Chapter 14

9.6K 321 64
                                    

AN: Second update for today. Make sure to read Chapter 13 first!

Chapter 14


"Ilan ka?" Tanong ko kay Fletcher habang sinisilip ko iyong papel niya. Nakuha niya na kasi iyong papel niya tapos dinidistribute palang ni Atty. iyong iba kaya wala pa iyong akin.

Tumabi ako sa pwesto nila kasi katatapos lang ng midterms kaya medyo lenient pa si Atty. Sa ngayon ay nagdidistribute palang naman siya ng test papers namin tapos pag-uusapan iyon so wala pang lesson talaga.

Agad nilayo ni Fletcher iyong papel niya. "Cheating!"

"Bobo. Anong cheating tinitignan ko lang naman score mo." Ismid ko.

"Kahit na," wika niya.

I rolled my eyes. "So ilan ka nga?"

Nakita kong kakaupo lang ni DLC sa pwesto niya habang hawak iyong test paper niya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya. Sinilip ko iyong papel niya.

"Wow ang taas naman!" Nakangiting wika ko. Naka-97 kasi siya. Palaging 90+ iyong scores ni DLC. Akala ko totoo iyong sinabi ni Nerwis dati na laging perfect si DLC pero nag-eexaggerate lang pala siya.

May 92 nga si DLC eh. Pero pinakamababa niya ata iyon. Samantalang ako, ang pinakamababa ko ay 89.

Pero mahirap naman talagang maka-perfect dito sa law school. 'Tong si DLC nga na laging nakatutok sa libro, hindi palaging perfect eh.

"Where's yours?" Tanong ni DLC.

Akmang sasagot ako nang marinig kong mag-salita si Atty.

"Anyone who doesn't have their paper yet?"

I raised my hand. "Attorney, wala pa po iyong saakin."

Kumunot naman iyong noo niya. Kaagad akong lumapit doon kasi ang hirap, nasa pinakalikod ako tapos nasa pinakaharapan siya. Halos mag-sigawan kami doon.

"Veneracion, right?" Tanong niya. I nodded. "Did you take the test? I didn't see your paper."

"Po?" Gulat kong tanong. "Yes po, nag-test po ako."

"Really?" he asked. Kinuha niya iyong class record niya at may chineck doon. "Hmm," he said, shaking his head. "Wala kang score sa record ko. Wala din akong naalala na na-check ko iyong paper mo."

My lips parted.

But I really took the exam!

Katabi ko pa nga si Fletcher at Primo no'n! Humiram pa saakin si Primo ng correction tape.

"Attorney, I don't know why my paper is missing but I really took the exam. You can ask Arciaga or Velasquez po. Seatmates ko po sila when I took the exam."

"Attorney," napalingon ako at nakita si Primo na may hawak na dalawang papel.

"Yes, Velasquez?"

"Err," parang nagtatakang sabi ni Primo. "I got two papers."

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Atty.

Pinakita ni Primo iyong dalawang papel na midterm exam namin. Parehas nakalagay ang pangalan niyang Primo Velasquez pero magkaiba iyong handwriting. 

Teka..

"This left one's mine but I don't know why this other paper is also named after me," paliwanag ni Primo.

Bigla kong naramdaman iyong pag-iinit ng mga pisngi ko.

Kumunot ang noo ni Atty.

Atty. glanced at me before looking back at the papers.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon