"Silent Fight"
Ilang araw na ang lumipas at hindi padin nakabalik sa Lacosta si Kael para bisitahin sina Amethyst at Brendon kaya tuloy nalulungkot at nasasaktan ang babae.
"Busy at work, it's fine. Mommy's here" madalas na tugon niya sa anak tuwing magtatanong ito kung saan ang ama.
"Amethyst meron mail para sayo" Sabi ni David mula sa labas ng kwarto niya.
"Pasok lang kuya" aniya habang nanunuod ng wrestling sa TV.
"Mula sa kanya" ang tinutukoy ng lalaki ay si Kael.
"Salamat kuya" aniya at inabot ang brown envelope.
Lumabas naman kaagad si David kaya binuksan niya ang envelope. Natuwa siyang makita na bagong birth certificate na iyon ni Brendon. Sa wakas, Yleniego na din ang anak subalit sa kabila ng saya ay nalungkot siya.
'ako kaya, kailan ko mapapalitan ang apelyido ko sa apelyido mo?' napabuntong hininga nalang siya at pinagmasdan ang natutulog na anak.
Maya-maya ay naisipan niyang mag install ng resume maker para sa cellphone nalang siya gumawa at e.print niya nalang kaagad.
Matapus ay iniwan niya muna sa kuya ang anak at tinungo ang kompanyang pinagtatrabahuan niya dati.
Wearing a formal office wear.
Hanggang sa itaas ng tuhod ang black fitted skirt na suot niya, pink na backless, ruffles ang design sa harap at spaghetti straps. Nagsuot din siya ng black coat at ang kaninang sneakers na pambaba ay pinalitan niya iyon ng 5inch na black heels na kakabili niya lang. Napadaan muna kasi ito sa mall bago tumuloy.
"Ma'am,good morning." Nakangiting bati ng buard sa kanya.
"Good morning" masayang tugon niya.
"Merong appointment?" Tanong nito kaagad sa kanya
"Yes po" natatawang sagot niya kasi pakiramdam niya ay may gagawin ulit siyang mali pero sana ay makapasok siya sa kompanya.
Nakatingin ang lahat na dinadaanan niya, eh nakaraang pumunta siya kasi sa kompanya ay naka dress lang siya at ngayon ay formal na.
Hinayaan niya lang ngunit binabati padin siya ng mga empleyadong nagtagal na sa pwesto at kilala siya.
Kumatok muna siya at hinintay ang sasabihin mula sa loob.
"Come in" dinig niya kaya napangiti siya at pumasok.
"O" Her lips formed that as she see Sam around.
Malapit kay Kael, actually subrang lapit.
Nabigla naman si Kael sa nakita.
YOU ARE READING
The Taste Of Teasing Fate
General FictionA simple story of Kael Yleniego and Amethyst Qounse. Kael is a young business tycoon, owns different kind of business and inlove with a girl who stay unknown for a while, confused him with a playful kiss and trick him through passing her forms yet i...