Chapter 19

14.1K 433 157
                                    

Chapter 19


"Sino iyong bubunot? Ako na ba o ikaw?" Tanong ko kay Primo.

"Kahit sino," sagot niya.

"So sino nga? Ako nalang?"

"Pwede naman."

"O ikaw nalang?" Pagpapatuloy ko.

Napangiti naman siya bago umiling. "Sige, ako nalang."

Tumango nalang ako. "Okay."

May activity kasi kami ngayon sa klase. Mag-aacting kami ng case pero by partner. Kung sino iyong katabi mo, siya iyong magiging partner mo. Dahil Velasquez si Primo at ako naman ay Veneracion, magkatabi kami.

Naka-arrange kasi kami by surname sa klase na ito. Sa ibang mga klase naman, pwede kaming umupo kung saan namin gusto.

Tinawag na ni Atty iyong mga bubunot sa harap. May hawak kasing maliit na kahon si Atty tapos nakalagay doon iyong iba't ibang mga cases.

Sana madali lang iyong case na ibibigay sa amin.

Nakatingin lang ako kay Primo habang bumubunot siya. Hinintay ko siyang tignan iyong papel pero imbis na gawin iyon ay dumiretso siya sa pwesto namin para sabay naming tignan.

"Yes!" Sabay naming sinabi nung nakita namin kung ano'ng case iyon. Nagkatinginan pa kami bago tumawa.

"Ano case niyo?" Tanong ni Maximo na malapit lang sa 'min.

Primo grinned. "Chi Ming Tsoi bro."

Natawa si Maximo. "Swerte."

Swerte talaga. Alam na kasi naming lahat kung anong case iyon. Samantalang iyong iba, kailangan pa nilang basahin nang mabilisan iyong case na nabunot nila dahil hindi naman iyon kasing kilala nung case na nabunot namin. Ayos lang sana iyon, kaso 30 minutes lang iyong binigay saamin na time ni Atty para mag-prepare kaya kailangan talaga magmadali.

5 minutes lang iyong presentation per partner kaya hindi na kami mahihirapan ni Primo.

"May ideya ako," sabi ni Primo. "Gusto mo ikaw nalang si Chi Ming Tsoi?"

Napangiti naman ako ng malaki. "Sige ba."

Ngumiti din siya pabalik.


"Next, Velasquez and Veneracion."

Tumayo na kami ni Primo at dumiretso sa harap. Nakita ko pa nga iyong mapang-asar na ngiti ni Nerwis nung napasulyap ako sa pwesto niya.

"Case?" tanong ni Atty.

I smiled. "Chi Ming Tsoi v. CA and Gina Tsoi po."

Atty nodded. "Okay, you may start."

"Before we start, let me ask all of you. Does size matter?" I asked, staring at the class.

Kanya-kanyang sagot naman iyong mga kaklase namin.

"Yes! The bigger, the better!"

"Performance is more important than size!"

"Eh paano iyon, magaling nga mag-perform, wala ka namang maramdaman?"

Natawa nalang ako bago umiling. "Thank you for all of your input. We'll now be starting with our presentation."

"Exhibit A," Primo said.

Umakto kaming parang bagong kasal lang.

"I'm so happy, honey! We're finally married!" He said in a high-pitched voice, imitating the voice of a female since iyong character niya is si Gina Tsoi.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon