Chapter 1
"Please..." I whispered, nervously drumming my fingers against the table. Napapikit ako nang biglang suklubin ng kaputian ang buong website. I mentally counted up to five seconds before slowly opening my eyes.
I squinted my eyes before scrolling down. Kasabay ng paghigit ng aking hininga ay ang pagkurba ng isang matamis na ngiti sa aking labi.
There it is.
148. Veneracion, Heaven Amora C.
Hindi ko na napigilan mapatili sa sobrang tuwa. Iyong tili ko ay iyong tipong parang may kinakatay na baboy, but I didn't care. Wala akong pakialam kung akalain ng mga kapit bahay ko na may pinapatay sa bahay namin. I was too ecstatic to care.
I did it!
I passed the entrance exam of my desired law school!
Marahas na bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Kuya na gulo-gulo pa ang buhok at parang medyo disoriented pa ang hitsura, halatang kakagising lamang. Hindi ko na pinansin na naka boxers lang siya, dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.
"Kuya!" I shouted.
"Bakit? Heaven, anong nangyari?! Bakit ka sumigaw?!" Natataranta niyang tanong.
I beamed as I stared at his face. Usually ay gusto kong suntukin ang mukha niya tuwing nakikita ko siya―definitely not because he is ugly or something, I just find his face annoying―but since good mood ako, hindi ko iyon ininda.
"Kuya, I passed the entrance exam!"
Kumunot ang noo niya bago iyon unti-unting napalitan nang pagkasinghal. Bigla niyang nilagay ang buong palad niya sa mukha ko at tinulak iyon palayo. Muntik na akong mahulog!
I glared at him but he remained unfazed. "Akala ko naman nilooban na tayo. Ang lakas mo makatili, para kang baboy na kinakatay," masungit niyang pahayag.
"You're not even happy for me?" Nakasimangot kong tanong.
He rolled his eyes. "Given na papasa ka sa exam na iyon. Grumaduate kang Magna Cum Laude tapos hindi ka papasa ng entrance exam? Mas magugulat pa ako kung hindi ka pumasa."
"Still!"
"Bahala ka dyan, Heaven. Sinira mo ang tulog ko," bulalas niya bago humikab at naglakad palayo.
Napairap nalang ako.
Totoo naman iyong sinabi niya pero kahit na! Graduating Magna Cum Laude doesn't guarantee your spot in law school. Magkaiba ang college sa law school. In law school, my goal is not to have high grades but to survive. Kinwento saakin ng mga kaibigan na lawyer ni Kuya na hindi lang talino ang kailangan sa law school, kailangan rin ng diskarte at kasipagan. Natakot nga ako sa iba pa nilang mga kuwento but that didn't stop me from pursuing my dream.
Nevertheless, I don't even think I'll be able to make friends. My best friends will surely be coffee and books.
It's my first day today and to say that I'm feeling nervous is an understatement. I feel so tensed and antsy.
I heaved a deep breath and chanted an inspirational speech inside my mind.
You can do it, Heaven!
I smiled at pumasok na sa loob ng university. Tulad ko ay maraming mukhang kinakabahan ngunit hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko. Nakangiti lang ako habang yakap-yakap ang mga libro ko. Noong break ay nag-advance reading na ako. May gumawa na kasi ng group chat sa klase namin at may―unofficial―beadle na rin kami na siyang nagsasabi kung ano ang mga readings na kailangan naming basahin.
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...