Chapter 29
Katatapos lang ng preliminary conference sa MTC. Sobrang nanggalaiti ako nung nakita ko iyong pagmumukha ng hayop kong tatay. Pasalamat siya at nasa korte kami dahil baka ano pa ang magawa ko sa kanya.
Nakaka stress.
Within five days pa mag iissue iyong korte ng protection order, base sa mga findings nila sa mga pleadings at admissions namin at ni Papa.
Nung tinawagan ako ni Kuya nung nakaraan, inupdate niya lang ako sa date ng preliminary conference. Three days ago pa iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap ni DLC.
Ang tagal ko pinagisipan kung may naging kasalanan ba ako, but there wasn't anything I could think of.
So I made a conclusion.
Pinag-lalaruan nanaman ni DLC iyong feelings ko.
Sobrang gago.
Sa sobrang inis ko sa kanya, hindi ko narin siya pinapansin. Naging gano'n lang ang takbo ng buhay ko hanggang sa maging fourth year na kami.
Syempre, hindi naging madali para sa 'kin mag move on mula kay DLC kasi classmate ko siya every year, pero kinaya ko naman kahit papaano. Idagdag mo pang umaakto siya na para bang hindi ako nag-eexist, kaya natutunan ko rin na umakto na hindi rin siya nag-eexist.
Ang daming nangyari noong naging third year kami. Well, hindi sa 'kin kun'di kay Fletcher. Boring lang iyong buhay ko nung third year kasi todo aral lang iyong ginawa ko. Samantala, si Fletcher naman, nagkaroon na ng love life.
At syempre, sino pa ba iyong first girlfriend niya?
Si Zylia.
Hindi ko alam paano naging sila kasi ayoko ring makialam sa love life ni Fletcher. Hindi naman ako pumasok ng law school para makichismis sa buhay ng iba kun'di para mag-aral at maging abogado.
And I want to keep it that way.
Pero itong is Fletcher, ang hilig din kasi mag-kwento. Sinabi niya sa 'king secret lang iyong relationship nila ni Zylia dahil ayaw ni Fletcher na i-judge ng mga tao si Zylia sa pagkakaroon ng bagong boyfriend agad kung kakabreak lang nito mula sa dati nitong boyfriend.
Sweet ni Fletcher ano?
May pagkatanga lang nga minsan.
He made me promise not to tell anyone about their relationship. Parang tanga nga eh. Sino namang ibang sasabihan ko eh wala naman akong ibang mga kaibigan dito maliban sa kanila. Sina Lensha at Nerwis, hindi ko naman ka-close dahil mga kaibigan iyon ni DLC.
"Putangina, sumasakit na ulo ko. Ang hirap maging graduating student," angal ni Fletcher.
I snickered. "Pasalamat ka nga at umabot ka pa nang fourth year. Minsan pa naman, sinasapian ka ng katamaran."
May isang beses kasi, pumasok si Fletcher nang hindi nag-aaral para sa quiz, eh malaki iyong hatak nun sa grades namin. Muntik na siyang bumagsak sa subject na iyon, mabuti nalang talaga at bumawi siya sa recit at ibang mga activities.
"Matutulog muna ako, pakigising nalang after five minutes," sabi ni Fletcher bago siya nagpakahalumbaba sa mesa.
"Bahala ka," sabi ko. "Iyong five minutes mo na 'yan, pang memorize mo na sana ng tatlong provision."
Paano, laging napupuyat dahil ka-late night video call iyong girlfriend niya.
Okay sana kung nag-aaral siya pero hindi eh. Iba iyong ginagawa nila sa tawag nila. Nalaman ko lang iyon nung isang beses, hiniram ko iyong phone ni Fletcher pang picture sa provisions tapos isesend ko nalang sana sa account ko since lowbat iyong phone ko no'n. Nasobrahan ako sa pag-scroll no'n, tapos sumalubong sa 'kin ang isang screenshot nilang magkavideo call na nag. . .
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...