Chapter 18

14.5K 365 48
                                    

Chapter 18


"Ang bilis ng oras. Second year na talaga tayo!" Malaki ang ngiti ni Fletcher habang sinasabi ito. Parehas naming tinitignan iyong magiging section namin para sa school year na ito.

"Ano ba 'yan, classmates ulit tayo. Nagsasawa na ako sa mukha mo," pagbibiro ko dito nang muli kong makita iyong pangalan naming dalawa sa star section.

"Parang ako hindi nag-sasawa sa'yo ah?" Sarkastiko niyang tugon. Natawa naman ako.

My laughter immediately died when I saw someone familiar at a distance. Dali-dali akong tumalikod at nag-lakad palayo.

"Hoy Heaven! Saglit lang!" Sigaw ni Fletcher ngunit hindi ko iyon pinansin.

Paniguradong kaklase ko ulit si DLC. 

Last semester, halos magmakaawa ako sa mga santo para lang matapos agad iyong semester na iyon. Halos mabaliw na ako no'n. Hirap na hirap akong mag move on kay DLC habang kaklase ko siya. Paano kasi, imbis na mawala iyong feelings ko, parang mas nadadagdagan pa kasi tuwing natatawag siya sa recitation, laging perfect iyong pag-recite niya.

Paanong hindi ako mababaliw?!

At tulad nga ng nirequest niya sa'kin, pilit kong umiiwas sa kanya. Tuwing nagkakasalubong kami, ako na ang unang tumatalikod at naglalakad palayo. 

Alam narin ni Fletcher iyong nangyari pero paminsan-minsan ay inaatake parin siya ng pagiging salbahe niya. Isang beses, habang papasok si DLC sa classroom tapos palabas naman ako, tinulak ako ni Fletcher. Ayon, nabangga ako sa dibdib ni DLC. Sa sobrang takot ko, dali-dali akong naglakad palayo doon. Ni hindi na nga ako nakapag-sorry kay DLC.

As for Nerwis and Valencianne, nag-ngingitian lang kami tuwing nagkakasalubong pero hanggang doon nalang.

Sa sobrang pag-mamadali ko, hindi ko namalayan na may tao na pala sa harapan ko. Nabangga tuloy ako sa dibdib niya.

"Sorr―" I paused when I saw who it was.

Shit.

He gave me a glare. "Move."

Dali-dali akong tumabi at tumungo. Nang makalayo na siya, agad akong napahawak sa dibdib ko.

Nakakatakot talaga si Last―well, Elias ang pangalan niya pero naririnig kong Last iyong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

Maliban kasi sa pagiging member niya ng Phi Eridani―isang fraternity―nanggaling rin kasi siya sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.

Nakakatakot mapunta sa bad side ni Last dahil sa reputasyon niyang iyon. Isa pa, balita ko ay wala talaga siyang sinasanto.

May balita rin nga na three years ago―

"Heaven!" napalingon ako at nakita si Fletcher na humahangos. He placed his hand on my shoulder while trying to catch his breath. "Ang liit liit mong tao pero ang bilis mong mag-lakad."

"Kupad ka lang talaga," pagbibiro ko nalang kahit pa na kinakabahan parin ako dahil sa presensya ni Last kanina.

"Bakit ka ba umalis kaagad?" Tanong niya bago nagpamewang.

I gave him a look. Agad niya naman iyon nakuha.

"Tangina, iniiwasan mo parin si Sandro? Second year na tayo, huy. Move on-move on din." Fletcher said.

I glared at him. "Parang ang dali lang mag move on ah? Palibhasa never ka pang nagka girlfriend."

"Mas mabuti nga iyon. Walang stress," he said, shrugging. "No girlfriend, no stress."

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon