Chapter 26
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong nag-vavibrate iyong lamesa kung saan nakapatong iyong braso ko. Napakurap ako ng ilang beses bago humikab.
"Sorry, that was my phone."
Agad akong natigilan.
Iyong boses na 'yon...
Napaharap ako sa tabi ko at agad na nanlaki iyong mata ko nang maaninang ko kung sino ang katabi ko.
"DLC?"
"Hey," he said, briefly glancing at me before returning his attention to what he was doing. "Go back to sleep."
Sleep?
Biglang namilog iyong mga mata ko nang maalala ko iyong mga pangyayari bago ako makatulog.
Shit!
Masyado atang napahaba iyong tulog ko! Nakalimutan ko ngayon ko pala ipapasa iyong digests!
Kukunin ko na sana iyong ballpen ko kaso natigilan ako nang mapansin kong nawawala iyong yellow pad ko. Nilingon ko si DLC para tanungin sana kung nakita niya kung saan napunta iyong mga papel ko nang matigilan ako.
Hawak niya iyong ballpen ko. Na sa kanya rin iyong papel ko.
Awtomatikong napaawang iyong labi ko nang mapagtanto ko iyong ginagawa niya.
Sinusulat niya iyong digests ko.
"Bakit... bakit mo ginagawa iyong digests ko?" Naguguluhan kong tanong dito.
"I heard these were due tonight," he said, his eyes fixed on the paper. "Atty will be leaving soon. You fell asleep."
"Pero.. bakit ikaw iyong gumagawa?"
Hindi siya sumagot.
Sinilip ko iyong orasan at napansing halos tatlong oras din akong nakatulog. Napamura naman ako ng mahina. Ibig sabihin ba... halos tatlong oras narin niyang ginagawa iyong digests ko? Assuming that he came when I fell asleep.
He stacked my papers. "Done," he said.
"Pero iyong sulat ko―"
"Don't worry," he cut me off. "I practiced your handwriting first."
Pinakita niya sa 'kin iyong papel na sinulat niya at iyong papel na sinulat ko. Napa awang naman iyong labi ko nang mapansin kong kaparehas nga. Kung hindi mo titignan ng maigi, siguro aakalain mong isang tao lang talaga iyong nag-sulat.
I raised my eyes to look at him. "Why?"
He stared at me with a serious look on his face. His eyes held the same intensity.
"Why are you doing this?" I added, looking at him with confusion.
"Because it's you," he replied.
"W-what?"
"Because I'm doing it for Heaven Amora Veneracion."
Pagkatapos kong ipasa iyong digests kay Atty, lumabas na ako ng office. Sobrang sakto nga dahil paalis palang si Atty. Kung hindi dahil kay DLC, paniguradong hindi na ako aabot.
"He's still there?" Tanong ni DLC na naghihintay sa 'kin sa labas ng office.
I nodded. "Just in time."
"That's good," he muttered, putting his hands in his pockets.
I gave him a small smile. "Thank you. Kung hindi dahil sa'yo, paniguradong hindi ko mapapasa iyong digests."
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...