Chapter 32

13.4K 513 120
                                    

Chapter 32


"Manong itigil mo!" Sigaw ko. Nakita kong sinamaan pa ako ng tingin ng ibang mga pasahero dahil sa lakas ng sigaw ko pero wala akong pakialam.

Malalate na ako!

Halos hindi pa tuluyang natitigil ni Manong driver iyong jeep pero agad na akong bumaba. Muntik pa nga akong sumubsob sa lupa nang bigla itong humarurot palayo. Kung may time lang ako, hinabol ko 'yon. Pero wala akong time.

Inabutan na kasi ako ng gabi doon sa'min kaya pinilit ako nila Mama na doon nalang matulog. Ang nangyari nga lang, nakalimutan kong mas malayo iyong bahay namin mula sa school kaya hindi sapat iyong aga ng gising ko. 

Hindi na nga ako nakapag-ayos. Buti nalang talaga at may spare uniform ako doon sa 'min kun'di nalintikan na.

Sumulyap ako sa orasan sa cellphone ko at napansing dalawang minuto nalang bago mag-time. Todo takbo naman ako na parang kasali ako sa Fun Run. Dire-diretso lang ako kahit pa may iilan akong nababangga na mga estudyante.

Halos mapasigaw ako sa sobrang tuwa nang matanaw ko iyong prof namin na papasok palang ng classroom. Halos kasunod niya lang akong pumasok kaya napatingin pa tuloy sa 'kin iyong mga kaklase ko.

Nakakahiya. Paniguradong mukha akong haggard.

Hindi ko nalang iyon ininda. Dumiretso ako sa pwesto ko at pasimpleng inayos ang buhok kong nagulo dahil sa pag-commute at pag-takbo ko.

"Mukha kang dinaanan ng sampung kabayo," komento ni Fletcher.

I rolled my eyes.

Epal.

"Ikaw mukhang dinaanan ng sampung elepante," ganti ko naman sa kanya.

Pinaypayan ko iyong sarili ko gamit ang kamay ko. Malamig naman sa classroom pero kapapasok ko palang kasi tapos pawis na pawis pa ako. Mabuti nalang talaga at maganda ako.

Tinali ko nalang muna iyong buhok ko dahil sobrang pinagpapawisan talaga ako. Napansin kong napatingin sa 'kin si Fletcher kaya tinaasan ko siya ng kilay. Gumanti lang siya ng isang ngisi.

Weirdo.

"Binabakuran amputa," rinig kong mahina niyang bulong sa sarili bago napatawa. Hindi ko nalang siya pinansin. Nanahimik rin naman siya nang magsimula na ang klase.

After class, nagulat ako nang dali-dali akong hinila ni Fletcher palabas ng classroom. Halos kaladkarin niya na nga ako para lang makalayo kami mula roon.

"Hoy Fletch saan mo ako dadalhin? At bakit mo ba ako hinihila?" Inis kong reklamo dito.

Tumawa naman siya. "May ginagantihan lang ako sa pag-sapak niya sa 'kin."

"Huh?"

"Wala," wika niya bago muling tumawa.

Nababaliw na talaga 'tong isang 'to.

We finally stopped when we were outside the university premises. I crossed my arms against my chest.

"Bakit mo ako dinala dito?" I asked with a frown on my face. "And don't answer me in gibberish."

A smile formed on his lips. "Kakain tayo sa labas. Papunta narin dito si Zy."

"E 'di bakit mo pa ako hinila? Kaya ko namang mag-lakad mag-isa," singhal ko dito.

"Wala lang," nakangisi niyang wika. 

Napairap naman ako.

Buang talaga.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon