Chapter 18
"What is it again, baby?" Darren asked after the call.
I shook my head. Nawalan ako ng lakas na sabihin sa kan'ya ang totoo dahil nauna na agad ang kaba at takot sa'kin. Sasabihin ko na sana kanina eh pero pinutol ako ng tawag.
"Really, baby, what is it? Tell me."
I pouted. "Wala. Sasabihin ko lang sana na... gutom na ako." Pagsisinungaling ko.
He stared at me for a seconds before he burst into laughter while his hand is on his tummy. I pouted more. Totoo naman din kasing gutom ako dahil kunti lang ang inorder ko sa loob dahil alam kong hindi kami magtatagal ni Jaira.
"Damn, baby!" He pinched my cheek. "You're so damn cute!"
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. "'Wag ka ngang tumawa ng tumawa diyan! Walang nakakatawa, Darren!" Inis kong sabi.
"Alright, then. Let's eat in our house."
Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. "In your... what?!" My jaw dropped.
He chuckled. "Baby, you know that I really want to introduce you to my family like before pero ayaw mo." Then he pouted. "Don't tell me na ayaw mo parin ngayon?"
My lips parted and my heart rocking so fucking hard! Kinakabahan ako habang iniisip ko ang pamilya niya. Kaya lang naman ako hindi pumapayag noon dahil natatakot akong hindi nila ako magustuhan.
He held my hand and his eyes begging. "Baby, please? They're waiting for us and they were so excited to see you."
Napalunok ako. "D-Darren naman eh! Bakit... bakit ka pabigla-bigla?" Gusto kong maiyak sa kaba!
He sighed. "If you still not ready, I will call my Mom. Excited pa naman siya kaya nagluto siya ng makakain natin." Malungkot niyang sabi at umayos ng upo bago kinuha ang cellphone.
Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya. Pinaghandaan ito ng Mama niya? Nakakahiya naman kung tumanggi ako.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya at napatingin naman siya sa'kin. Nagmamakaawa parin ang kan'yang mga mata. Huminga ako ng malalim, wala namang mawawala kung papayag ako diba? Kung hindi nila ako magustuhan... well... nasa kanila na 'yan kung magugustuhan nila ako o hindi. Okey lang.
Habang nasa byahe kami ay hindi ako makapirmi sa inuupuhan ko dahil sa kaba at nakatingin lang ako sa bintana. Habang patagal ng patagal ang byahe ay mas lalo akong kinakabahan.
Napalingon ako sa kamay ni Darren na humawak sa hita ko bago ko inangat ang tingin sa kan'ya. Traffic pa naman.
He smiled at me. "Don't be nervous, baby. Mabait ang pamilya ko."
Tumango ako at tumingin ulit sa bintana. Kahit sabihin pa niyang mabait ay hindi ko parin maiwasang kabahan. Paano kung sinasabi lang niya na mabait para kumalma ako? Damn! Mas lalo lang yata akong kinakabahan.
Mas lalo akong kinakabahan nung pumasok ang kotse niya sa isang malaking gate! Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa malaking bahay nila. Ngayon palang talaga ako nakapunta dito!
Sa sobrang kaba at pagkamangha ko ay hindi ko napansin na nakababa na pala siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Kung hindi lang niya ako hinalikan ay maiiwan akong tulala dito.
"Let's go?" He smiled.
Napalunok ako, kinakabahan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at tumango.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...