Chapter 24
Hindi ako nagsalita at hinayaan ko nalang sila. Pumasok na ako sa kwarto ko dahil nandoon parin si Darren sa labas kasama ang anak ko.
Mapapatawad ko pa kaya si Darren? Pero kung tutuusin ay hindi naman niya kasalanan na mabuntis ako ng kakambal niya. Wala siyang alam sa pinanggagawa ng kakambal niya na pareho naming hindi namalayan. Pareho kaming niloko ng kakambal niya. Pareho kaming pinagmukhang tanga.
'Yong sa birthday ni Arrison ang hindi ko matanggap. Nasaktan ang anak ko pero dahil napatawad na siya ni Arrison na wala parin alam sa totoo niyang ama ay kakalimutan ko na rin 'yon pero hindi parin mawala-wala ang galit sa puso ko dahil sa kakambal niya.
Siguro ay mapapatawad ko pa si Darren pero hindi ko alam kung kailan. Siguro sobrang nasaktan at nagalit lang ako ngayon kaya hindi ko pa magawang magpatawad. I still love him, though... but I don't think my love for him is enough to forget everything. To forget his twin.
Sobrang sama ko na bang tao kung sasabihin kong, tama lang na mamatay ang kakambal niya? 'Yon na ba ang karma niya? Ang mamatay siya dahil sa ginagawa niya sa'kin noon na wala akong kaalam-alam?
He's my son's father. Ano ang gagawin ko? Paano ko sasabihin kay Arrison ang totoo? Alam kong masasaktan ang anak ko lalo na at malaman niyang patay na ang totoo niyang ama.
Si Darren? Papayag kaya siyang sabihin ko kay Arrison ang totoo? Pinigilan niya ako kanina, 'di ba? Hindi pwedeng habang buhay kong itatago sa anak ko 'to. Matalino ang anak ko at maiintindihan niya ang nangyari. Mas maganda kung sasabihin ko sa kan'ya habang maaga pa. Ayaw kong magalit ang anak ko dahil dito.
Hindi siya nagalit sa'kin na itinago ko siya ng limang taon. Pero iba na 'to ngayon. Patay na ang totoong ama niya. Maniniwala kaya siya? Lalo na at magkamukhang-magkamukha sila ni Darren o Darell? Mapapatawad ba niya ako sa pagkakamali ko?
Naputol ako sa pag-iisip ko nung tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong inabot at tinignan ang tumawag. Sinagot ko agad nung makita ang pangalan ni Aroxx doon.
"Hello?"
"Kumain ka na?" Tanong niya agad.
Dahil sa sinabi niya ay kumulo ang tiyan ko. Shit! Napapikit ako ng mariin. Hindi pa pala ako kumain! Hindi ako pwedeng pagpalipasan ng gutom dahil may bata sa sinapupunan ko. Malay ko ba kasing nandito si Darren?
"Uhm... hindi pa pero kakain na rin. Bakit?"
He sighed. "Ipapaalala ko lang, ha. Buntis ka, Chandrea. 'Wag mo namang pababayaan ang bata sa sinapupunan mo." Inis niyang sabi.
Bumangon na ako ng kama. "Oo na po. Pasensya kana pala dahil hindi ako nakapasok sa trabaho. Tanghali na akong nagising, e."
"Okey lang basta makapagpahinga ka ng maayos."
"Hmm..." tumango ako at tumayo.
"Anyway, I'm on my way there. I'm with Jaira." Aniya.
Napanguso ako at napaisip. Parang lagi na silang magkasama ah? Anong meron sa kanila at bakit close na close silang dalawa? Wala pang sinasabi sa'kin si Aroxx na may nagustuhan siyang babae mula noon dahil mga gwapong lalaki ang gusto niya.
Siguro ay magkaibigan lang sila ni Jaira. I sighed. Hindi ko na dapat sila iniisip pa, mas lalo akong naiistress eh.
"What's with the sigh?" He asked.
Napakurap-kurap ako. Muntik ko ng makalimutan na hindi ko pa pala naibaba ang tawag!
"Uh, wala! Sige, hintayin ko kayo at kakain na rin ako. By the way, Darren is here." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...