XXVIn"Running time"

0 0 0
                                    

"Running time"

"Kuya? Balik na muna ako sa kompanya, baby love daddy muna" aniya at lumapit naman ang anak sa kanya.

"Daddy, balik ka agad ah" sabi ng anak matapos niyang yakapin ang ama.

Marunong na itong magtagalog dahil isinanay ni Kael na kausapin ng tagalog, isang buwan at dalawang linggo na ang lumipas, halos lahat nagbago na pero hindi padin si Amethyst nagising.

Gaano katagal pa ba ang hihintayin nilang lahat?

"Sige baby, I love you" sagot naman nito at umalis na.

Andaming gagawin sa opisina, andami ding meetings at reports na tatapusin at hindi naman niya pwedeng ipagpaubaya nalang ito sa mga tauhan.

Pagkarating niya ay sinalubong kaagad siya ng iilang empleyado.

"Sir good morning, permahan mo naman hu ito" Sabi ng empleyado kaya pinermahan niya ang iilang papeles.

"Anak ng! Magsastart na pala ang presentation para sa isang bagong labas na produkto" aniya sabay puntang conference room na nagmamadali.

"Good morning sir" bati ng lahat.

"Ready na ba Alang lahat?" Tanong niya at umupo.

"Yes sir"

"Sige" aniya at tiningnan ang proposal.

Nagsimula na Ang presentation, bagong gawa na mga perfumes na pinag-aralan noon pa.

"This one is the summer bloom it smells like the sun with the vibe of blooming sunflower. Please check the sample everyone. The fragrance makes you feel like you're enjoying the summer while building the sand castle. This one is good and fit for a lady that loves to explore under the sun." anas ng nagpepresent sa harap.

Matapos ng isang perfume ay inayus nila ang survey form at ipinatuloy muli ang iilan pang perfumes.

"Ok, so far I love all of the products but I love the memory way the most. I love the explanation and the scent as well" komento ni Kael.

Andaming official din ang nag-approve kaya maglalaunch sila month after.

"Guys, thanks sa hard work. So far, pataas ng pataas ang sales natin, Hindi talaga bumaba ang ratings. Keep it up lang, kaya natin 'to" aniya at tumayo na.

"Dahil din ito sayo sir, nagpapasalamat din kami sayo" sagot naman ng isa na ikinatuwa niya.

"Congrats sir"

"Congrats Kael"

"Congrats Mr. CEO"  Naalala niya si Amethyst.

Mga naririnig niya mula sa loob kaya natuwa siya.

"Oo nga pala, next week magkakaroon tayo ng team building, saan niyo gusto?" Natatawang tanong niya.

Naghiyawan naman Ang lahat at kita ang tuwa Ng mga ito.

Siya lang daw ang bahala kaya naisipan niyang doon sa resort kung saan niya dinala sina Amethyst nalang.

The Taste Of Teasing FateWhere stories live. Discover now