Chapter 20

1.8K 54 11
                                    

Chapter 20

Nung magising ako ay puting kisame agad ang una kong nakita at kakaibang amoy ang una kong nalanghap. Alam na alam ko kung nasaan ako. Nasa isang Hospital at hindi ko alam kung bakit ako nandito.

"Mama!"

Nagulat ako nung biglang sumulpot si Arrison sa gilid ko at mabilis akong niyakap. Para akong sinaksak ng paulit-ulit nung marinig ko ang kan'yang hikbi. Naalala ko yung nangyari sa condo at hindi ko maiwasang mapahagulhol sa sakit.

Nilapitan kami ni Aya at Aroxx. Mas lalo akong napahagulhol. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ang pagtanggi ni Darren kay Arrison. I can't believe this! How can he... how can he denied it? In front of my son? In his birthday? How...

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at malakas na napahagulhol. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang sakit! Ang sakit-sakit! Gusto kong mamatay sa sobrang sakit! Nasasaktan ako para sa sarili ko pero mas nasasaktan ako para sa anak ko! Sa anak namin na tinanggi niya!

"Shhh, Chandrea." Pagpapatahan ni Aroxx pero hindi ako tumigil sa pag-iyak at mas lalong humigpit ang yakap ni Arrison sa'kin. "Call the Doctor, Aya." Rinig kong utos niya.

Narinig ko rin ang pagsinghot ni Aya. "O-Opo, Sir." Basag na boses niyang sabi.

Sinubukan kong umupo sa kama at agad naman akong inalalayan ni Aroxx na nag-aalalang nakatingin sa'min at kita ko rin ang sobrang galit sa mga mata niya at alam ko ang dahilan ng galit niya.

Umakyat si Arrison sa kama ko kaya binuhat siya ni Aroxx para tulungan maka-akyat at agad naman niya akong niyakap kaya mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik.

"Mama! Mama!" He cried more.

Napahikbi ako. "I-I'm sorry, baby. I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kan'ya.

"M-Mama! He said that I-I'm not his son! He said that po, Mama! He said that I'm not his son! It hurts so much, Mama! I-It hurts!" Bumasag ang boses ni Arrison habang paulit-ulit na sinabi 'yon at sa bawat salita na lumalabas galing sa bibig niya ay para akong sinasaksak ng kutsilyo sa dibdib.

Niyakap kami ni Aroxx. Patuloy naman kami sa pag-iiyakan ni Arrison. Sobrang sakit. Alam kong sobrang nasasaktan din ang anak ko dahil rinig niya ang pagtanggi ni Darren sa kan'ya at pag-alis nito. Kung pwede lang na ilipat ang sakit na nararamdaman ni Arrison sa'kin ay nilipat ko na. Para akong mamamatay habang nakikita ko siyang nasasaktan at nahihirapan.

Napaka-potangina mo, Darren! Sobrang gago mo talaga! Paano mo naitatanggi 'yan sa harap mismo ni Arrison?! Paano mo nasabi na hindi mo anak si Arrison? Napakawala mong puso!

Naalala ko bigla ang sinabi ng Mommy niya noong nasa kanila kami. May kambal si Darren at bawat parte ng katawan at mukha nila ay parehong-pareho at walang palya! Mas lalo akong napaiyak. Please tell me that what I think right now is wrong.

Napaka-impossibleng siya! Hindi ako ipinakilala ni Darren sa kakambal niya! At impossibleng makilala niya ako! Pero paano... paano kung nagpapanggap siyang bilang si Darren? Paano kung niloko niya ako?

Paulit-ulit akong umiling sa naisip ko. No! Sana mali ang naisip ko, please. Sana mali ako! Sana mali ako! Si Darren ang ama ni Arrison! Baka nasabi lang niya na hindi siya ang ama dahil hindi pa siya handang magiging tatay? Tama yun nga. Baka yun nga ang dahilan niya.

Punong-puno ng galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Galit na galit ako sa kan'ya at nasasaktan ako para sa anak ko... at para sa sarili ko. Napakasakit. Sobra-sobra na ang sakit.

One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon