Chapter 11

10.2K 403 106
                                    

Chapter 11


Halos dalawang oras narin kami nag-iikot dito ni DLC, nagpapababa lang ng pagkain dahil ang dami rin naming nakain kanina. At dahil medyo nakababa na iyong kinain namin, nasa area na kami ng Greenfield district kung saan maraming mga streetfood.

Kanina ay ayaw pang subukan ni DLC iyong mga pagkain kasi ang sabi niya, and I quote, marumi daw iyon. Kaya pinatunayan ko sa kanyang hindi iyon madumi sa pamamagitan ng pag-kain no'n sa harap niya.

Napailing nalang siya dahil masyado akong pursigido kaya wala siyang nagawa kun'di tikman rin. And guess what? Mas marami pa siyang nakain kaysa saakin. Aayaw-ayaw pa nung una ah.

"I should probably give Israel and Finley some..."

"Huh?"

"What?" he asked, confused.

Kumunot iyong noo ko. "You said dapat bigyan mo sina Israel at Finley. Sino sila? Mga kapatid mo?"

He shook his head. "My bodyguards."

My eyebrows shot up in surprise. "Bodyguards?"

He nodded. "Yeah, they've been following us for a while now..."

"For a while?"

"Okay. Since I went to pick you up," he admitted.

Nagulat naman ako. Kanina pa palang may sumusunod na bodyguards niya saamin? Akala ko chismis lang na laging may nakabuntot na bodyguards sa mga DLC pero mukhang totoo pala iyon. Ang galing naman nila mag-tago, hindi ko sila napansin. Or masyado lang akong distracted kay DLC kaya hindi ko sila napansin?

"Kung kanina pa sila nakasunod saatin, e'di kanina pa nila tayo nakikitang kumakain?" he nodded. "Hala! Baka gutom na sila. Tara, bili tayo maraming fishballs at kwek kwek tapos ibigay natin sa kanila."

He blinked.

Dumiretso ako kay Kuya na nagtitinda ng fishball, squidball at kwek kwek at bumili ng 20 pieces each. Siguro sapat na ito para sa kanila? 

"Dito ka lang, hintayin mong maluto," utos ko kay DLC. "Bayad na 'yan."

Hinawakan niya naman ako sa braso. His forehead was creased. "Where are you going?"

"Bibili lang ako ng isaw, dugo at barbeque," I answered. Mukhang ayaw niya pa akong pakawalan kaya muli akong nagsalita, "Dyan lang naman sa tabi."

He stared at me for a while before slowly letting go of my arm. I just smiled at him to pacify him. Tumalikod na ako at pumunta doon sa kabilang stand. May nakita rin akong pansit kaya nag-order din ako no'n.

"Hey."

I jumped in surprise. Napahawak ako sa dibdib ko bago nilingon si DLC.

"You surprised me."

"Sorry."

My eyes dropped to his hand and saw him holding a boxed paper plate. Hindi kasi ata kasya sa cup kaya doon nalang nilagay. Kinuha ko narin iyong iba kong mga order at nagpasalamat.

"So, where are they?" I asked DLC.

"Follow me," he said. 

Naglakad kami patungo sa pwesto kung saan may mga benches. May nakita akong dalawang lalaking nakaupo sa bench. Parehas sila seryoso ang mga mukha habang nakatingin saamin.

Sabay silang tumayo nang tumigil sa harap nila si DLC.

"Sir," they both acknowledged. Pasimple pa silang sumulyap sa pwesto ko kaya tumabi narin ako kay DLC. 

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon