Chapter 19
"Baby, your birthday is coming. What gift do you want on your birthday?" Nakangiti kong tanong kay Arrison habang sinusuklayan ko ang buhok niya gamit ang daliri ko.
Nakaunan naman siya sa isang braso ko at nakayakap sa bewang ko. Nasa kwarto niya kami ngayon at plano kong dito matulog sa tabi niya.
His embrace made me feel at peace.
Simula nung nalaman ko na may kakambal pala si Darren ay hindi na 'yon mawala sa isip ko at hindi ko alam kung bakit. Baka naman ay nagulat lang talaga ako?
"Mama, you're still calling me baby po." Seryoso niyang sabi.
Mahina akong natawa at hinalikan siya sa ulo. "Because you are still my baby. Bawal bang tawagin ka niyan?" Malungkot kong tanong.
Ramdam kong natigilan siya at mas lalong humigpit ang yakap sa'kin.
"Uhm... you can. Don't be sad po, Mama." Umangat ang mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.
Napangiti ako. "I love you, Arrison. Always and forever."
"I love you so much po, Mama!" He smiled a bit.
"So, ano na ang gusto mong regalo?" Tanong ko ulit.
Humiwalay siya ng yakap sa'kin kaya kunot-noo ko siyang tinignan. He sat beside me and reached my hand and his eyes were so serious while looking at me.
"Mama, you know po what I really want po."
My heart throbbed. Kahit alam ko ang ibig niyang sabihin ay hinintay ko parin ang dugtong niya.
"I want to see and talk Papa."
Tumango ako ng walang pag-aalinlangan. Para sa anak ko, huli na 'to. Sasabihin ko na kay Darren ang totoo. Ayaw ko ng maging duwag dahil ang anak ko ang mas nasasaktan sa pagiging duwag ko.
Bumalik ulit ako sa trabaho sa company ni Aroxx. Nami-miss ko na si Akierra at buti nalang dahil lagi na kaming nag-uusap sa cellphone.
Napaangat ako ng tingin ko nung marinig kong bumukas ang pinto ng opisina ko. Napaawang amg labi ko nung makita ko si Darren na pumasok doon.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.
He smiled. "I miss you that's why here. Hindi ka na nagpapakita sa'kin these past few days at lagi mo nalang sinasabi na busy ka." He pouted.
Because I'm readying myself to tell you the truth.
Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "B-Busy naman talaga ako."
Naglakad naman siya palapit sa'kin. Nakatingin lang ako sa kan'ya hanggang sa makalapit siya at nagsquat sa gilid ko. Inikot niya ang swivel chair ko paharap sa kan'ya.
"Hug and kiss lang, please?" He begged. "By the way, flowers for you." Inabot niya sa'kin ang bulaklak.
Agad ko naman 'tong tinanggap at nilagay sa mesa ko bago siya nilingon ulit.
Sumimangot ako. "Umalis ka nga dito, Darren. Nagta-trabaho ako!"
"But I miss you, don't you miss me too?" Tinitigan niya ako sa mata.
Pilit kong ngumiti sa kan'ya. "I have something to tell you."
Naging kuryoso naman niya akong tinignan. "Ano yun? Sinasagot mo na ba ako?" Ngumisi siya ng malapad.
BINABASA MO ANG
One Night With My Ex-Boyfriend (One Night Series #1)
RomanceONE NIGHT SERIES #1- COMPLETED Chandrea discovered that she was pregnant after she broke up with her ex-boyfriend who cheated on her and after long years, she came back with her son but she was afraid that her ex-boyfriend would know about their son...