XXVII "Questions"

0 0 0
                                    

"Questions"

"Kuya sino kaya ang nagbigay ng laruan?" Nagtatakang tanong nito na kahit sina David ay nagtataka din.

"Hindi ko alam,tatanong ako mamaya kung pweding makakita ng footage sa monitor nitong hospital" nagaalalang tugon naman ni David

"Sige kuya" aniya habang pinagmamasdan ang tulog na anak.

"Nga pala, may alam ka bang galit sayo?" Tanong ni David kay Kael

"Wala kuya, hindi ko alam." Tugon niya at napabuntong hininga. Sino nga ba?

"Sige, Basta mamaya hintayin mo ako at sasamahan kita, aalis muna kasi ako ngayon" aniya at inayos ang bag.

"Sige kuya, saan ka ba pupunta?"

"May kakausapin lang, alis na ako. Dylan kung pupunta si mama dito mamaya pakisabi na dito Lang Muna matutulog para may kasama si Brendon" Sabi ni David sa naglalarong mobile games na si Dylan.

"Sige kuya" tugon nito na nasa laro parin nakatuon ang attention.

'Sakaling kakamuhian padin ako ni Amethyst pagkagising niya, hindi ako mapapagod na gawin ang lahat para bumalik Ang lahat sa dati. Hinding Hindi ko na siya papakawalan pa, Hindi ko na hahayaang maulit Ang nangyari dati.'- Kael.

'Pipilitin Kung kalimutan ang nararamdaman para maging masaya siya Ng tuluyan, kakalimutan Kung ako'y nagmahal Ng totoo para sa babaeng iba naman Ang gusto. Hindi ko sisirain Ang muli niyang pagkabuo, ganun ko siya kamahal.'- Dylan

'Hindi ko hahayaang may mapapahamak, gagawin ko ang lahat para malayo na siya sa ano mang kapahamakan. Hindi ko na hahayaang maranasan ang sakit at mapalagay sa ganitong panganib. Mahal na Mahal ko Ang aking kinakapatid.'- David.

"Daddy! Daddy~" nagising si Kael dahil sa pagyugyog sa kanya ng anak.

"O, anak" unang sabi niya at napatingin sa relos.

"Wala pa ba si kuya?" Baling niya kay Dylan.

"Wala pa eh, nagchat naman papauwi na." Tugon Naman nito at pinatuloy ang pag-ayus ng pagkain.

"Daddy I ate ice cream" natutuwang sabi Ni Brendon at nagpabuhat sa kanya.

"You like it?" Nakangiting sagot niya at hinalikan ang anak sa pisngi.

"Daddy when will mom end from dreaming?" Tanong Ng anak. Naalala niyang nagkwento pala siya na habang nananaginip ang mommy niya ay hindi ito gigising.

"Soon, so don't worry. Okey!" Aniya sabay gulo ng mahabang buhok na ng anak.

Gwapong babae na tingnan si Brendon. Nakakatuwa lang at naalala Niya ding mahaba din Ang buhok niya noon.

"Apo, come here. Let's comb your hair" nilingon Naman Ni Brendon Ang mamuh Niya na kakagaling lang kung saan.

"Mamuhhh~ Daddy" aniya na tila nagpapaalam kaya ibinaba Niya at tumakbo Naman Ito papunta sa Lola Niya.

Tiningnan naman ni Kael Ang cellphone at maraming mensahe dito.

Hindi Niya Alam Kung Sino pero una niyang binuksan ang mensahe ni David.

"Magkita nalang tayo sa pupuntahan mo"

"Kung may magmessage sayo na hindi mo kilala ay e send mo sakin agad ang #. Ipapatrace ko Kung sino"

The Taste Of Teasing FateWhere stories live. Discover now