Chapter 6
"Nag-sawa ka na ba kakabigay ng ready-made na pagkain at talagang nag-dala ka ng live? Ano 'to dampa?" Nakangiwing salubong saakin ni Fletcher nang makita ang hawak kong maliit na fish aquarium.
I frowned. "Hindi ko iaalay bilang pagkain si Shabu."
His forehead creased. "Ano?"
Tinuro ko iyong maliit na tetra fish na lumalangoy sa dala kong fish aquarium. "Ibibigay ko si Shabu as a pet; hindi bilang pagkain."
The crease remained on his forehead. "No, I mean. Pinangalan mo iyong isda ng Shabu?"
I stared at him before nodding. "Yeah, why?"
Napakurap siya.
"Seriously?"
I nodded. "Seriously."
He opened his mouth to speak but no words came out. Tinikom niya nalang ang kanyang bibig bago umiling. Narinig ko pa iyong mahina niyang pagbulong ng 'baliw' nang maglakad siya palayo.
Handa na sana akong awayin si Fletcher nang makita ko si DLC. Umaliwalas ang mukha ko at dali-dali ko siyang nilapitan. I stood in front of him, forcing him to halt in his tracks.
"Hi DLC!" I beamed.
"What?"
Inangat ko ang hawak kong fish aquarium at tinapat iyon sa kanyang mukha. Kita ko ang pagkakunot ng kanyang noo mula sa kabilang side ng aquarium. Muntik pa nga akong matawa dahil lumaki iyong mukha niya; nagmukhang disoriented, pero pogi parin naman siya so okay lang.
"What... is that?"
"Fish," I answered. "Ano ba 'yan. Ang tali-talino mo pero simpleng isda lang hindi mo alam."
He frowned bago niya hinawakan iyong braso ko para bahagyang ibaba iyong aquarium. Kinilig naman ako kasi first time akong hawakan ni DLC. Kahit saglit lang iyon, parang nakuryente iyong buong katawan ko. Kung wala lang siya dito baka nag convulse na ako na parang tanga.
"I know what a fish is," pagsusungit niya. "What I meant was, why are you showing that to me?"
"Palusot ka pa. Magkaiba kaya iyong meaning ng 'what is that' sa 'why are you showing that to me'."
He scowled. Hahakbang na sana siya palayo nang pigilan ko siya. Syempre libreng tsansing kaya hinawakan ko na iyong kamay niya. Isang kamay nga lang iyong gamit ko dahil 'yung isa ay may hawak na aquarium.
"Joke lang naman," I pouted. "Para sa'yo 'to." I smiled and handed the aquarium to him.
"No thanks."
"Hindi pwedeng no thanks! Pinakita ko na 'yung picture mo kagabi sa kanya, ang sabi ko ikaw 'yong daddy tapos ako 'yong mommy. Kung hindi mo siya tinanggap, kawawa siya because he will grow up with a broken family. Ipagkakait mo ba sa inosenteng isda na 'to ang isang masayang pamilya dahil ayaw mo siyang tanggapin? Kung ganun, wala kang kwentang ama."
He frowned. "It's a fish."
"Just because it's a fish doesn't mean it can't feel!"
"It really can't feel."
"How dare you say that in front of him! Una, ayaw mo siyang tanggapin. Tapos ngayon, mas pinangungunahan mo iyong nararamdaman niya? Animals have feelings too!"
Mukhang naiistress na si DLC saakin. Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha bago ako binalingan ng tingin. His face was blank but his eyes held irritation. His lips were set into a firm line. He shut his eyes close.
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...