Sandrea Kim Williams. Isa sa pinakamatalik kong kaibigan.
Ang pangalawa naman ay si Ailyne Kin Ferry. Katulad ni Sam ay matalik ko din siyang kaibigan.
at ako naman si Elizia Kit Parker. Your one and only Vampire Queen.
--
:)
BINABASA MO ANG
Can't Help Fallin' In Love
VampirosMaaari nga ba talagang mahulog ang loob ng isang bampira sa isang normal na tao? Maaari ba talagang matanggap ng isang tao ang isang tinuturing na halimaw? Maituturing ba nila ang isa't isang kaaway? o... Hindi nila mapipigilang mahulog sa isa't is...