Chapter 36
Unknown number:
Hi, Heaven. This is Eleanor, Alessandro's mother. If it's okay with you, I'd like to meet with you later to talk about an important matter.
Hindi ko man alam ang gustong pag-usapan ng Mama ni Hubby, kinakabahan parin ako. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda. Pero siguro paranoid lang talaga ako dahil nung una naming pagkikita, para bang hilaw iyong mga ngiti na pinapakita niya.
Tama.
Siguro nga paranoia lang ito.
I replied asking where and what time. Wala pang isang minuto nang mag-reply siya kaagad, as if inaasahan niya iyong magiging tanong ko.
Nagpaalam ako kay Mama na aalis muna. Hindi na ako sa condo tumutuloy since matagal na akong graduate. Si Kuya naman, nag-move out na dahil bumili na siya ng sarili niyang titirahan.
Mabuti naman.
Tanda-tanda na pero nakikitira parin sa bahay ni Mama eh. Balita ko rin ay may nililigawan iyon ngayon. Kawawa naman iyong babae kung sinagot niya si Kuya.
Nang marating ko ang address na tinext ni Mrs. de la Cerda, napahinga ako ng malalim.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanlalamig rin iyong mga kamay ko sa hindi malamang dahilan. Tinatagan ko iyong loob ko.
I entered the coffee shop and roamed my eyes around.
"Ms. Heaven Veneracion?"
I jumped in surprise when I heard a voice. Napalingon ako at agad na napatingala nang mapansing sobrang tangkad nito. Tantsa ko ay mga 6 footer and above ito. Mukha siyang nasa kanyang mid 30s na. Seryoso lang ang hitsura nito habang inaabangan iyong magiging sagot ko.
I cleared my throat before slowly nodding. "Ako nga."
He nodded. "Mrs. de la Cerda is waiting for you," sabi niya bago umalis. Napalunok naman ako at napasign of the cross bago sumunod sa kanya.
Tumigil na siya sa paglalakad kaya nalipat iyong atensyon ko sa isang babae na nakaupo sa tabi ng glass window ng coffee shop. Nakasuot ito ng aviator shades habang pinagmamasdan ang labas.
"You're here," wika niya nang hindi inaalis ang tingin sa salamin.
"U-uh. H-hello po―" I was about to approach her to kiss her cheeks when she cut me off
"No need," she said. Inalis niya iyong suot niyang shades bago pinasok iyon sa bag niya. Napako naman ako sa kinatatayuan ko nang salubungin ako ng mariin niyang tingin.
Sumenyas iyong lalaking nag-hatid sa 'kin na maupo ako kaya naman wala akong nagawa kun'di umupo. He left shortly. Mukhang bodyguard iyon ni Mrs. de la Cerda.
"I'll cut to the chase," agad na sabi ni Mrs. de la Cerda. "I don't like you for my son."
Ouch.
"You're too..." pinasadahan niya ako ng tingin mula mukha hanggang paa. She returned her eyes to me. "Average."
I didn't answer.
I didn't know what to answer.
"Remember Aquisha? She was supposed to be my son's fiancé but he rejected her because of you," the final word rolled from her tongue like it was a curse. She looked disgusted with the thought of her son choosing me over Aquisha.
I bit my tongue to prevent myself from saying something I would regret.
Her eyes glazed over me. "I'm not going to ask you to break up with my son," napakurap ako sa sinabi niya, but she wasn't done yet. "I'll just wait for you to do it on your own."
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...