Chapter 24

13.4K 344 21
                                    

Chapter 24


It has been three days since the party; three days since DLC and I did it. Hindi pa kami nagkikita o nag-uusap matapos iyong pangyayaring iyon dahil weekend naman.

He never sent me a message and I didn't bother sending him too. 

Ayoko kasing mangulit ulit dahil lang ginawa namin iyon. Malay ko bang lasing lang talaga siya nung gabing iyon kaya nagawa niyang gawin iyon with me.

Isa pa, ayokong marinig mula sa kanya na pinagsisihan niya iyon. Mas masakit pa iyon kaysa sa pagtawag niya sa 'kin ng golddigger.

Nang makita kong twenty minutes nalang bago mag-simula iyong first class, agad kong inayos iyong gamit ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng elevator ng condo ko.

Ang lakas ng pintig ng puso ko.

Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang ulit makikita si DLC.

Iiba kaya iyong pag-trato niya sa'kin? O aakto parin siya na para bang hangin lang ako?

Saktong paglabas ko ng condo, biglang nag-vibrate iyong cellphone ko. My forehead creased upon seeing the caller. 

"Oh Kuya? Wala akong kinuha mula sa'yo―"

"Heaven!"

Agad akong naalarma nang marinig ang tono ng boses niya. Parang may kakaiba. Alisto siya pakinggan.

"Bakit, Kuya?" Pinilit ko iyong sarili kong maging kalmado pero ang totoo ay sobra na akong kinakabahan.

"Si Mama!"

"Ano'ng meron kay Mama, Kuya? Sabihin mo kaagad ng diretso!" I couldn't help but shout in frustration.

"Si Papa―" My body immediately stiffened. It was as if I was drenched in cold water. 

"Papunta na ako d'yan," agad kong sagot bago binaba iyong tawag.

Agad akong nag-tawag ng taxi at sumakay. Hindi na ako nag-abalang mag-jeep para makatipid dahil alam kong patigil-tigil iyon at nagmamadali ako ngayon.

Pag-dating sa bahay namin, agad akong tumakbo papasok ng bahay.

Natigilan ako nang makita ang kapaligiran.

The house was thrashed. Iyong sofa namin, maging ang lamesa, nakataob. Iyong mga upuan, sira-sira na. Iyong family portrait namin ni Mama at Kuya, basag sa sahig. Punong-puno rin ng bubog ang kapaligiran.

Nalipat ang atensyon ko sa gitna nang makarinig ako ng hikbi. Agad kong nakita si Kuya na inaalo si Mama na nakaupo sa sahig.

"Asan siya?!" Galit kong bulalas. 

Napaangat silang dalawa ng tingin. Napatayo si Kuya.

"Asan si Papa, Kuya?!"

Kuya shook his head. "Nakaalis na siya―"

"Anong nakaalis?!" I cut him off.

"Heaven," iyak ni Mama.

My lips trembled. "Ma..."

I approached her, not minding that I was already stepping on broken glass. I crouched in front of Mama and held her hands.

"Ma, ano'ng ginawa sa'yo ni Papa?" I asked, a lone tear falling from my eye. Agad ko naman iyon pinunasan.

"Ano pa ba?" Inis na singit ni Kuya. "The bastard was asking for money again."

I snapped my attention towards Mama. "Binigyan mo ba, Ma?"

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon