Chapter 16

1.8K 51 3
                                    

Chapter 16

Nakangiti ako habang pinapanood si Aroxx at Arrison na masayang naglalaro. Enjoy na enjoy ang anak ko sa kalaro niya.

Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis akong napatingin dito. A smile appeared on my lips when I saw Darren's name on it.

Mabilis na nawala ang ngiti ko nung tumikhim si Aroxx kaya napatingin ako sa kan'ya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ngumuso ako at tumayo. Iniwan ko sila doon at pumasok ako sa kwarto ko para sagutin ang tawag.

"What took you so long?" Bungad niya pagkasagot ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "S-Sorry... uh..."

"I'm at the basement of your condo now. Come here, baby. I miss you." He sighed.

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Sige. Hinatayin mo ako sandali."

"Alright. I love you." Then he ended the call.

Napabuntong-hininga ako. Wala rin naman akong balak mag-I love you too sa kan'ya.

Kumuha lang ako ng jacket at sinuot. Inayos ko ng kaunti ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Naabutan kong naglalaro parin sila Aroxx. Napaangat ng tingin sa'kin si Aroxx at kumunot ang noo.

"Where are you going?"

Napalingon si Arrison sa'kin, nakakunot ang noo.

"Uh... may bibilhin lang ako sandali." Palusot ko. Huhu napakasinungaling ko naman.

"Buy pizza po, Mama?"

Ngumiti ako. "Of course, baby. Mama will buy lots of pizza." I went to him and leaned down to kissed him.

He smiled a bit. "Thank you po, Mama. I love you."

"You're welcome, baby. I love you so much."

"Balik ka kaagad." Sabi naman ni Aroxx.

Tinanguan ko siya. "Okey..."

Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na. Halos tumakbo na ako sa excitement papunta sa basement pero nung makalapit na ako at dinahan-dahan ko lang ang paglalakad ko. Baka akalain niya na excited akong makita siya.

Naabutan ko siyang nakasandal sa labas ng kotse niya. Umayos siya ng tayo nung makita ako at ngumiti.

"Hey." He kissed my cheek.

"Hi." I smiled.

Bigla niyang hinila ang bewang ko at niyakap. Nakasandal parin siya sa kotse niya habang nasa harap niya ako. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin kaya tinulak ko siya.

"Darren, ano ba!"

Tinignan niya ako sa mata. "Let's date?"

Kumunot ang noo ko. "Ngayon?"

He nodded.

Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. Pambahay lang ang suot ko at nakakahiya naman magdate ng ganito ang suot.

"What's wrong?" He asked.

Nakasimangot akong nag-angat ng tingin sa kan'ya. "Nakapambahay lang ako, Darren."

Tinignan niya rin ako mula ulo hanggang paa. "That's okey-"

"What?!"

"Baby, you're pretty with that. 'Wag ka nang magbihis o mag-ayos dahil mas lalo kang gaganda at maraming mapapatingin na lalaki sa'yo-"

One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon