Chapter 15
"Hubby."
"From DLC to hubby real quick," komento ni Nerwis bago bumunghalit ng tawa. Valencianne gave him an annoyed look but he only replied with a smirk followed by a wink, causing her to roll her eyes.
Hindi ko nalang siya pinansin. Sanay na ako sa pasingit-singit na mga komento ni Nerwis kaya hindi ko alam bakit hindi parin sanay si Valencianne kung mas matagal naman na silang magkakilala.
"Hubby," pag-uulit ko bago nilingon si DLC. "May assignment ka sa Legwri?"
"Yes," tipid niyang sagot.
"Pakopya," I said, giving him a doe-eyed look.
He shook his head.
Inaasahan ko na iyong sagot niyang iyon. Tuwing sinasabi kong kokopyahan ko siya, never talaga siyang pumayag. Sa totoo lang ay may assignment naman talaga ako, kunwari lang ay wala para may rason ako para lalong kulitin si DLC.
"Pretty please?" Pagpupumilit ko, pursing my lips.
He sighed. "Get your yellow pad."
My forehead creased. "Huh?"
"I won't let you copy my work but I'll help you do yours."
Eh?
Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kanya. Iniisip ko kung nananaginip lang ba ako o ano. Pasimple ko parang kinurot iyong braso ko at naramdaman ko naman iyong sakit.
Hindi ako nananaginip!
Totoong nag-offer si DLC na tulungan ako sa homework ko!
Ano'ng nangyayari?
I leaned forward and placed my hand on his forehead, trying to check his temperature.
"Okay ka naman, hindi ka naman mainit.." I absentmindedly muttered.
His eyebrows furrowed. "What are you doing?"
Umayos ulit ako ng upo at kunot-noo siyang tinignan. "Ikaw ba talaga ang hubby ko?" I asked before crossing my arms against my chest.
"What?" he asked, still confused.
"Never kang nag-offer na tulungan ako sa homeworks ko," sagot ko sa kanya.
"What?" he reiterated, now looking offended.
"Naninibago lang ako," sagot ko. "Parang bumabait ka kasi."
Narinig ko ang pagpigil ni Nerwis ng kanyang tawa. Napalingon ako sa kanya at saktong nakita ang pag-hampas sa kanya ni Valencianne sa braso.
"Shut up," Valencianne whispered.
"D'yan nag-simula iyong lolo at lola ko eh," sabi ni Nerwis. Hindi ko lang sigurado kung sino ang kausap niya kasi iyong atensyon niya ay nasa codal na binabasa niya. Nabaliw na ata.
"Heaven," bumalik iyong tingin ko kay DLC nang tawagin niya ako. "Paper?"
A smile curved on my lips. "Joke lang iyon Hubby, meron na talaga akong homework."
Kumunot iyong noo niya. "Then why...?"
"Nagpapapansin lang 'yan sa'yo," singit ni Nerwis.
Tumpak ka Nerwis, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na kita gustong sakalin. Hilig manlaglag ng isang 'to eh. Buti nalang at wala si Fletcher dito dahil paniguradong pagtutulungan nanaman nila akong dalawa ni Nerwis.
Napasimangot ako bago inirapan si Nerwis. Napalingon ako kay DLC at biglang natigilan. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang nakita ko ang pagkurba ng isang maliit na ngiti sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...