Chapter 37

12.5K 301 29
                                    

Chapter 37


"Baby, take deep breaths." Sabi ni Hubby habang nakahawak sa balikat ko. Mariin siyang nakatitig sa 'kin habang pinipigilan ko naman iyong pag-iyak ko.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng ER. Nung papunta palang kami dito, tuloy-tuloy lang iyong iyak ko. Hindi naman ako magawang patahanin ng maayos ni Hubby kasi nagdadrive siya tapos ayoko namang tumigil siya para lang aluhin ako. 

Dalawang oras na mula no'n kaya kumalma na ako ng kaunti. Iyon nga lang, biglang dumating si Mama galing sa chapel. Pansin ko iyong pagmumugto ng mga mata niya bigla nanaman akong naiyak. Umalis ulit siya para pumuntang CR kaya kaming dalawa lang ngayon ni Hubby ang magkasama. 

"P-paano kung―"

He immediately wrapped me in his embrace. "Shh. Your brother's going to be fine."

Hindi na ako umimik. I nuzzled my face against his chest and choked back a sob.

Tama siya.

Kuya will be fine.

Malakas si Kuya.

Hindi siya pwedeng mawala.

Isa pa, hindi niya pa nga ginagawa iyong pustahan naming aahitin niya iyong kilay niya pag naging kami ni Hubby.

Makalipas ang ilang oras, pinayagan na kaming pumasok sa kwarto kung saan naka-confine si Kuya. Si Hubby tsaka iyong nililigawan ni Kuya, nanatili lang sa labas since immediate family lang ang pinayagang pumasok.

Muli namang bumuhos ang luha ko nang makita ang kung anu-anong nakadikit na aparatus sa katawan ni Kuya.

"Asrihell, sino ang walang hiya na gumawa nito sa'yo?" pagdadamalhati ni Mama. Kaagad ko siyang dinaluhan dahil muntik na siyang lumagpak sa sahig. Pinigilan ko naman ang luha ko dahil kailangan may isa sa 'min ni Mama na maging malakas para kay Kuya. Ayaw ko namang pag gising niya ay makikita niya kami ni Mama na umiiyak na para bang namatay na siya.

Hindi pa siya mamamatay.

Ika nga nila, matagal mamatay ang masasamang mga damo.

Kinausap ng doktor si Mama habang tahimik lang ako na nakikinig sa tabi. Bahagyang lumilipad iyong utak ko sa sinabi sa'min ng nurse kanina.

Hit and run.

Saktong walang CCTV sa area na iyon kaya hindi nakuhaan ang kotseng tumama sa kotseng sinasakyan ni Kuya. Wala rin daw witnesses kaya hindi rin alam ang buong pangyayari. Basta may tumawag daw sa kanila na passerby at sinabing nagkaroon ng aksidente sa area na iyon. Pag-dating ng ambulansya doon, naabutan nalang nila si Kuya na naghihingalo na sa kotse nito. Kung nahuli lang sa pagtawag ng ambulansya, paniguradong wala na daw si Kuya.

I shut my eyes close and clenched my fists.

Tarantado iyong gumawa nito kay Kuya.

Sisiguraduhin kong magbabayad iyong gagong iyon.


Isang linggo na ang nagdaan at laking pasasalamat namin na nagising na si Kuya. Sobrang nanghihina ito kaya todo assist naman kami ni Mama. Pati iyong dapat gagawin ng mga nurse, kami na iyong gumawa. Balak na ata namin palitan iyong nurse ni Kuya dito.

"Kuya, ahhh," I said, placing the spoon across his mouth. He wrinkled his nose but nevertheless complied.

"Para sabihin sa'yo Heaven, naaksidente lang ako, hindi ako nawalan ng mga kamay," sarkastiko niyang tugon habang ngumunguya.

Pinandilatan ko naman siya. "Shh. Quiet!"

He rolled his eyes.

Bumukas ang pinto at pumasok na si Mama kasama si Ate Perseph, iyong nililigawan ni Kuya.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon