Chapter 21

13 0 0
                                    

Alam mo 'yong nakakainis?

It's when you want to sleep but can't.

I heaved a sigh.

I think this is a punishment dahil sa mga pambibintang ko kay Nathaniel at sa pagtawag ko sa kanyang Nate panget. 

And the worst part is... wala na nga akong tulog, hindi ko pa mapigilan 'tong ngiti ko. 

He likes me?

As in Nathaniel Raven likes me?

No way. No freaking way.

Naka-drugs ba siya?

No, kasi ako ata 'tong naka-drugs. Maya't maya ay mapapangiti, maiinis kasi hindi makatulog at mapapangiti ulit dahil sa mga sinabi niya kagabi.

He likes my hair.

He likes me kahit nirorolyohan ko siya lagi ng mga mata.

He likes me kahit lagi kong nilalait 'yong buhok niya.

Ang panget ng ugali ko sa kanya pero he said that he likes me. My heart. I find it sweet hearing those to him.

No one ever confessed to me like that before. Lagi lang nilang sinasabing gusto nila ako because I'm pretty. Laging 'yon lang. 

Sabagay hindi naman talaga likeable 'yong mga babaeng masasama ang ugali, right? Gets ko rin naman and aware naman talaga ako na may gano'n naman akong ugali pero syempre sa kanya lang 'yon. Mabait naman ako sa iba kasi mabait naman sila sa 'kin.

Anyway, useless din naman 'tong pag-force ko sa sarili ko to fall asleep kasi ayaw naman na talaga so I get up and get ready for school. Actually, medyo nakakahilo siya. Ang sakit naman talaga sa ulo kapag walang tulog. Daig ko pa ang mga nagpupuyat para mag-review ng notes.

 The nerve of that Nathaniel! Baka naman plan niya ang lahat ng 'to para hindi talaga ako makatulog?

"So, Princess Dahlia Flores, what do you feel about me?"

Seriously?

Okay na sana, e.

I'm so annoyed. Ginagawa niya talagang joke time ang full name ko. Mabuti nalang at dumating no'n si lola Pearl kaya nakatakas ako sa tanong niyang 'yon. 'Wag niya lang sanang itanong ulit kapag nagkita kami.

Maliligo na sana ako nang maisipan kong buksan muna ang bintana ng kwarto ko and to my surprise, Nathaniel wasn't in his balcony. So unusual. No "Hi, prinsesa." for today.

Habang pababa ako ng hagdan, may naamoy ako bigla kaya napahinto ako. Omg, I can smell Nathaniel, is he here?

Dahan-dahan akong bumaba at sumilip-silip sa may dining area. Si Mama lang naman.

"Ma, galing ba dito si Nathaniel?"

Napatingin naman si Mama sa 'kin. 

Na parang naiilang.

Gusto kong matawa. Is it because I caught her with sir Javier? 

Fine, hindi ko na siya tatanungin para hindi siya mailang. Alam kong hindi rin siya magsasabi kasi nahihiya.

"Bakit?" tanong ni Mama. "Ayaw kasing magpaluto kay manang Pearl kaya dito ko na pinag-breakfast."

As if naman hindi always.

"Kaya pala pati 'tong plato amoy Nathaniel," pabirong sabi ko. Nakita ko namang ang sama ng tingin ni Mama sa 'kin kaya hindi ko na napigilang matawa. "I'm joking, Ma, okay?" sabi ko pa saka nag-start na kumain. "Ba't ang early niyo namang mag-breakfast? Ayaw niyo ba akong kasabay?"

Hi, PrinsesaWhere stories live. Discover now