Chapter 4

2.1K 60 12
                                    

Chapter 4

"So... how's your business? I heard na mas lalo daw tumaas ang ratings niyo. Congrats!"

Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila habang ako naman ay nagce-cellphone dahil nagtext si Aya sa'kin. Ayaw ko rin namang makisali sa usapan nila.

Aya:

Update ko po kayo kay Arrison, ate. Kakatapos ko lang siyang pakainin at nandon siya sa sala habang nag-a-ipad tapos kumakain ng junkfoods. Okey lang ba sa kan'ya 'yong junkfoods, ate?

Agad akong nagtipa ng reply kay Aya. They're busy for their topic about business kaya hinayaan ko nalang sila.

Me:

Yeah. 'Wag lang masyadong marami. Kung matatagalan ako mamaya ay gulay ang ipakain mo sa kan'ya. Kung ayaw niya, sabihin mo na hindi ako uuwi kapag hindi siya kakain ng gulay.

"Here's your foods, Ma'am, Sir."

Napaayos ako ng upo nung marinig ko ang waiter. Hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking nasa harap ko na ramdam ko pa ang titig niya sa'kin mula kanina. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya at binaling nalang sa pagkain.

"Oh! The foods here looks delicious." Komento ni Gail.

Napairap ako. Edi wow!

"Yeah." Sagot naman ni Darren. "And their seafoods here is good."

Nagkatinginan kaming dalawa. The side of his lips rose up while staring at me. Tinignan ko siya ng masama bago ako uminom ng tubig at umiwas ng tingin sa kan'ya.

"Seafood is your favorite, right?" Nakangiting tanong ni Gail.

Wow, so alam pala niya? Malamang, Chandrea! Boyfriend niya 'yan kaya possibleng alam niya lahat.

"Hmm..." Darren nodded. "But it taste good if the someone I know before will cook this for me." He smirked and drank his water.

Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Nagkatinginan ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung may pinaparinggan ba siya. Noon kasi mahilig akong magluto ng seafoods at siyang-siya naman siya at laging pinupuri ang luto ko.

Fuck, Chandrea! Hindi ikaw ang ibig niyang sabihin! 'Wag kang assuming!

Tumikhim ako dahil naisip ko. Kumuha na ako ng pagkain at doon nalang itinuon ang atensyon. Sobrang init ng panahon pero hindi ko alam kung bakit parang nanlalamig ang kamay ko.

"Why so quiet, Chandrea?"

Muntik ko ng mailuwa ang kinain ko sa biglaang pagtanong sa'kin ni Darren. Mabilis akong uminom ng tubig at tumikhim. Nasa akin ang paningin nila, nag-aantay ng sagot ko.

Unexpected question from him! Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong pagkatapos ng nangyari noong gabing 'yon! And damn, his girlfriend is here!

And what? Chandrea? Oh come on. Wala ng kayo kaya 'wag ka ng mag-expect na 'love' parin ang itatawag niya sa'yo. May girlfriend na siya o asawa or whatever that Gail into his life is.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko. Kinuha ko ang tissue sa mesa at pinunasan ang labi ko. Buong tapang ko siyang tinignan sa mata. Malamig ang tingin ko dahilan para unti-unting mawala ang kan'yang ngisi.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Taas kilay kong tanong.

He stared at my eyes before he smirked again. Damn this guy!

One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon