Chapter 4

11K 410 216
                                    

Chapter 4


Nakapikit ako habang mahinang binubulong ang buong Article 3 ng Constitution. Tuwing napapatigil ako ng at least 5 seconds, umuulit ako sa simula. Hindi ako papayag na hindi tuloy-tuloy ang pag-banggit ko ng mga section. Kailangan maiperfect ko ito, lalo na't nag shoshow off ako kay DLC. Sobrang perfect pa naman no'n kaya dapat perfect din ako for him para bagay kami.

"Hoy,"

"Ay butiki ka!"

"Makabutiki ka naman. Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Fletcher bago umupo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa sahig sa labas ng room namin. Wala pa naman si Atty. at ayaw kong mag-memorize sa loob dahil maging sila ay nag mememorize. Hindi ako makaka-focus.

"Nag mememorize. May recitation tayo sa ConsLaw I," paalala ko sa kanya.

"Ahh. Akala ko may kinukulam ka na dyan. Kung ano-ano binubulong mo e. Muntik ko nang isipin na sa sobrang desperado mo ay kinukulam mo na si DLC para maging mutual iyong feelings niyo." Pang-aasar niya.

Napairap nalang ako at hindi siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagmememorize hanggang sa makita ko si Atty. na papalapit. Tumayo kami ni Fletcher at binati siya bago kami pumasok sa classroom.

"De la Cerda."

Muntik ng maputol ang ulo ko sa sobrang bilis ng paglingon ko. Nakatingin ako kay DLC habang kalmado lang siyang nakatayo. Lagi namang kalmado 'yan tuwing tinatawag, para bang never siyang kinabahan. Tapos tuwing sumasagot, laging tama.

'Di ba, ang perfect?

"State all sections of Article 3. Verbatim." 

Nag-simula nang mag-recite si DLC. Habang nag-rerecite siya ay sinasabayan ko siya sa utak ko hanggang sa matapos siya.

Grabe, hindi man lang siya tumigil o nag-isip. Tuloy-tuloy lang ang pag recite niya na para bang saulong-saulo niya na iyong Article 3 simula nung baby palang siya. Siguro nung pinanganak siya, imbis na 'mama' o 'papa' ang una niyang sinabi, ang sinabi niya ay 'constitution' o 'batas'.

"Veneracion."

Ako pa talaga ang kasunod ni DLC? Kikiligin na sana ako kasi parang meant to be kami dahil magkasunod, pero na-intimidate lang ako kasi masyado niyang ginalingan. Nakakahiya naman na ako ang sumunod sa kanya! Masyado na tuloy mataas ang expectation ni Atty.

I stood up. Inuulit-ulit ko ng sabihin sa utak ko ang buong Article 3 nang bigla namang magsalita si Atty.

"State the case of Perfecto v. Meer. From the facts until the Court ruling."

Fuck.

Buong week, nag-memorize lang ako ng Article 3 dahil akala ko iyon ang ipaparecite saamin ni Atty. Pinarecite niya na iyong cases saamin last week pero hindi ko inaasahan na magtatanong ulit siya ngayon. Nabasa ko naman iyong case pero medyo nakalimutan ko na.

I tried to rack my brain for the answer.

I heaved a deep breath. "In April 1947, the Collector of Internal Revenue required Mr. Justice Gregorio Perfecto to pay income tax upon his salary as member of this Court during the year 1946. After paying the amount of 802 pesos, he instituted this action in the Manila Court of First Instance contending that the assessment was illegal, his salary not being taxable for the reason that imposition of taxes thereon would reduce it in violation of the Constitution."

I continued with the issue until the ruling of the Supreme Court. Nang matapos ako ay nakahinga ako ng maluwag.

Kung alam ko lang na case ang ipaparecite saakin, sana nakapagbasa ulit ako. Mas naging maganda siguro ang sagot ko kung nagkataon.

Before I Choose (DLC Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon