Chapter 27
"Bakit parang problemado ka?" tanong ko kay Fletch. Imbis kasi na mag-focus sa quiz namin mamaya ay parang alisto siya. Kanina pa siya gulo ng gulo ng buhok niya. Ginagawa niya lang naman iyon tuwing stressed siya.
"Kasi―" he paused before sighing. "This will probably sound so stupid but―"
"Sabihin mo na kasi," pagpuputol ko dito.
He sighed again. "Remember Zylia?"
"Iyong pinupuntahan mo imbis na ako―na best friend mo―ang sinasamahan mo? Yes I remember her." He rolled my eyes at my statement.
Totoo naman kasi. Simula nang dumating si Zylia, bihira nalang kami nag-kakasama si Fletcher. Lagi silang magkasama eh. Parang sila na tuloy iyong mag-best friend. Pero okay lang naman sa 'kin. At least hindi na ako masyado pinipikon ni Fletch kasi busy na siya.
"Yeah Zylia. Well.." he paused.
Napairap ako. "Spill it, Fletch."
He sighed in frustration. "Nalaman kong may boyfriend na pala siya―"
Napabunghalit ako ng tawa. Tawang-tawa ako na halos sumakit na iyong tyan ko. Nang mapatingin ako kay Fletcher, napansin ko na nakakunot iyong noo niya na para bang naiinis siya na tumatawa ako pero at the same time, napansin ko rin na may lungkot iyong mga mata niya. Agad naman akong natigilan.
I cleared my throat.
"Sorry, hindi ko alam bakit ako tumawa," seryosong sabi ko sa kanya.
He frowned. "Ang sama mo sa 'kin."
"Pero ano ba iyong nangyari? Hindi niya ba sinabi sa'yo na may boyfriend na siya?"
He shook his head. "Hindi. Hindi ko rin kasi tinanong..."
"E'di may kasalanan ka rin naman pala," I snorted.
Napasimangot siya. "Akala ko wala because she was making advances towards me."
Bigla akong napakurap. "Huh?"
"She kissed me," he said. "Twice."
My jaw dropped.
"Syempre aakalain kong wala siyang boyfriend because she initiated both kisses. Plus, she always throws flirty remarks my way," dagdag niya.
Unti-unting kumunot iyong noo ko hanggang sa mapasinghal narin ako.
"Baliw ba 'yon? Bakit ka niya lalandiin kung may boyfriend na pala siya? May saltik pala 'yon eh." Inis kong bulalas.
Alam mong may boyfriend ka pero manghahalik ka ng ibang tao? Buti sana kung single kayo pareho eh.
"Kaya nga eh pucha. Kagabi ko pa iniisip 'yon," sabi ni Fletcher. "Tangina naman kasi."
"Mahal mo na ba?" I asked.
"Ewan ko."
Napabuntong hininga ako. Malas naman nitong si Fletch. Iyong first potential girlfriend niya, may boyfriend na pala.
Mapaglaro nga naman talaga ang tadhana.
"Kayo ba ni Sandro?" Tanong niya. Halatang iniiba niya lang iyong usapan. "Madalas na kayong nagsasama nitong nakaraang mga araw ah." I shrugged. "Ha? Wala parin ba kayong label?"
"Wala naman siya sinasabi sa 'king gusto niya ako."
He snorted. "Kahit sino namang may mata makakakita na may gusto na 'yon sa'yo. Naalala mo ba iyong nilapitan ka ng isa nating lalaking kaklase? Nag-aaral nun si Sandro pero nung nakita niya iyon, tayo siya agad eh. Nilapitan ka tapos nilagay iyong braso sa bewang mo. Akala ko naman may kayo na, sagad maka-bakod e."
BINABASA MO ANG
Before I Choose (DLC Series #2)
General FictionDe la Cerda Series #2 With the prospect of gaining power, prestige, and money, Heaven Veneracion enters law school. She meets Edmund Alessandro de la Cerda and instantly falls head over heels for him. Unlucky for her, the feeling is not mutual. Hea...