AN: I intend to finish this story before September ends, so expect frequent updates. Thank you for supporting me and enjoy reading! <3
Chapter 9
"Heaven.."
"Hmm?" I asked, my eyes fixed on my notebook. Nagsusulat kasi ako ng notes para mas madali kong maintindihan iyong ibang mga provisions para sa quiz mamaya.
"May nangyari ba sainyo ni DLC?"
I lifted my head and turned to look at Fletcher. "What do you mean?"
"Well," he said, looking a bit weirded out. "Kanina kasi napalingon ako sa direksyon ni DLC tapos napansin kong nakatingin siya sa'yo. Akala ko coincidence lang so hindi ko pinansin. Tapos pang-apat na lingon ko na pero nakatingin parin siya sa'yo."
Kinikilig man, hindi ko iyon pinahalata. "Weh?"
"Oo nga," he said. "Lingunin mo pa."
At dahil isa akong masunurin na bata, nilingon ko nga. Napasimangot naman ako nang makita kong nakatingin naman si DLC sa codal niya. Binalik ko iyong tingin ko kay Fletcher.
"Sinungaling ka talaga," I said, shaking my head in disappointment.
"Ha?" Napalingon siya sa direksyon ni DLC bago binalik iyong tingin saakin. "Nakatingin ulit siya!"
"Che. Huwag ka nga."
"Totoo nga!"
Nilingon ko ulit si DLC at tulad kanina, nasa codal naman ang kanyang atensyon.
"Liar," sabi ko kay Fletcher.
Mukha naman siyang nainis. "Kasi naman, tuwing tumitingin ka, binabalik niya iyong tingin niya sa codal niya."
Napasimangot naman ako. "So kasalanan ko pa?"
"Hindi kasi," frustrated niyang sinabi. Biglang umaliwalas iyong mukha niya na para bang may naisip siyang magandang ideya. "Ganito ah, pag sinabi kong lumingon ka, lumingon ka."
"Anong pinaplano mo?" I asked him, suddenly weirded out by his sly grin.
"Basta," sabi niya. "Kahit anong gawin ko, huwag kang gagalaw."
"Okay? Ano ba―" Awtomatikong namilog iyong mga mata ko nang mapansin kong palapit saakin iyong mukha ni Fletcher. Lalayo na sana ako nang hawakan niya iyong likod ng ulo ko, keeping it in place. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin saakin. "Fletch―"
"Now," he said, but I didn't move. "Ngayon na. Lingon, Heaven."
And so I did.
I turned to look at DLC and immediately locked eyes with him. Nakakunot ang kanyang noo na parang may bagay na bumabagabag sakanya. Nang mapagtantong nakatingin ako sa kanya, bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata bago siya umiwas ng tingin.
"See? I told you," Fletcher said, snapping me out of my reverie. Binalik ko iyong tingin ko sa kanya at napansing nakangisi ulit siya ng mapaglaro.
Agad ko naman siyang hinampas. "Gago ka ba? Paano kung nahalikan mo ako?"
He shrugged. "E'di swerte ka."
"Wow, ako pa talaga ang swerte?"
He grinned. "Syempre."
Napairap naman ako.
Bigla kong naramdaman ang pag-vivibrate ng phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ko. My eyebrows raised in surprise when I saw the notification. Napatingin ako sa direksyon ni DLC at napansin na seryoso lang ang kanyang hitsura bago tinuro iyong phone niya.
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...