Chapter 38

12.8K 283 30
                                    

Chapter 38


"Sabi ko nga sa'yo, nautusan lang nga ako. Nakita ko lang iyong pera sa isang envelope tapos may sulat doon na nagsasabing banggain ko raw iyong kotseng may plakang gano'n," sabi nung lalaking mukhang nasa kanyang mid-late 40s.

"Bakit mo sinundan kung gano'n?" Seryosong tanong ng pulis. "Hindi mo ba naisip na maaari kang makulong sa ginawa mo?"

"May sakit nga iyong bunso ko. Iyong panganay ko naman, nawawala parin hanggang ngayon. Iyong pangalawa ko, nag-aaral kaya kailangan kong bayaran iyong tuition niya. Hindi ko na naisip iyong posibleng mangyayari sa 'kin dahil inuna ko muna iyong pamilya ko."

"Pero hindi mo ba naisip na iyong ginawa mo, maaaring makapatay ng isang inosenteng indibidwal?"

Hindi nakasagot iyong lalaki.

I pressed my lips into a thin line. Kumuyom rin iyong kamay ko. Naramdaman ko naman ang pagbalot ni Hubby ng kamay niya sa kamao ko. 

Nasa kabilang panig kami ng isang two-way mirror habang iniinterview ng isang pulis iyong lalaking bumangga kay Kuya. Hanggang ngayon, hindi niya parin sinasabi kung sino iyong nag-utos sa kanya na gawin iyon sa Kuya ko.

The police leaned against his chair. "Balik tayo sa nang-utos sa'yo. Sinabi mong hindi mo kilala kung sino iyon 'di ba? Wala ka bang napansing kakaiba sa sulat? May pangalan ba ito? O kaya maaaring palatandaan?"

Napaisip naman iyong lalaki. "Pinagmasdan ko iyong paligid no'n para malaman kung sino iyong nag-lagay noon. Parang naalala kong may nakita akong taong naka-itim na damit."

"Naaalala mo ba iyong hitsura ng lalaki? Maaari mo bang i-describe para sa 'min?" sabi ng pulis habang sinesenyasan iyong kasama niyang pulis sa loob. Naglabas naman ng isang sketchpad iyong huli.

Umiling iyong lalaki. "Hindi eh. Masyado kasing malayo tapos gabi narin no'n. Pero napansin ko na sobrang tangkad niya. Siguro mga 6'5? Ganoon."

Sobrang tangkad?

6'5?

Hindi kaya...

Muling nagpatuloy sa pag-uusap iyong pulis at lalaki pero hindi ko na nagawang makinig dahil sa bagay na bumabagabag sa isip ko.

Posible kayang siya iyong nag-utos?


"Hey, you okay?" nag-aalalang tanong ni Hubby paglabas namin ng police station. I forced out a smile before nodding in order to pacify him. He looked unsatisfied though. "Do you want to go home?"

I shook my head.

"Do you want to go to my condo?" he asked.

I nodded.

"Alright," he said. Hinawakan niya iyong kamay ko at iginiya na ako papasok ng sasakyan niya. Habang nag-dadrive siya ay hawak niya iyong manibela sa kaliwang kamay tapos hawak niya naman iyong kamay ko sa kanan niyang kamay. Paminsan-minsan ay bumibitaw siya para palitan iyong gear o pag liliko pero pagkatapos ay ibabalik niya naman ito sa kamay ko.

We were silent the whole ride but the silence wasn't awkward; it was comforting in some way.

Pag-dating namin sa unit niya, agad niyang inayos iyong panonoorin namin sa Netflix at siya narin ang nag-handa ng snacks namin. Usually ay ako ang gumagawa ng huli pero sabi niya ay magpahinga nalang daw muna ako at siya na ang bahala sa lahat. 

Nang mahanda ang lahat ay nakaupo na kami sa sofa. Nakasandal siya sa sofa habang ako naman ay nakayakap sa kanya, iyong ulo ko ay nakasandal sa dibdib niya.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon