AN: Feeling galante kaya second update for today. Please make sure to read chap 15 before this! Enjoy reading!
Chapter 16
"Oh?" Walang interes kong tugon dito.
Pristine arched an eyebrow. "Huwag mo akong tarayan."
"Ano ba kasi ang kailangan mo?" Naiinis kong tanong.
Napasimangot naman siya. "Wala akong kailangan sa'yo pero si Atty. Mejia meron."
"Ano daw ang―" nainis naman ako nang bigla niya akong talikuran at iwan.
Kita mo 'yang ugali na 'yan? Sinong hindi maiinis d'yan?
Napairap nalang ako sa hangin at dumiretso sa office at hinanap ang cubicle ni Atty. Mejia. May klinaro lang siya tungkol sa isang submission ko at matapos no'n ay umalis na ako. Napansin kong halos thirty minutes rin pala kaming nag-usap.
Napabuntong hininga naman ako pag-labas ng faculty office. Pakiramdam ko ay naubos ang brain cells ko sa pakikipag-usap kay Atty. Englishero kasi iyon tapos sobrang formal mag-salita kahit kaswal na bagay lang naman ang pinag-uusapan. Ang hirap tuloy makipag-sabayan.
"Hey,"
I jumped in surprise. Napalingon ako at natigilan nang makita ang isang tao na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. Umayos na siya ng tayo at lumapit bago tumigil sa harap ko.
"Hubby?" nagtataka kong tanong.
"You done?" he asked casually.
"Ha?"
He gestured to the office before glancing at his watch. "Took you 38 minutes. I'm guessing whatever you did is now done."
My lips parted. "Kanina ka pa dito?"
He didn't answer.
"Hub," I said. "Kanina ka pa dito?"
He shrugged but still didn't answer.
"Why?" kunot-noo kong tanong but I still didn't get any answer. "Did you wait for me?" I continued.
Umiwas siya ng tingin. "No."
"E'di ba't alam mong 38 minutes akong nasa loob?"
"You ask too many questions," pagsusungit niya.
Grabe naman 'to. Nag-tatanong lang! Sungit!
"May gagawin ka ba sa loob? Mauuna na ako―"
"Let's go," pagpuputol niya sa sinasabi ko.
Akala ko ay wala na akong igugulat sa araw na ito, pero mukhang nagkakamali ako. Halos himatayin ako nang bigla niyang kunin iyong bag ko at siya na mismo ang nagbuhat no'n, not minding that it was pink. Ang out-of-place ng bag ko sa kanya.
Sobrang seryoso ng hitsura niya habang hawak sa kabilang kamay iyong LV niyang clutch bag habang nakasabit naman sa balikat niya iyong bag ko na ang tingkad ng pagka-pink.
Pwede na ata akong mamatay sa kilig!
"Saan tayo pupunta, hub?" tanong ko habang nakatingala sa kanya. Ang tangkad niya kasi.
"Home," tipid niyang sagot.
Napatango naman ako. "Ahh. Home―teka home niyo?!"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. I winced in pain when he flicked his finger on my forehead.
"Your condo, stupid." He said.
Grabe, maka-stupid naman 'to! I graduated Magna Cum Laude kaya!
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...