Chapter 25
Halos maiyak na ako sa sobrang daming readings na kailangan kong habulin. Totoo nga iyong sinabi ko na isang araw lang i-absent mo, parang isang buong semester ka na nag-absent. Paano pa iyong isang buong week ako nag-absent? Halos hindi na ako makatulog sa sobrang pag-cacatch up sa mga readings namin.
Na-immune na nga rin ako sa kape. Halos hindi na ito umepekto sa 'kin. Nakaka stress.
Minsan, tinatawagan ko si Fletcher para magpatulong sa ibang mga lessons na hindi ko maintindihan. Nakakatulong siya minsan pero madalas wala siyang kwenta dahil mismong siya daw ay hindi naman iyon maintindihan.
Ganito pala iyong feeling na bobo ka.
Halos dalawang araw na ako'ng walang tulog para lang matapos ko lahat ng readings ko. Ang laki-laki na ng eyebags ko tapos minsan natutulala nalang ako sa kung saan. Idagdag mo pang hinihintay ko parin iyong update ni Kuya tungkol sa kaso.
"Hello?" Matamlay kong sagot sa tawag ni Fletcher.
"Papasok ka mamaya?"
Napatingin ako sa orasan.
Monday na pala?
Hindi ko man lang namalayan. Last tulog ko ay nung Friday pa ata. I take naps in between pero hindi iyong tulog talaga. Siguro iyong pinakamahaba kong tulog ay dalawang oras lang.
I sighed and massaged my temples. "Oo."
"Ayos ka lang? Bakit parang ang tamlay mo? Huwag ka kaya munang pumasok?" Sabi ni Fletcher sa kabilang linya.
"At ano? Madadagdagan ulit iyong kailangan kong habulin? No thanks. Papasok nalang ako," I said, snorting.
"Bahala ka," he said. "Basta mag-handa ka sa recit mamaya. Paniguradong matatawag ka talaga. Isang linggo ka ba namang nag-absent."
"Alam ko. Sige, bye na Fletcher. Mag-aayos pa ako."
"Sige, bye."
Binaba ko na iyong tawag at bigla nalang napatulala sa kung saan.
Ano ulit iyong gagawin ko?
Ah. Oo nga pala, mag-aayos na ako.
Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na sa CR para maligo. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin.
Mukha akong zombie.
I put my hair in a messy bun and decided to wear a hoodie. Nagsuot rin ako ng reading glasses para lang hindi masyadong kita iyong malalim kong eyebags.
When I saw that it was almost time, pumunta na ako sa school. Nakakailang hikab na ako pero patuloy lang ako sa pagbabasa ng codal na hawak ko para sa unang klase.
Halos kasabay ko lang pumasok iyong prof namin. Napansin kong nag-double take pa siya sa 'kin bago siya dumiretso sa harap.
May ilan ding napatingin sa 'kin pero agad rin naman nilang iniwas iyong tingin nila dahil siguro narealize din nilang wala namang interesting sa 'kin.
"Hey, absent ka for one week. You okay?" Tanong ni Primo nang makaupo ako sa tabi niya. May seating arrangement by surname kasi sa klase na ito.
"Oo," sagot ko kay Primo.
Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n dahil nag-simula naring magtawag ng attendance si Atty.
Napahikab ako.
"Veneracion."
I raised my hand. "Present."
"Where did we stop last meeting?" Tanong ni Atty sa klase nang matapos na siya sa pag-check ng attendance. Sinagot naman siya ng ilang mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...